KABANATA VII

1.9K 35 0
                                    


Naging sundalo na si Samuel kahit masakit ang nadarama niya ay tinuloy niya pa din ang pinapangarap niya, ang tanging sinabi lang saakin ni Samuel ay mahal niya pa din si Dolores at kahit na ganoon ang binitawang salita ni Dolores sakanya ay mahal niya pa din ito at umaasang magkaroon si Dolores ng kaliwanagan at masabi nito ang totoong nadarama para sakanya, hindi daw siya titigil sa pagmamahal kay Dolores kahit na hindi na siya mahal nito. Apat na buwan na ang nasa sinapupunan ko, limang buwan nalang ang hihintayin ko para Makita ko na ang anghel na iniwan saakin ni Carlos, nagagalak ako na kahit wala na siya may iniwan pa din siyang ala ala saakin na nikailanman ay hinding hindi ko malilimutan. Nandito ako ngayon sa tapat ng Puerto hinhintay ang barkong lulan ng Formosa, pabalik na si Fai Lu kaya kasama ko si Leonor na abala sa pagaayos dahil magkikita na ulit sila ni Fai Lu, dumaong na ang barkong lulan ni mga galing sa bansang Formosa. Naghintay kami sa pagbaba ng mga tao galing sa barko, sa di kalayuan nakita naming si Fai Lu kumakaway sa direksyon namin, nakangiti siya at bakas sa mukha niya na masaya siyang nakauwi muli sa San Francisco, agad siyang lumapit papunta saamin at binati kami, sa sobrang saya niya ay nayakap niya si Leonor. Ikinagulat ko at ni Leonor ang ginawa niya pero dahil isang buwan ding hindi nagkita sila ni Leonor, niyakap din siya ni Leonor ng mahigpit.

"Nangulila ako lubos sayo Señola Leonol" habang nakayap siya kay Leonor

"Ako din, nangulila ako ng lubos nang mawala ka, palagi kitang pinagdadasal at palagi kong binibilang ang mga araw na wala ka" tumulo ang luha ni Leonor habang nakayakap kay Fai Lu, napansin naman ito ni Fai Lu kaya kumalas siya sa pagkakayap at pinunasan ng panyo ang mga mata ni Leonor

"Wag ka na iyak mahal ko dito na ako saiyong tabi, hindi kita muling iwan pa" sabi ni Fai Lu habang hawak ang kamay ni Leonor at nakatingin sakanyang mga mata

"Te amo Fai Lu"

"Mahal din kita mahal ko Leonor"

"Ehem, mamaya na yan, tapusin muna natin yung mga patungkol sa kalakal fai lu" nginitian ko siya

"Oo nga pala señola patawad, ito ang mga kinita nang kinalakal sa Formosa, kung Makita mo señola marami ang tangkilik satin kalakal"

"Oo nga, Malaki ang kinita natin ngayon kumpara nung nakaraang taon, Muy bien (Very good) Fai Lu"

"Salamat Señola, mas gagalingan ko pa para kay Leonor" napangiti naman si Leonor at halatang namumula siya dahil sa sinabi ni Fai Lu

"Vamos, hinihintay na tayo ni mama, Fai Lu saamin ka na kumain sigurado akong matutuwa si ina na nandito ka na, at magpakilala ka na din kay ina bilang manliligaw ni Leonor, hindi bilang isang kaibigan"

"Pero señola"

"Walang pero pero, tara na sumakay na tayo ng kalesa" sa loob ng kalesa kaming dalawa ni Leonor ang magkatabi at si Fai Lu naman ang nasa harapan namin, hinawakan ni Fai Lu ang kamay ni Leonor, pinigilan ko naman siya sapagkat nagiging mapusok na sila

"Siya nga pala Leonor, tapos na daw itayo ang escuelahan na pinapatayo ng mga amerikano sa bayan, maaari kang pumasok doon upang matuto magsalita ng ingles, pagkatapos ko manganak ay ako naman ang susunod na magaaral ng Ingles, medyo naghihigpit ang gobierno ngayon patungkol sa pag aaral ng wikang Ingles at pinatanggal nila ang wikang español bilang pambansang wika ng ating bansa, ipinagbawal din nila ang pagkanta ng pambansang awit, ibinaba na din nila ang watawat ng pilipinas at español, itinaas na nila ang watawat ng bansang amerika patuloy nilang binabago ang karamihan saating nakaugalian"

"Ano pa nga ba ang magagawa natin ate, natalo na ang mga lumalaban sakanila at tuluyan na nilang nakuha an gating bansa, wala na tayong magagawa sa ngayon kung hindi tanggapin muna ang katotohanan na hawak nila tayo ngayon pero nararamdaman ko ate pansamantala lang lahat ng ito, makakalaya din tayo baling araw sa mga kamay ng mananakop"

"Sana magdilang anghel ka Leonor, hindi na ako makapaghintay na maabot natin ang kalayaang inaasam, kalayaan sa lahat, na tayong mga tinawag na indyo ng mga español ang mamumuno sa sarili nating inang bayan" dumating kami sa bahay, nakahanda na ang hapag kainan, pumuesto na kami sa mesa

"Kumusta ang kalakal na naibenta sa Formosa Fai Lu?"

"Malaki po kita ngayon Señola Teodola"

"Buti naman kahit papaano ay makakabawi na tayo sa nawala satin, sige kumain ka pa Fai Lu para naman kahit sa pagkain ay makabawi man lang ako"

"Ina, mayroong sasabihin saiyo si Fai Lu" singit ko sa usapan nila, halatang nagulat si Fai Lu sa sinabi ko kay ina, bakas sakanyang mukha ang kaba at pagkabalisa dahil natatakot siya kay ina

"Ano iyon Fai Lu? Huwag kang mahihiya magsabi saakin para na din kitang anak dahil sa tagal mo nang nanunungkulan saamin"

"Ah-eh kasi po Señola ano po uhm ano po"

"MAHAL KO PO SI FAI LU" nakapikit na sinabi ni Leonor, ayaw niyang makita ang reaksyon n gaming ina

"Tama ba ang narinig ko? Mahal mo s-si Fai Lu?"

"Opo, Señola, mahal po naming isa't isa" nanginginig na sabi ni Fai Lu

"Kailan pa? bakit ngayon ko lang nalaman" inilipag ni ina sa plato ang hawak niyang kutsara't tinidor dahil sa pagkabigla

"Matagal ko na po mahal inyo anak Señola"

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo Fai Lu?"

"Opo, Señola siguradong sigurado po" hinawakan ni Fai Lu ang kamay ni Leonor

"Kung maaari lamang po ay gusto ko sana po hingin kamay ng anak po ninyo" nanginginig si Fai Lu halatang kinakabahan siya ng sobra, halos ilang minute din natahimik ang paligid

"Nakapag desisyon na ako" mas lalong natahimik ang lahat sa paghihintay sa sasabihin ni ina, mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Fai Lu sa mga kamay ni Leonor, nakatingin si Leonor sakanya na nangangamba

"Pumapayag ako" Natuwa sila Fai Lu at Leonor, halos lumundag sa tuwa si Fai Lu dahil sa sinabi ni ina

"Pero kailangan mo munang patunayan saakin o saamin na seryoso ka at sigurado ka sa nararamdaman mo Fai Lu dahil ayaw kong mapunta ang anak ko sa taong hindi seryoso"

"Seryoso po ako Señola kahit gaano pa katagal at kahit ano pa po ang pagsubok na iyong ibigay tangapin kop o Señola dahil mahal ko po si Leonor, salamat po"

"Simula bukas ay gusto ko makita kita dito saaming Casa, kailangan mong sibakin ang mga kahoy na panggatong na gagamitin sa pangluto, kailangan mong umigib ng tubig para pang inom at marami pang ibang pagsubok bago mo tuluyang makuha ang kamay ng aking anak"

"Kahit butas po ng karayamon aking papasukin mapatunayan ko lang po pagmamahal k okay Señola Leonor" hinawakan niyang muli ang kamay ni Leonor at tumingin sa mga mata nito

"Maraming salamat po Señola" naging masaya ang lahat sa hapag kainan, natuwa kami dahil pumayag si ina sa pagmamahalan nila Leonor at Fai Lu, tunay ngang napakabuti ni Ina at pumayag din naman ako sa mga pagsubok na bibigay niya kay Fai Lu para mapatunayan ang pagmamahal nito saakin kapatid, para saakin maganda na din iyon para kahit papaano ay masusukat kung gaano kahaba ang pasensya ni Fai Lu at kung gaano siya kadesidido sa pagpapakasal sa aking kapatid

Until We Meet Again Book I: 1903 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon