KABANATA XXV

971 22 0
                                    

Isang masamang balita ang bumungad saakin, hindi ko lubos maisip na ganito ang kahihinatnan ng pagsasakripisyo ko, hindi nanalo si Ethan sa kaso, ngayon ay ang araw ng pagpapataw ng parusa sakaniya, hindi ko maisip na matatalo si Ethan ng ganoon na lamang pero gusto ko siyang makita ngayong araw pero hindi ko alam kung paano ako makakaalis dito sa bahay ni Patrick, kung magpapaalam ako sakaniya ay siguradong hindi niya ako papayagan, pagtumakas naman ako ay siguradong matindi ang magiging galit saakin ni Patrick. Paano ba? Paano ko makikita si Ethan?

Biglang may kumatok saaking cuarto habang ako ay matinding nagiisip patungkol sa kung paano ko makikita si Ethan ngayong araw.

"Esperanza, can we talk?" si Patrick ang kumakatok sa pintuan ng cuarto, agad ko siyang pinagbuksan, nasa labas siya bakas sa mukha niya ang lungkot at pagkakadalamhati niya, kaya agad ko siyang pinapasok sa cuarto.

"Gi-ginoo mayroon po bang problema?" tanong ko sakaniya

"I know Esperanza, gusto mo na umalis saakin" sagot niya saakin na mas lalong nagpalungkot sakaniya

"Gi-ginoo? Pero"

"I know Esperanza, nabasa ko ang sulat mo saakin at I feel that you really love Ethan and whatever I do in order for you to love me too still I can't get your love. I will now set you free Esperanza, malaya ka na" nagulat ako sa mga sinabi saakin ni Patrick, naramdaman ko ang lungkot na taglay niya ngayon, hinawakan ko siya sa braso at tinignan sa mga mata

"Ginoo, patawad, sa totoo lamang ay hindi ko alam ang sasabihin ko, patawad kung hindi ko maibigay ang pagmamahal na ninanais mo, kung hindi ko kayang suklian ang pagmamahal na iniaalay mo saakin, kung nanatili akong manhid sa pagibig mo saakin pero Ginoo mahal kita hindi bilang isang kasintahan kung hindi bilang isang mabuting kaibigan, mananatili ka dito sa puso ko Ginoo, hinding hindi ka malilimutan nito, baling araw ay makikita mo din ang nararapat para saiyo, makakasama mo din ang taong magpapasaya at susuklian lahat ng pagibig mo, hindi man ako iyon ginoo pero salamat sa lahat, salamat sa nararamdaman mo para saakin" bumuhos na ang luha sa mga mata ni Ginoong Patrick, kinuha niya ang aking kamay at hinalikan iyon

"Ginawa ko lahat Esperanza pero alam ko na hindi talaga ako ang mahal mo, papalayain na kita, patawad, maaari ba akong makahingi ng huling hiling saiyo? Maaari ba kitang mayakap?" Patuloy pa din sa pagluha si Patrick, pinunasan ko ang luha niya at ngumiti ako sakaniya, nagpasalamat ako sakaniya, niyakap siya at ganoon din siya

"Alam kong gusto mong makita si Ethan ngayon, kaya sige na, you're free to go, kung nasakaniya ang kasiyahan mo, masaya na din ako para saiyo, paalam aking mahal, hanggang sa muli" bulong niya saakin, habang patuloy siya sa pagiyak, alam kong masakit para sakaniya ang pagpapalaya saakin pero kung ang kalayaan din naman ang magiging solusyon para sa ikasasaya ng lahat, mas mabuti na sigurong maging malaya nalang. Bago ako umalis ay muli akong nagpaalam sakaniya, naiwan siya sa cuarto na patuloy ang pagtangis, inihatid ako naman ako ni Perla patungong korte. Umabot kami ni Perla sa huling pagdinig ng kaso, narinig ko lahat ng ipapataw na parusa kay Ethan, ipinababalik na siya ng Amerika dahil daw sa kasalanang ginawa niya sa aming bayan, isang mes o buwan na lamang siya maaaring mamalagi dito sa bansa, bawal din siyang magsama ng kahit ano o sino pabalik ng sarili niyang bansa, tinanggalan na din siya ng kapangyarihan bilang heneral at tinanggal na din ang karapatan niyang mamuno hindi lamang dito sa bansa kung hindi pati na din sa bansa nila. Marami ang umalma dahil kaaramihan ng narito ay sumusuporta sakaniya pero dahil ito ang hatol ng korte, walang magawa ang lahat kung hindi sumunod sa kaparusahan at ang huli ay hindi na siya puedeng bumalik dito sa bansa. Agad humina ang tuhod ko sa mga nangyayari hindi ko mataim na natalo sa kaso si Ethan, itinayo akong muli ni Perla at nang mapansin naming na papalabas na sila ng korte ay agad agad namin siya nilapitan at tinawag.

Until We Meet Again Book I: 1903 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon