Chapter 01

5.4K 115 0
                                    


KANIKA'S POV

HUMINGA ako nang malalim bago ko inihakbang ang aking kaliwang paa. Tumapak ako sa lubid. Nag-concentrate ako habang inihahakbang ko pa ang isa ko pang paa. Dalawang paa ko na ang nakatuntong sa lubid. Hindi ako tumitingin sa ibaba, diretso lang. Sa Ang lubid na tinatapakan ko ay may taas na 20 feet. Kung hindi baldado ay baka lantang gulay ako kapag nahulog ako mula dito. O hindi naman kaya, baka iyon pa ang ikamatay ko. Diyos ko! Huwag naman sana, 'no. Ayoko pang mamatay. Masyado pa akong bata para mamatay. Seventeen years old pa lang ako at kakatapos ko lang ng high school. Marami pa akong gustong gawin sa buhay.



Tatlong hakbang ang ginawa ko at nang nasa medyo gitna na ako ay tumambling ako. Nagsigawan ang mga taong nanonood sa akin. Halatang lahat ay kinabahan na baka mahulog ako pero hindi naman. Lumagpak pa rin ang dalawa kong paa sa lubid.

Ang pagtulay sa lubid ay ginagawa ko tuwing bakasyon. Katulad na lang ngayon. Tuwing buwan kasi ng Mayo ang fiesta dito sa lugar namin kaya Abril pa lang ay meron nang peryahan. Kapag may mga nagsi-circus ay nag-a-apply ako at natatanggap naman agad ako kapag nakikita na nila ang husay ko sa pagtulay sa lubid.

Hindi man ganoon kalaki ang kinikita ko pero ayos na rin. Atleast, may pera ako kahit papaano tuwing bakasyon. Iyon nga lang kailangan kong magsuto nang nakakatawang costume. Katulad na lang ng suot ko. Naka-wig ako ng afro hair na may iba't ibang kulay. Nakasuot ako ng fit na damit at leggings tapos may palda ako na makulay din. Ang kapal pa ng make up ko. Pero lahat ng ito ay kailangan kong tiisin para lamang kumita.

Marami ang nagtatanong sa akin kung mahirap ba ang ginagawa ko. Sinasagot ko sila ng, oo, mahirap. Kailangan ng maraming practice at dedication para magawa ang ginagawa ko. Pero lahat ng iyon ay kasinungalinga. Hindi ako nahihirapan sa ginagawa ko pero ipinapakita ko na nahihirapan ako kahit konti para naman makaramdam sila ng thrill. O, 'di ba? Hindi lang ako ang babaeng tumutulay sa lubid kundi pwede rin akong artista!

Bakit ako hindi nahihirapan?

Ang totoo niyan ay hindi ko rin alam. Basta, natatandaan ko noong ten years old ako, nakapanood ako sa TV ng isang lalaki na tumutulay sa lubid. Tapos noong nagsasampay ako ng damit, inisip ko siyang gayahin. Oo, sa sampayan! Nakakaloka, 'di ba?

Nang panahon na iyon, nagawa kong makatalon nang mataas at makatuntong sa lubid. Nagawa kong pagaanin ang sarili kong katawan at magbalanse sa sampayan. Pero nahulog ako at nabalian. Napalo pa tuloy ako ng nag-aalaga sa akin.

Pero matapos ang pangyayaring iyon ay hindi na ako natahimik sa kakayahang natuklasan ko sa aking sarili. Kaya kong tumalon ng mataas at magpagaan ng sarili para makapagbalanse sa lubid.

Ang bongga, 'di ba?

At nang tumuntong na nga ako sa edad na labingtatlo ay nagperform na ako sa circus dito sa amin kapag malapit na ang fiesta.

Marami namang tao ang natutuwa sa ginagawa kong stunts, e. Hindi sila nagsasawa na panoorin ang ginagawa kong kakaiba.

Sampung minuto lang naman ang aking act. After niyon ay pwede ko nang kuhain ang bayad sa akin na four hundred pesos kada gabi. Makakauwi na ako.

Matapos ang aking pagtatanghal para sa gabing iyon ay pinuntahan na ako ng aming manager na si Kuya Bojo para iabot ang bayad niya sa akin. Nagtanggal lang ako ng make up at nagpalit ng dapat at umuwi na rin ako sa aming bahay.

Maliit lang ang bahay na tinitirhan ko. Kasama ko roon ang aking ninang na si Ninang Nimfa. Siya na ang nag-alaga sa akin simula nang mamatay ang nanay at tatay ko noong isang taon pa lamang ako. Nakakalungkot, 'no? Ang bata ko pa lang noon pero naging ulilang lubos na agad ako. Pero maswerte pa rin talaga ako dahil sa aking Ninang Nimfa. Siya ang nag-alaga sa akin simula noon. Hindi niya ako pinabayaan. Pinag-aral pa nga niya ako kahit hindi naman niya ako totoong anak. Isinantabi na nga rin niya ang kanyang lovelife para makapag-focus sa pag-aalaga sa akin. Pero hindi naman ako selfish. Gusto ko, isang araw ay matagpuan din ng ninang ko ang lalaking makakasama niya forever.

Enchanted Academy (Book 2)Where stories live. Discover now