Chapter 08

2.2K 75 14
                                    


KANIKA’S POV

LAHAT kami ay sumang-ayon sa suggestion ni Calvin na magpapanggap akong lalaki sa pagpasok ko sa Enchanted Academy. Iyon na lang kasi ang tanging paraan para hindi ako mapagdudahan ng mga Osoru lalong-lalo na si Prosfera. Alam ko na isa na naman iyong challenge sa akin pero parang nakakatuwa din siyang gawin, 'di ba? Iniisip ko pa lamang ay parang na-e-excite na ako.

Nang araw din na iyon ay ipinakilala na ako sa aking magiging gabay habang ako nasa loob ng paaralan-- si Jareth. Makakabuti din na lalaki ang kasama ko sa Enchanted Academy para naman mapag-aralan ko ang kanilang mga kilos at pagsasalita.

Mabait si Jareth. Sa sandaling pagkukwentuhan naming dalawa ay napalagay na agad ang loob ko sa kanya. Makwento kasi siya at palaging nakangiti. Palabiro din kaya walang ilangan na nangyari. Parang ang tagal na nga naming magkakilala, e. Nakatulong din siguro na magkasing-edad lang kami kaya mabilis kaming naging vibes. In fairness naman sa kanya, parang kilala rin siya ng halos lahat ng mga Ligero. Gwapo rin siya. Matangos ang ilong, maganda ang hugis ng labi at mata niya. Matangkad siya. Hanggang balikat nga lang niya ako, e. Tatay niya pala kasi ang punong-kawal ng mga Ligero. Bata pa lang daw siya ay hinahasa na siya para sumunod sa yapak ng kanyang ama. Kaya naman pala medyo malaki ang kanyang braso. Ewan ko lang kung may abs siya o ano, ha. Hindi ko naman kasi nakita.

Teka… bakit ko naman gustong makita ang katawan ni Jareth?

Hindi abs ang dapat kong pinagtutuunan ng pansin kundi ang pagpasok ko sa Enchanted Academy.

Isang araw bago ang pasukan ay sinimulan na nila ang transformation sa aking hitsura. Hindi naman ako pwedeng pumasok sa Enchanted Academy na babae ang aking hitsura tapos sasabihin kong isa akong lalaki. Dapat may make-over din!

Una ay ang aking buhok. Pinutulan nila iyon at ginupitan ng parang sa isang lalaki. Nag-practice din ako ng kung paano magsalita ang isang lalaki. Medyo pinalaki ko ang aking pagsasalita pero hindi naman iyong OA. Baka mahalata agad ako, e. Siyempre, pati na rin ang paglalakad at pagkilos ay inaral ko din. Pagkatapos ay ang aking pananamit naman. Puro damit panlalaki ang ipinabaon nila sa akin. Ang kasuotang pampaaralan naman daw ay makukuha namin mismo sa Enchanted Academy. Bongga! Free uniform. Malaki siguro ang buwis na binabayad ng mga salamangkero dito sa Erkalla. Joke lang!

Excited na talaga ako sa muling pagpasok ko sa school. Dati pangarap kong makapag-college pero parang mas higit pa doon ang nakuha ko. Biruin niyo, mag-aaral ako sa isang paaralan na tuturuan ako kung paano gumamit ng mahika at salamangka! Kakaiba, 'di ba?

Basta, gagalingan ko ang pag-aaral doon. Hindi ko sasayangin ang tiwalang ibinigay sa akin ng hari at reyna. Hindi ko bibiguin ang mga Ligero dahil alam kong ako ang kanilang pag-asa.





BUKAS na ang pagpunta ko sa Enchanted Academy. Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako inaantok. Nakaupo ako sa harap ng salamin sa aking silid. Pinagmamasdan ko ang akong sarili doon. Malayong-malayo na ang hitsura ko sa dati kong hitsura. Talagang hindi mo na ako mapagkakamalan na isang babae. Lalaking-lalaki na ang mukha ko. Siguro, malalaman mo lang na ako ay isang babae kapag tinanggal ang tela sa aking dibdib. Kapag tinanggal kasi iyon ay mahahalata mo na meron akong alam niyo na.

Talagang kailangan kong galingan ang pagpapanggap na ito.

“Kaya mo iyan, Kanika! Para sa Ligero, Erkalla at sa pagkamatay ng mga magulang mo…” Mahinang sabi ko.

“Kanika, bakit hindi ka pa natutulog? Hindi ba’t unang araw ng pagpasok mo bukas sa Enchanted Academy?” Napapitlag ako nang biglang dumating si Leya. Pumasok siya mula sa nakabukas na bintana ng aking kwarto.

Napahawak tuloy ako sa aking dibdib. “Nakakagulat ka naman, Leya!” pakli ko.

“Ikaw ang nakakagulat dahil gising ka pa.” Dumapo siya sa balikat ko at umupo doon.

Enchanted Academy (Book 2)Where stories live. Discover now