Chapter 20 & Epilogue

4.6K 106 40
                                    


KANIKA’S POV

NOONG ako ay nasa mundo ng mga tao, isa lang akong simpleng babae na may simpleng pangarap. Ang pangarap ko lang naman noon ay ang maiahon sa kahirapan ang aking Ninang Nimfa at magkaroon ng trabaho na nagbibigay ng serbisyo sa aking kapwa. Gusto ko talagang makatulong sa mga katulad kong mahihirap dahil nararanasan ko kung paano maging sila. Hindi madali. Araw-araw ay palaging pakikipagsapalaran. Nagbago lang ang lahat nang malaman ko na hindi ako isang normal na tao kundi isang salamangkero na nakatira sa mundo na kung tawagin ay Erkalla. Ang dami kong natutunan sa mundong ito. Bukod sa mga mahika at salamangka ay nalaman ko rin ang iba’t ibang kulay ng iyong kapwa.

Sino bang mag-aakala na ako pala ang pag-asa ng Erkalla para sa pagbabago nito? Hindi ko naisip iyon noon. Pero ngayon, tila ang pag-asang iyon ay mawawala na lalo na’t nasa kamay na ako ni Prosfera. Paano kung magtagumpay siya sa pagpatay sa akin? Parang hindi ko kayang makita ang pagguho ng pag-asa ng mga Ligero na siyang pinagmulang lahi ng aking ama.

Ngayon, ako ay nasa harapan ni Prosfera at ng buong estudyante ng Enchanted Academy. Nakatali ako at walang kalaban-laban. Gutom, uhaw at nanghihina na. Parang pakiramdam ko ay makakasama ko na ang aking ama at ina sa kabilang buhay.

Ama, ina, kung sakali mang mabigo ako sa aking misyon dito sa Erkalla, sana ay mapatawad niyo ako… Patawad kung mabibigo ko man kayo, Tumingala ako sa langit at hinayaan kong masilaw ako sa sinag ng araw. Maya maya ay napatungo na lang ako.

“Masdan niyong lahat ang mukha ng babaeng papatay sa akin! Siya lang naman ang isinugo ng mga nagtatago at duwag na mga Ligero dito sa Erkalla para ako ay paslangin. Hindi ba’t isa iyong kalapastanganan sa inyong alteza?! At ang babaeng ito ay nararapat lamang na patawan ng kaparusahang kamatayan. Siyempre, sa kamay ko siya dapat malagutan ng hininga!” turan ni Prosfera habang pisil ng kamay niya ang aking baba.

Sa pagtaas niya ng kanyang kamay ay lumikha siya ng isang mahabang espada mula sa itim na usok.

“Ngayon, Kanika, wala ka ba man lang huling salita na sasabihin?” Tila nakakalokong tanong ni Prosfera sa akin.

Tiningnan ko siya nang diretso sa kanyang mata. Bagaman at nanghihina ay hindi ko ipinakita sa kanya na natatakot ako dahil alam kong mas lalo niya iyong ikakatuwa. “Meron, Prosfera! Gusto ko lang sabihin sa iyo na… matutupad ang propesiya. Isinusumpa kong ako ang papatay sa iyo dahil iyon ang nakatakdang mangyari!” Mariin kong sambit.

“Nahihibang ka na. Paano mo ako mapapatay kung uunahan na kita!” Itinaas na nito ang hawak na espada para itarak sa aking katawan. Kuminang mo iyon sa tama ng sikat ng araw.

Napapikit na lang ako nang makita kong itatarak na niya iyon sa akin. Hanggang sa mapamulat na lang ako nang marinig ko ang pagsigaw ni Prosfera. Iyon pala ay biglang dumating sina Evrio at Miya. Sa pamamagitan ng enerhiya na lumalabas sa kanilang mga kamay ay pinipigilan niyon ang kamay ni Prosfera na may hawak na espada.

“Evrio! Miya!” hindi makapaniwalang bulalas ko.

“Sino kayo?! Mga lapastangan!” galit na sigaw ni Prosfera sa dalawa.

“Hindi kami makakapayag na saktan mo ang aming kaibigan!” Matapang na sigaw ni Evrio.

Napaiyak ako dahil sobra akong na-touch sa ginagawa ngayon nilang dalawa. Hindi ko inaasahan na sila pa ang tutulong sa akin ngayon. Matagumpay nilang naitapon sa malayo ang espada ni Prosfera.

“Mga hunghang! Ang akala niyo ba ay kaya niyo ako? Ako na isang alteza laban sa dalawang walang kwentang estudyante lamang! Kayo na ang naghukay ng inyong mga libingan!”

Bumuo ng malaking bolang enerhiya si Prosfera. Pagkabato nito niyon kina Evrio ay bigla na lang lumitaw sina Hamir at Jareth sa tabi ng dalawa. Gumawa si Hamir ng parang shield kaya naman nang tumama doon ang bolang enerhiya ni Prosfera ay naglaho lang iyon.

Enchanted Academy (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon