Chapter 10

1.9K 64 4
                                    


KANIKA’S POV

KANINA habang nagsasalita si Prosfera ay hindi ko mapigilan ang galit na aking nararamdaman. Kung wala lang siguro ako sa katinuan, baka sinugod ko na siya doon sa unahan. Bahala na kung ano ang mangyari. Ganito pala ang pakiramdam kapag nakita mo na ang dahilan kung bakit wala ka nang magulang. Parang gusto mo na rin siyang patayin. Pero hindi. Hindi pa ito ang tamang panahon para doon. Kailangan ko pang maghintay. Hindi ko sasayangin ang effort ng mga Ligero para lang makapasok ako dito sa Enchanted Academy upang malinang ko nang husto ang aking kapangyarihan.

Sa ngayon ay naglalakad na kami nina Jareth at kasama namin si Cyrus papunta sa aming magiging silid dito sa Enchanted Academy.

Si Cyrus nga pala iyong bago kong kaibigan. Kanina kasi habang hinihintay ko si Jareth sa may labas ng palikuran ay may bigla na lang humablot sa bago ko. E, nandoon lahat ng gamit ko. Hinabol ko iyong lalaking iyon. Mabuti na lang ay tinulungan ako ni Cyrus sa paghabol sa magnanakaw. At naabutan naman niya. Nabawi namin iyong bag ko. Ang sabi niya, wala pa siyang kaibigan dito sa Enchanted Academy kaya naman nagprisinta na ako na maging kaibigan niya. Tapos, sakto pa na magkasama pa kami sa iisang silid.

Pero sa totoo lang, hindi ko gusto itong set up na ito. Iyong magkakasama kami sa iisang silid. Nang dahil kasi sa set up na iyon ay kailangan kong mas ingatan ang aking pagpapanggap. Mabuti sana kung si Jareth lang ang kasama ko at walang problema. Pero sa pagkakaalam ko, limang estudyante sa iisang kwarto. At dahil lalaki ang pagkakaalam nila sa akin, apat na lalaki ang makakasama ko. Ibig sabihin ay may dalawa pa akong hindi nakikilala. Sana naman ay katulad lang din sila nina Jareth at Cyrus na mababait.

“Nandito na pala tayo!” ani Cyrus.

Sabay-sabay kaming huminto sa isang pinto sa dormitoryo na may nakalagay na number eight.

“Teka, wala pala tayong susi. Paano nating iyan bubuksan?” tanong ko.

“Hindi na kailangan. Alam ko kung paano ito buksan,” sagot ni Cyrus.

Itinapat niya ang kanyang kamay sa pinto at umilaw iyon. Pagpihit niya ng door knob ay nakabukas na iyon.

“Wow! Magic-- ang ibig kong sabihin ay… ang galing!”

“Tayong lima lang na nagkaroon ng numerong walo ang makakapagbukas ng pintong ito.” Tuluyan nang binuksan ni Cyrus ang pinto at pumasok na kaming tatlo.

“Paano mo nalaman?” usisa ko.

“Hula ko lang naman.”

Napa-wow na naman ako pagkapasok ko sa loob ng aming kwarto. Meron limang kama na kasya lang ang isang tao. Meron ding mahabang lamesa na may limang upuan. Pwede siyang kainan o hindi kaya ay study table. May limang kabinet din at merong isang palikuran. Ayos naman pala. Mukhang magiging kumportable kaminglahat dito. Hindi naman siya ganoon kaliit. Bahagyang malamig din ang silid kahit wala namang electric fan o air con. Parang ginamitan ng magic ang temperatura ng silid na ito. Magaling!

Inayos na namin ang kanya-kanya naming mga gamit sa kabinet. Pinili ko iyong nasa gitna. Habang inilalagay ko ang mga damit ko doon ay nagpunta ng palikuran si Cyrus. Sinulyapan ko si Jareth na abala sa pag-aayos ng kanyang mga gamit sa kabinet na katabi ko lang.

Sinitsitan ko siya pero hindi niya ako pinansin. Kanina ko pa kasi nahahalata na parang galit siya. Ewan ko lang kung tama ba ako ng pag-oobserba sa kanya pero iyon ang nakikita ko.

“Hoy! Jareth!” tawag ko na sa kanya.

Lumingon siya. “Bakit?” malamig niyang tugon.

“Bakit parang galit ka? May nangyari ba? Kanina pa nakabusangot 'yang mukha mo, e.”

Enchanted Academy (Book 2)Where stories live. Discover now