Chapter 06

2K 80 2
                                    


CALVIN’S POV

KINABUKASAN ng tanghali ay nasa malaking bulwagan na ng palasyo ang lahat ng babae na may edad na labing pito. Nakaupo ako sa aking trono habang nakatingin sa kanila. May mga kawal na nakapalibot sa mga babaeng iyon. Iba’t ibang emosyon ang aking nababanaag sa kanilang mga mukha. May pagkalito, takot at pagkabahala.

Katulad nila ako din naman ay walang ideya sa kung ano ba ang gagawin sa kanila ng alteza. Hindi pa rin niya kasi sa akin sinasabi ang mga susunod niyang hakbang para hindi matupad ang nakitang propesiya ni Matandang Juva. Kaya sa ngayon ay hindi pa rin ako makagawa ng hakbang o plano para pigilan si Prosfera.

Ilang sandali pa nga ay dumating na si Prosfera. Lahat kami ay yumukod sa kanya.

Pumunta siya sa unahan ng mga babae. Tinawag niya ako at agad akong lumapit sa kanya.

“Ano po iyon, mahal na alteza?” tanong ko.

“Ito na ba ang lahat ng kababaihan dito sa Erkalla na may edad na labing pito?”

“Opo.”

“Sigurado ba kayo?”

“Sigurado po, mahal na alteza. Bawat bahay sa Erkalla ay magdamag na ginalugad ng ating mga kawal para lamang madala dito sa palasyo ang lahat ng kababaihan na may edad na labing pito.”

Tumango-tango si Prosfera. “Mahusay kung ganoon… Ngayon ay isasagawa ko na ang paraan para hindi matupad ang propesiya!” Matalim ang mga mata nito.

Bigla akong kinabahan. “Ano po ba ang gagawin niyo sa kanila?” Nababahala kong tanong.

“Panoorin mo na lang, Haring Calvin!”

Humarap si Prosfera sa lahat ng mga kababaihan. Itinaas nito ang dalawang kamay at pumikit. Umusal ito ng chant na ngayon ko lang narinig. “Veini vidi mutimium!” Isang kulay itim na usok ang lumabas sa buong katawan ni Prosfera. At ang usok na iyon ay pumasok sa lahat ng bibig ng mga babaeng naroon.

Nanlaki ang mga mata ko nang isa-isang bumagsak ang mga kababaihan. Namumula muna ang mga mata nila at parang hindi sila makahinga. Nakikita ko ang ugat sa kanilang mga leeg at halata ang paghihirap sa kanilang mga mukha. Saka sila babagsak na parang wala nang buhay!

Napatayo ako mula sa aking trono. “Alteza Prosfera! Itigil mo iyan!” sigaw ko.

Lumingon siya sa akin at nagimbal ako sa puro itim niyang mata. “Ikaw ang magtigil! Hayaan mo akong wasakin ang propesiya!” Itinuro pa niya ako gamit ang matutulis niyang kuko.

Nang wala nang nakatayo sa mga babae ay saka lang nawala ang usok na lumalabas sa kanyang katawan. Tumawa siya. Isang nakakakilabot na tawa.

“Sa wakas! Hindi na matutupad ang propesiya! Wala nang babae dito sa Erkalla na may edad na labing pito dahil lahat sila ay pinatay ko na!”

“P-pinatay mo sila?”

“Bakit, Haring Calvin? May problema ka ba sa ginawa ko?” tanong niya sa akin.

“Oo! Dahil pumatay ka ng mga inosenteng salamangkero! Hindi alam ng mga pamilya nila na ganito ang gagawin mo sa kanila! Maayos namin silang inimbitahan dito sa palasyo ngunit sila pala ay iyong papatayin lamang!”

“Iyon ay upang maputol ko ang propesiya, ang aking pagkamatay!”

Ikinuyom ko ang aking kamao habang nakayuko. Kung alam ko lang sana na ganito ang kanyang gagawin sa mga babaeng iyon, sana ay natulungan ko sila, sana ay hindi ko na lang sinunod ang utos ng alteza! Napakawala niyang puso! Talagang kayang-kaya niyang pumatay para sa sarili niyang kapakanan. Hindi siya karapat-dapat na maging Diyos ng mga taga-Erkalla. Isa siyang demonyong walang puso!

Enchanted Academy (Book 2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz