Chapter 03

2.7K 79 0
                                    


KANIKA’S POV

MALAKI-LAKI rin ang kinita ko sa sinalihan kong beauty contest ng gabing ito. Dahil ako ang best in talent ay may premyo akong limang libo at dahil pasok ako sa top five ay may tatlo libo naman ako. Pero hindi ako nag-runner up man lang dahil katulad ng dati ay lagapak na naman ako sa Q and A. Tanungin ba naman ako kung ano ang masasabi ko sa ekonomiya ng Pilipinas. Ano ba naman ang alam ko sa ekonomiya?

Pero okay lang. May walong libo naman ako. Kaya lang ayoko na talagang mag-beauty contest. Hindi talaga ako kumportable sa ginagawa ko sa stage. Mas gusto ko pa talag iyong tumulay sa lubid, e. Na-e-enjoy ko pa iyon.

At 'eto na nga, habang naglalakad kami pauwi ay panay ang talak sa akin ni Ninang Nimfa. Bakit daw iyon ang ginawa ko sa talent portion. Paano daw kung naaksidente ako.

“Tita, hayaan mo na! Nakuha naman ni Kanika ang best in talent at limang kyaw din iyon, ha!” ani Tasha.

“Kahit na! Ang kaligtasan pa rin dapat ni Kanika ang iniisip natin!”

“Tama na nga iyan. Saan niyo ba gustong kumain? Bigla akong nagutom,” sabi ko habang hinihimas ang tiyan.

“Ay, may malapit na lomihan dito. Doon na lang tayo,” suggest ni Tasha.

Tatawid na sana kaming tatlo sa kabilang kalsada nang may biglang humintong kotse sa aming harapan. Malakas na napamura si Tasha. Magagalit sana ito sa nagda-drive ng sasakyan nang bumaba ang driver niyon. Napanganga kaming tatlo dahil ang driver pala niyon ay isa sa mga judges ng beauty contest. Sa pagkakatanda ko ay iyon 'yong talent manager.

“Ay, kayo pala Mr. Martinez! Good evening po!” bati agad ni Tasha sa lalaki pagkalapit sa amin.

“Good evening.” Sandali lang nitong sinulyapan si Tasha at sa akin naman siya tumingin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. “Maganda ka. Artistahin…” Tumango-tango pa siya. “Ikaw si Kanika, right?”

“Ako nga po. Bakit po?”

“Ako si Mr. Ariel Martinez. Talent manager ako ng mga sikat na artista. Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. I can see a big potential on you, Kanika. Alam ko na kaya kitang pasikatin kung papayag ka lamang.”

Ay, ganoon?

Gusto niya lang pala akong kuning artista. E, ayaw ko nga ng ganoon. Ito ngang pagsali sa beauty contest, ayaw ko na, iyon pa kaya? Sina ninang at Tasha lang naman ang nagpupumilit sa akin na gawin ang bagay na ito kahit labag sa aking kalooban.

Mariin akong umiling pero sinamahan ko ng ngiti para hindi naman ako magmukhang rude. “Pasensiya na po, Mr. Martinez, pero hindi po kasi ako--”

“Payag po siya! Payag po siya!” Putol ni ninang sa pagsasalita ko.

Nagkatinginan kaming dalawa at pinanlakihan niya ako ng mga mata.

“That’s good! 'Eto nga pala ang calling card ko. Tawagan niyo ako bukas ng umaga at ibigay niyo sa akin ang address ng bahay niyo. Bibigyan natin ng make-over si Kanika at pagkatapos ay magkakaroon siya ng pictorial. Ipapakita ko sa mga TV networks ang movie producers si Kanika.”

Naglabas ng calling card si Mr. Martinez. Sa akin niya iyon inaabot pero nang hindi ko iyon kunin ay si ninang na ang kumuha. Matapos iyon ay nagpaalam na siya sa amin.

“Sinasabi ko na nga ba! Sa pag-aartista o pagiging beauty queen ang destiny mo, anak!” Tuwang-tuwang turan ni ninang.

“Ninang, hindi ko naman gusto ang mag-artista. Hayaan niyo na iyong si Mr. Martinez. Isa pa, hindi naman ako marunong um-acting.”

Enchanted Academy (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon