Chapter 07

2.1K 72 4
                                    


KANIKA’S POV

NGAYONG gabi na gaganapin ang maliit na piging na inihanda ng mga Ligero para sa akin. Nandito pa ako ngayon sa aking silid sa bahay ng hari at reyna. Nakaupo ako sa harapan ng salamin at natitig sa aking sarili.

Sa totoo lang, hindi ko talaga feel itong pa-party sa pagdating ko. Hindi ako sanay. Nakita ko kasi iyong labas ng bahay ng hari at reyna. Maraming tao este mga salamangkero. Maraming pagkain at mailaw. Mag tugtugan din at sayawan pa. Maliit na piging pa daw iyon. Ano na lang kung enggrande, 'di ba? Baka may pa-fireworks na kapag ganoon.

Napapitlag ako nang tatlong katok sa pinto ang aking narinig.

“Maaari ba akong pumasok, aking lira?” boses iyon ng reyna.

“Sige po, lola,” sagot ko.

Pagkabukas ng pinto at pagkapasok ng reyna ay tumayo na ako. Pagtingin ko sa kanya ay nakita ko ang pagkamangha sa kanyang mata nang makita niya ako.

“Napakaganda mo, Kanika! Bagay na bagay sa iyo ang iyong kasuotan! Talaga ngang nakuha mo ang ganda ng iyong ina.” puri niya.

“Maliit na bagay po…”

Isang kulay puting gown kasi ang suot ko. May pakinang pa iyon kaya naman feeling Cinderella talaga ako. Maganda din ang pagkakaayos ng aking buhok. Babaeng-babae ang hitsura ko ngayon. Parang kapag sumasali ako ng pageant pero iba ito. Hindi ko kailangang makipagkumpetensiya.

Nilapitan ako ng reyna. Hinawakan niya ang aking kamay. Nakita niya ang balat sa aking braso na malapit sa balikat. “Tunay ngang ikaw ang itinakda, Kanika. Alam mo ba na ang palatandaan sa iyong balikat ay nakita rin ni Oscar sa kanyang propesiya? Kaya, halika na sa labas. Nais kang makita doon ng ating mga kalahi…”

“Ah, lola… parang nahihiya po kasi ako. Ngayon lang po kasi ako makikipagsalamuha sa mga kalahi ko. Parang ang awkward lang…” ungot ko. Kumunot ang noo ng reyna. Oo nga pala, hindi sila nakakaintindi ng ibang salitang English.

“Bakit ka naman mahihiya? Wala kang dapat ikahiya, aking lira. Dapat pa nga ay maging masaya ka at ngayon ay nandito ka na sa aming piling. Ang piging na iyon ay inihanda naman para sa iyo. Isa pa, ikaw ay simbolo ng pag-asa sa aming lahat dahil ikaw ang magbabangon sa lahi nating mga Ligero. Matagal na kaming nagtatago sa gubat na ito, lira. At alam namin na ikaw ang mag-aalis sa amin dito dahil iyon ang nasa propesiya. Kaya, huwag kang mahihiya sa amin. Ikaw ay ginto para sa aming lahat.”

Na-touch naman ako ng kaunti sa sinabi ng reyna. Nakaka-overwhelm ang mga salitang kanyang sinabi sa akin. Feeling ko tuloy ay ito na talaga iyong katuparan ng pangarap ko na makapaglingkod sa aking kapwa. This is it!

“S-sige po, lola. Pero ipangako niyo po na hindi kayo aalis sa aking tabi, ha.”

“Pangako, aking lira. Ako ay nasa tabi mo hanggang sa matapos ang piging!”

“Maraming salamat po.”

Paglabas namin ng bahay ay sumalubong sa amin ang masayang tugtugin at tawanan ng mga naroroon. Kay sarap nilang pagmasdan.

Isang batang babae ang nakita ako. May dala siyang tatlong piraso ng bulaklak na hindi ko alam ang tawag. Basta mukha siyang rose pero malalaki ang petals at kulay asul iyon. Kumikinang-kinang pa.

Tumakbo ang batang babae palapit sa akin sabay yukod. “Prinsesa Kanika, tanggapin niyo po ang aking munting alay para sa inyo…” Iniabot niya sa akin ang bulaklak.

Hindi makapaniwalang kinuha ko iyon. “S-salamat… Anong pangalan mo?”

“Ako po si Mira, Prinsesa Kanika…” Magalang niyang sagot at nagpaalam na siya sa akin.

Enchanted Academy (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon