Chapter 16

1.6K 65 11
                                    


KANIKA’S POV

TEKA… bakit ako nakasuot ng gown? Isang kulay pink at malakas makababaeng gown pa talaga. At ang buhok ko, mahaba na ulit! At anong ginagawa ko sa mala-palasyong lugar na ito? Pagharap ko sa aking kaliwa ay may isang malaking salamin doon. Nakita ko ang aking sarili. Napatulala ako dahil kahit ako ay nagandahan sa aking sarili.

Ako ba talaga ito? Anong nangyari? Panaginip na naman ba ito?

Ito ang mahirap dito sa Erkalla, e. Nalilito na ako. Sa sobrang daming hindi maipaliwanag na pangyayari at mga bagay ay hindi ko na ma-determine ang realidad sa panaginip.

Sandali nga lang. Parang may naririnig akong tugtog. Isang malamyos at romantikong tugtog na nanggagaling sa labas ng silid kung saan ako naroon.

Naglakad ako palabas ng silid na iyon. Pagbukas ko ng pinto ay mas lalong lumakas ang tugtog. Sinundan ko iyon hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa malaking bulwagan. Sa gitna niyon ay may lalaking nakatayo. Nakatalikod siya sa aking gawi kaya naman hindi ko malaman kung sino iyon. P-mysterious effect pa talaga?

Wala naman akong nararamdaman na panganib o takot sa aking dibdib. Parang ang gaan-gaan pa nga ng aking pakiramdam. Feel good lang, kumbaga.

Unti-unti akong naglakad palapit sa lalaki. Huminto ako nang isang dipa na lamang ang layo namin sa isa’t isa.

“Sino ka?” tanong ko sa kanya.

Humarap siya sa akin. Kumunot ang noo ko nang hindi ko pa rin makita ang kanyang mukha dahil sa natatakpan iyon ng puting liwanag. Magara ang kanyang kasuotan. Parang kahawig ng damit ng mga prinsepe sa napapanood kong fairy tale movies.

Imbes na sagutin ang aking katanungan ay inilahad ng lalaki ang kanyang kamay. “Maaari ba kitang maisayaw, Kanika? Sayang ang romantikong tugtugin…” anyaya niya.

“Ah, sige.” Walang pag-aalinlangan na tinanggap ko ang kanyang kamay. Hindi na rin ako nagtanong kung bakit niya ako kilala.

Masuyo niya akong kinabig papunta sa kanya. Kasabay ng paglagay ng mga kamay niya sa aking magkabilang beywang ay siyang pagpatong ko naman ng mga kamay ko sa kanyang balikat. Gumalaw ang mga katawan at paa namin sa saliw ng pumapailanlang na tugtugin. Titig na titig ako sa kanyang mukha dahil baka sakaling maaninigan ko kung sino ba siya. Pero hindi effective ang ginagawa ko. Talagang balot na balot ng liwanag ang kanyang buong mukha!

Halos limang minuto na kaming nagsasayaw nang kulitin na ako ng aking curiosity. “Sino ka ba talaga? Bakit may liwanag ang iyong mukha?” tanong ko sa kanya.

“Kahit ako ay hindi ko alam kung sino ako. At tungkol naman sa liwanag sa aking mukha, ako ay may ganito dahil ikaw ay tila naguguluhan,” tugon ng lalaki.

“Ha? Ako pa talaga ang magulo. E, sa sinabi mo, mas naguluhan ako. Bakit kasi hindi mo pa sabihin sa akin kung sino ka?”

“Ikaw lang ang makakapagsabi kung sino ba ako, Kanika. Dahil ako ang lalaking itinitibok ng iyong puso ngunit ipinagsasantabi mo lang.”

“H-hindi kita maintindihan…” Naguguluhan na talaga ako sa sinasabi niya.

“Ipikit mo ang mga mata mo at kapain mo sa puso mo kung sino ako, Kanika…”

Walang pagdadalawang-isip na sinunod ko ang sinabi niya. Pinakiramdaman ko ang aking puso. Sino nga ba ang lalaking kasayaw ko? Wala pang isang segundo ay isang mukha na agad ang rumehistro sa aking isipan. Ano?! Siya?! Pagbukas ko ng aking mata ay nagulat ako nang husto nang unti-unti nang nawawala ang liwanag sa mukha ng lalaki.

Enchanted Academy (Book 2)Where stories live. Discover now