Chapter 15

1.7K 65 5
                                    


KANIKA’S POV

“HAMIR?! Bakit ka nandito? Hindi ba’t natutulog ka pa?” Hindi makapaniwalang bulalas ko nang makilala ko kung sino ang biglang dumating.

“Ako nga at wala nang iba!” Mayabang niyang sabi. Nilapitan niya ako. “Saka kung natutulog pa ako, wala ako dito. Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Dapat sa ganitong oras ay natutulog ka. Sandali. Alam ko na ang iyong ginagawa dito. Nag-eensayo ka sa paggawa ng bolang enerhiya. Naririnig ko ang maling chant na sinasabi mo. Natatawa lang ako sa iyo, Kiko!” Umiling-iling pa ito sabay tawa nang mahina.

“Edi, ikaw na ang magaling, Hamir! Umalis ka na nga dito at hindi ka nakakatulong sa akin--”

Erum zerebum!”

Kumunot ang aking noo. “Anong sinasabi mo?”

“Mali ang chant mo kaya hindi mo magawang makalikha ng bolang enerhiya.”

Ah, kaya naman pala hindi ako makabuo-buo ng bolang enerhiya. Pero kailangan kong panindigan ang chant na sinasabi ko. Sigurado na pagtatawanan na naman ako nitong si Hamir kapag nagpasalamat ako sa kanya. “Umalis ka na nga! At 'wag mo akong pakialaman sa ginagawa ko. Walang mali sa chant ko. Alis!” Pagtataboy ko sa kanya.

Muntik na akong mapasigaw nang nagkaroon ng bolang enerhiya ang dalawang kamay ni hamir kahit wala naman siyang binabanggit na chant. “Nakita mo na? Mahusay na agad ako sa paggawa ng bolang enerhiya. Ang galing ko, 'di ba? Nakagawa ako kahit hindi ko sinasambit ang chant. Kaya maniwala ka sa akin, Kiko. Huwag ka nang mahiyang aminin sa akin na ikaw ay mali. Erum zerebum hindi eroz zerebrum!” Malakas siyang tumawa.

Naningkit ang mata ko sa sobrang inis sa kanya.

Ang yabang talaga niya. Sobra! Napakataas ng tingin niya sa kanyang sarili porket mas mahusay siya sa akin. Naku, humanda talaga si Hamir kapag natuto na akong gumawa ng bolang enerhiya. Gagawa ako ng malaking ganoon tapos ibabato ko sa kanya!

“Wala kang pakialam. May sarili akong alam na chant para makalikha ng bolang enerhiya!” pagpapalusot ko.

Humalukipkip siya. “Sige nga. Ipakita mo sa akin ang iyong sinasabi,” hamon niya.

Patay na! Napasubo na ako sa isang ito. Ang kulit kasi. Ayaw pang umalis!

“Ah, h-hindi ko pwedeng ipaalam sa iyo dahil baka gayahin mo--”

“Baka naman kasi hindi totoo ang sinasabi mo, Kiko. Hindi ako aalis dito gaya ng iyong nais kung hindi mo ipapakita sa akin ang paraan mo ng paglikha ng bolang enerhiya.”

Sa mukha niya ay mukhang hindi talaga siya aalis hangga’t hindi ko ginagawa ang gusto niya. Okay, sige na nga. Pagbibigyan ko na ang isang ito. Bahala na. Basta, ang importante ay umalis na siya para naman makapag-ensayo na ako nang maayos. Tutal naman ay alam kong mali ako sa chant na sinasabi ko kaya hindi ako makagawa ng bolang enerhiya. Magiging madali na sa akin ang lahat.

Huminga ako ng malalim sabay sabi ng, “Kame hame waveee!!!” At nag-pose pa ako na parang si Goku sa anime na Dragon Ball Z.

Walang reaksyon na nakatingin lang sa akin si Hamir. Umiling-iling siya.

“Malala ka na…” nakakainsultong sabi niya sabay talikod.

Ang yabang! Nakakainis talaga ang hinayupak na Hamir na iyon!

Itinutok ko ang kamay ko sa kanya at sinambit ko sa aking isipan ang chant na “erum zerebum”. Ganoon na lamang ang gulat ko nang biglang nagkaroon ng malaking kulay pulang bolang enerhiya sa aking kamay at kusang tumapon iyon sa likod ni Hamir. Kitang-kita ko kung paano siya tumilapon sa malayo at nagpagulong-gulong sa lupa.

Enchanted Academy (Book 2)Where stories live. Discover now