Chapter 19

1.8K 65 11
                                    


HAMIR’S POV

SA narinig kong usapan nina Kanika at Cyrus ay alam kong mas malaking problema kapag nahuli pati kami. Kaya naman nang makita kong lalabas si Jareth sa ilalim ng kama para tulungan si Kanika ay agad ko siyang hinawakan at isinama sa aking paglalaho. Pumunta kami sa may puno ng balete. Iyon ang lugar na aking pinili dahil alam kong walang nagpupunta doon.

“Bakit mo ako isinama sa iyong pag-alis?! Kailangan kong tulungan si Kanika! Kung tatakas ka, hindi mo na dapat ako isinama!” Pagwawala ni Jareth.

Mariin kong hinawakan ang magkabila niyang balikat. “Makinig ka sa akin, Jareth! Para kay Kanika ang ginawa ko--”

“Aba! Bakit tila nagkaroon ka bigla ng pakialam sa kanya?”

“Dahil matagal ko nang alam na babae si Kiko at ang pangalan niya ay Kanika!” hayag ko.

“Ano? Kailan pa? Ang ibig bang sabihin nito ay kasabwat ka rin ng Cyrus na iyon?!”

“Hindi. Basta, saka na ako magpapaliwanag at kay Kanika ko sasabihin ang lahat.”

“Pero hindi mo na dapat ako isinama sa iyong pagtakas, Hamir!”

“Makinig ka sa akin. Hindi tayo pwedeng mahuli ng mga alagad ni Prosfera. Sige! Kapag pati tayo ay nahuli, sino ang magliligtas kay Kanika? Sabihin mo nga. Sino?!”

Tila natauhan na si Jareth sa sinabi ko. Pinalis niya ang pagkakahawak ko sa kanya at nanghihinang bumagsak ang kanyang mukha. “P-pero sa akin ipinagkatiwala si Kanika. H-hindi ko siya maaaring pabayaan na lang doon…” Inihilamos nito ang mga palad sa mukha.

“Huwag kang mag-alala, hindi rin ako makakapayag na may mangyaring masama sa kanya. Sa ngayon ay kailangan nating maghintay ng tamang pagkakataon para maitakas siya. Ang gusto ko lang malaman ay ang totoo, Jareth. Bakit nandito kayo ni Kanika at bakit kailangan niyang magpanggap na isang lalaki?”

Walang pagdadalawang-isip na sinagot ni Jareth ang katanungan ko sa kanya. Aniya, si Kanika ang nasa propesiya na papatay kay Prosfera. Kinailangan nitong mag-aral sa Enchanted Academy upang matuto ito sa pagmamahika at pakikipaglaban. Matagal daw kasi itong nanirahan sa mundo ng mga tao kaya wala itong alam sa ganoong bagay. Nagpanggap na isang lalaki si Kanika dahil sa alam ng mga Osoru at ni Prosfera na babae ang itinakda at ang edad nito ay labing pito sa ngayon. Kaya upang hindi mapaghinalaan ay ginawa iyon ni Kanika.

Napatiim-bagang na lang ako matapos magsalita ni Jareth. “Kaya pala ganoon na lang ang pagpupursige ng alteza para mapatay si Kanika dahil ito ang magtatapos sa pagdi-diyos-diyosan niya dito sa Erkalla! Matagal ko nang nasasaksihan ang kalupitan ni Prosfera at gusto ko nang mawakasan iyon…” Tumingin ako kay Jareth. “Tayong dalawa ang pag-asa ngayon ni Kanika. Kaya hindi tayo pwedeng magpadalos-dalos sa paggawa ng hakbang. Ililigtas natin siya!”

Pumikit ako at na-pokus. Hanggang sa marinig ko ang nangyayari sa silid ni Prosfera. Ito ay isang kakayahan na natutunan ko sa lansangan. Sa mga salamangkero na nakakasalamuha ko sa araw-araw. Hindi ko na naririnig ang boses ni Cyrus. Tanging kina Kanika at Prosfera lamang. Nang matapos ang kanilang usapan ay nagmulat na ako ng mata.

“Sa ngayon ay ligtas pa rin si Kanika,” turan ko.

“Paano mo nalaman?” tanong ni Jareth.

“Basta. Ang importante ay ligtas pa si Kanika. Sa ngayon ay magtatago muna tayo dahil mainit na rin ang mata sa atin ng mga Osoru at ni Prosfera. Sigurado akong alam na nila na kasama tayo ni Kanika. Pero malakas ang aking kutob na papatayin rin siya ni Prosfera sa pagsapit ng kanyang kaarawan.”

“Kung gayon ay dapat tayong kumilos bukas upang iligtas si Kanika. Sa makalawa na ang kanyang kaarawan!”

Tumango-tango ako. Napansin ko na parang kanina pa nakatitig sa akin si Jareth. “Bakit ganiyan ang tingin mo sa akin?”

Enchanted Academy (Book 2)Where stories live. Discover now