Chapter 14

1.6K 55 4
                                    


KANIKA’S POV

ANG weird. Sobrang weird nitong si Hamir. Kanina after kong matapos iyong pagsubok ni Gurong Hipolito ay binulungan niya ako na magpasalamat daw ako sa kanya. Para saan? E, wala naman akong matandaan na ginawa niyang pabor para sa akin. Tapos, eto naman. Parang alam niya na isa talaga akong babae kung akusahan niya na babae ako. Iyong tingin niya sa akin, hindi parang nagbibiro lang siya kahit tunog nagbibiro ang pagkakasabi niya niyon. Ewan ko kung mali ako ng pakiramdam pero iyong ang nararamdaman ko. Hindi tuloy ako nakapagsalita. Umurong bigla ang dila ko na para bang hindi ko kayang magsinungaling sa kanya.

Mabuti na lamang at sinalo ako ni Jareth.

“Paano naman magiging babae 'yang si Kiko, e, sabay kaming lumaki niyan? Mas marami pa nga siyang naging nobya kesa sa akin!” ani Jareth.

Kumibit-balikat si Hamir. “Ako naman ay nagbibiro lamang. Masyado niyo namang sineryoso ang aking tinuran. Alam ko naman na imposibleng maging babae si Kiko. Sige na, ako ay matutulog na. Masyado akong nakakapagod ang araw na ito.” Humiga na ulit si Hamir at patagilid na pumwesto sa kanyang higaan.

Doon lang ako nakahinga nang maluwag. Nagbibiro lang pala siya. Galing na mismo sa bibig ng mayabang na si Hamir. Pero bakit hindi pa rin ako mapalagay?

Bumalik na ako sa aking higaan at nagkatinginan na lamang kami ni Jareth.

Siguro ay hindi ko na lamang dapat intindihin ang mga sinasabi ni Hamir. Mukhang wala naman siyang alam sa tunay kong pagkatao. Isa pa, paano naman niya malalaman, e, sobrang ingat ko kaya. Lalo na sa kilos at pananalita ko. Iyon nga lang, minsan ay hindi ko maiwasan ang hindi irapan si Hamir dahil nakakairita naman talaga siya. Sa ganoong paraan ko lang kasi nailalabas ang pagkainis ko sa kanya. Ngunit, sa susunod ay kailangan ko na talagang mag-ingat para hindi na niya ako paghinalaan.

Ang kailangan kong pagtuunan ng pansin ngayon ay ang pag-aaral ko dito sa Enchanted Academy. Sa nangyari kanina na hindi ko nagawang gumawa ng bolang enerhiya, narealize ko na kailangan ko talagang pumasok at mag-aral dito. Marami pa akong dapat matutunan na ang paaralang ito ang makakapagturo sa akin ng maayos. Sa pag-aaral ng mahika na lang dapat ako mag-focus at hindi sa Hamir na iyon. Sobrang nadisappoint talaga ako sa aking sarili dahil hindi ako nakagawa ng bolang enerhiya. Ako ang pag-asa ng lahi ng Ligero. Itinuturing nila akong hinirang at itinakda na papatay kay Prosfera ngunit paano ko magagawa iyon kung simpleng mahika lamang ay hindi ko kayang gawin.

Kung kinakailangan na mag-practice ako kahit hindi oras ng klase ay gagawin ko! Kailangan kong magpursige nang husto. Extra effort kumbaga. Tama. Mamaya, kapag tulog na ang lahat ay magsasanay ako sa pag-gawa ng bolang enerhiya para bukas sa klase ni Gurong Satir ay marunong na ako. Pero matutulog muna ako ngayon para mamayang madaling araw kapag magpa-practice na ako ay hindi ako aantok-antok.





PAPUNGAS-PUNGAS akong nagising. Napahikab pa ako pero naputol iyon nang pagtingin ko sa kabuuan ng aming kwarto ay ako lang mag-isa doon. Ang nakakaloka pa nito ay maliwanag na sa labas. Ibig bang sabihin ay hindi ako nagising ng madaling araw para magpractice sa paggawa ng bolang enerhiya?

Hay! Nakakainis naman! Determinadong-determinado pa naman akong magsanay tapos hindi naman ako nagising. Bakit kasi walang alarm clock sa mundong ito? Tapos mukhang napasarap talag ang tulog ko dahil mag-isa na lamang ako dito sa kwarto. Sa palagay ko ay nasa silid-aralan na ang apat ko pang kasama.

Grabe naman sila. Hindi man lang nila ginising, ha! Lalo na itong si Jareth. Naku, humanda talaga siya sa akin mamaya.

Pero pwede pa naman siguro akong humabol, 'no?

Binilisan ko na lang ang aking pagkilos. Hindi na ako naligo. Nagsuot na lang ako ng aking uniform at lumabas ng kwarto. Ngunit, ganoon na lang ang aking pagtataka nang paglabas ko ng silid ay sumalubong sa akin ang puno ng balete.

Enchanted Academy (Book 2)Where stories live. Discover now