Chapter 12

1.7K 66 4
                                    


KANIKA’S POV

ISANG malakas na tawa ang pinakawalan ko matapos kong matulala nang ilang segundo sa tanong ni Jareth. Hinampas ko siya sa braso. “Nagpapatawa ka ba, Jareth? Bakit naman ako magkakagusto sa tatlong iyon?” Umiling ako. “Wala akong gusto kahit isa sa kanila. Pag-aaral ng salamangka ang dahilan kung bakit ako nandito at hindi para umibig!” sagot ko sabay iwas ng tingin.

Bakit ba parang nailang ako bigla?

Ah, alam ko na. Para kasing may crush ako kay Evrio. Ewan ko lang, ha. Pero wala lang. May something kasi talaga sa kanya na hindi ko ma-explain. Crush lang naman, e. Wala naman sigurong masama doon. Inspirasyon lang, kumbaga.

“Mabuti naman kung ganoon. Alam mo ang dahilan kung bakit ka nandito,” ani Jareth.

“Alam mo, kung anu-ano na ang nasasabi mo. Ang mabuti pa siguro ay bumalik na tayo sa ating silid. Tila kulang ka lang sa pahinga.”

“Siguro nga.”

Nauna na ako sa pagtayo sa kanya. Naglakad na kami pabalik ng kwarto namin. Pagdating namin doon ay naabutan namin si Hamir na natutulog kaya hindi kami nag-ingay. Baka magising pa namin ang mokong na iyon, magalit pa sa amin.

Humiga na lang din ako at ipinikit ang aking mata. Kahit maaga pa ay pinilit ko na lang ang matulog. Tutal naman ay wala na akong gagawin.





UNANG araw ng pagpasok namin sa Enchanted Academy. Ito na talaga iyon! Unang araw ko dito na magkakaroon na ako ng klase. Nakaka-excite lang kasi matuturuan na rin ako sa wakas kung paano gumamit ng mahika o salamangka. Mararamdaman ko na rin kung paano ba talaga ang maging isang Ligero.

Nauna na sa pagligo si Hamir bilang siya ang pinaka matagal na maligo. Sina Cyrus at Evrio naman ay lumabas sandali kaya kaming dalawa lang ni Jareth ang naroon.

Habang kumukuha ako ng uniporme sa aking kabinet ay napansin ko na nakaupo lang si Jareth sa gilid ng kama. May hawak siyang isang bagay na parang picture yata na tinititigan niya. Seryoso ang mukha niya.

Nilapitan ko siya. “Ano iyan, Jareth?” tanong ko pagkaupo ko sa tabi niya.

“Litrato ng panganay kong kapatid. Gusto mong makita?”

Tumango ako. “Sige. Patingin nga…” Kinuha ko sa kanya ang picture at tiningnan iyon.

Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang litrato ng sinasabi niyang kapatid niya. Kamukhang-kamukha kasi iyon ng batang nagligtas sa akin noong muntik na akong malunod sa ilog noong bata pa ako! Hindi… Hindi ako pwedeng magkamali. Siya ito. Ibig sabihin ay kapatid ni Jareth ang batang nagligtas sa akin?

“A-ang batang ito, nasaan na siya?”

“Matagal na siyang wala… P-patay na siya. Wala pa akong muwang nang mawala siya. Pero ayon sa kwento ng aking ama, sa pagtakas ng mga Ligero noon sa digmaan ay nagtago sila sa isang lugar. Ngunit hindi nagtagal ay natuklasan iyon ng mga Osoru. Sinugod ng mga Osoru ang lugar na iyon. Pinatay nila ang lahat ng Ligero na kanilang nakita. Muli, tumakas sila at sa kasamaang-palad ay naiwanan sa lugar na iyon ang aking kapatid…” Malungkot na kwento ni Jareth.

Naramdaman ko ang sakit na naramdaman niya habang nagkukwento.

Patay na pala ang batang nagligtas sa akin noon. Hindi ko man lang nagawang magpasalamat ulit sa kanya.

Nang lumabas na si Hamir sa banyo ay ako naman ang pumasok doon upang maligo.

Isa rin sana sa gagawin ko kapag natapos ko na ang aking misyon ay hanapin ang batang iyon pero huli na pala ang lahat. Kung nasaan ka man, maraming salamat ulit. Utang ko sa iyo ang aking buhay… bulong ko habang bumubuhos sa akin ang malamig na tubig mula sa dutsa.





Enchanted Academy (Book 2)Where stories live. Discover now