the meeting

1.7K 51 16
                                    

Hmmm...... Napakasarap langhapin ng hanging amoy dagat, nakaluluwag ng pakiramdam sa isang madugong umaga. Just had a meeting with the bosses of New York Engineering Office. Isang araw palang eh isang labanan na agad ang natapos at pumapalakpak ang puso ko dahil nairaos ang unang bahagi ng presentation ko. Kaya pa.... sabay hinga ng malalim.

Biglang may dumaan sa harap ko at muntik na ako mahagip, mabuti nalang at napaatras ako.
Seriously? Bulag ba to....

Lumapit ako ng kaunti sa railings. Tinanggal ko ang coat ko at parang ang sarap ng araw sa balat........ mainitan naman ng totoong araw. Kanina, init na init ako, sa dami ng tanong parang pati kili-kili ko umiiyak na sa dami, but job well done, naitawid naman lahat.

Sumandal ako at humarap sa buong park. Ang ganda ng Battery Park sana may ganito din sa Pilipinas. Parang isang pangarap nalang muna, ang hirap maikompara. Pangarap na kapag gusto mong makita ay kailangan mong pumikit at matulog nalang muna dahil pagmulat ng mga mata ay ang katotohanang walang ganito sa Pilipinas.

" Ahmmm.... Excuse me? "

Nagulat ako sa pagmumuni-muni ko, ang layo ng narating ko, nakauwi ang utak ko sa Pilipinas.

" Are you a fan of her? " tanong ng babae ulit.

Napalingon ako sa kanya. Lumingon ako sa paligid ko kung ako ba talaga kinakausap niya. Nang masigurong ako nga kinakausap niya, dahil wala naman ibang tao dun. Silly!!!!

" Fan? Of whom? " tanong ko.

She smiled and said the name.....

" Glaiza De Castro. "

Ohhh! I forgot, I was wearing a shirt with a big print of Glaiza wearing her synthesis T-shirt.... and painted with one of her tweets way back 2015 at the back.

Napatingin ako bigla sa damit ko at napangiti ako ng di oras.

" Am I that obvious? "

tanong ko habang nakakunot ang noo ko. Pigil ang pagsilay ng isang ngiti na kusang lumalabas kapag may pumupuna sa pagiging fan ko ni GDC, sa madaling sabi " kinikilig "

Tumawa siya habang umiiling.... She suddenly removed her hoody and the big black shade that covered almost half of her face....

" Hi!! I'm Rhian Ramos!!! I was once upon a time the Jade of Althea's life " sabay abot ng kamay niya.

Totoo ba to?

" At kilalang-kilala ko yong nasa shirt mo...... " sabay turo sa damit ko.

Ano pa nga ba? Di ako nakakilos. Ni di nga ako makapagsalita....... Rhian Ramos in front of me, seryoso ba to? Tanong ko sa sarili ko.

Tumawa siya ulit.....

" Pati tweet pa niya talaga!!! Mukhang di ka nga niya fan!!! " tumawa na siya ng malakas.

Natauhan naman ako bigla at inabot ko ang kamay niya.

" It's Marti. Well, how can I denied it, eh kitang kita ang ebedinsiya. Di nagsisinungaling ang ebedinsiya, pero pwede mag-imbento. " ginaya ko ang boses ni Gus Abelgas. At natawa ito.

" Well I guess kaya ako naging fan ni GDC dahil ginalingan mo din Jade!!! "

Tumawa at umiling ito.....

" So, di kita fan? Fan ka lang ni GDC? Siya lang ang gusto mo? nanunuksong tanong nito.

"Well, napapag-usapan  naman yon. Coffee? I mean, let's have coffee...!! "

WHEN RHIAN RAMOS MET AN AVID FAN OF GLAIZA DE CASTRO Where stories live. Discover now