for keeps

513 30 2
                                    

RHIAN

"Palakpakan po natin si lablab Rhian Ramos!! "

Nakakabinging palakpapakan ang sumalubong sa akin pagkapasok ko sa venue.  Punong-puno,  halos nakatayo na ang iba,  at ang iba ay nakaupo na sa sahig.

"Pasinsiya na Ms. Rhian,  nagulat din ako sa dami ng gustong umattend. Next time po may pa Araneta na tayo magkita+-kita para magkasya lahat! " nagtawanan naman lahat.

Lahat sila ay kinawayan at nginitian ko,  sa dami nila ay di ko na sila maiisa-isa. Naimbitahan kaming dumalo sa get together na inorganize ng rebels.

Walang kupas,  effort kung effort!  Andun din ang mga pictures mula noong TRMD at yong movie.

" Una po sa lahat,  gusto naming magpasalamat sa pagtanggap ng imbitasyon namin. As usual po late na po ang lablab niyo. " tawanan ulit.

Nakitawa na din ako. Dumaan pa kasi si Glaiza kila mommy para iwan muna dun si Gleed. At nag-usap kaming wag ng magsabay para may konting "just like the old time"  kaming paandar.

" Siyempre po pati kay Ms. Glaiza ay nagpapasalamat kami. Napakahabang panahon na noong huli tayong nagkita-kita,  at hito tayo ngayon,  worth it na worth it ang pagsagwan. "

" Yeah!! " sigawan ng lahat at palakpakan.

Halos maiyak naman ako sa suporta nila. Isang flying kiss ng pasasalamat sa lahat ng sumagwan at hindi bumitaw.

" Ms. Rhian,  may mensahe po kayo? "

Kinuha ko ang mic,  at huminga muna ako ng malalim,  para pigilin ang luha ko.

" Una sa lahat,  gusto kong magpasalamat sa lahat ng Rastro Rebels,  na umalalay sa amin,  yong sumasagwan pa rin kahit palubog na ang bangka.

On behalf of Glaiza,  gusto ko rin magpasalamat sa lahat ng nagtanggol at nakipag-away para sa amin. Hehe!  Nabasa ko po lahat yon. " nagpalakpakan ulit ang mga rebels.

" Akala ko po talaga noong naghiwalay kami ni Glaiza,  ay di na kami magtatagpo sa dulo. Akala ko po tatalon kami sa bangka ng di magkasama,  at lalangoy ng kanya-kanya para sagipin ang sariling buhay at pangarap.

Pero sa bawat oras na gusto na namin tumalon ay nariyan kayo to give us encouragement,  na ituloy lang ang sagwan,  tuloy lang ang laban.

Maraming maraming salamat po.

Wait lang po,  need to check my lablab at baka kung saan saan na naman mapunta. "

Tinawagan ko si Glaiza at ni loud speaker ko.

" Hello lab!! " si Glaiza

" Hey!  What took you so long?  Hinarang ka ba ni dada? " at muling nagtawanan ang mga rebelde.

Narinig kong tumawa din si Glaiza.

" Sira!  Paakyat na ako lab!! " pagkarinig ng sinabi ni Glaiza ay nagsigawan ang lahat.

Pagpasok sa venue ay ngiting-ngiti ito at parang kinikilig pa. Sinalubong naman ito ni Jacky at binigyan din ng bulaklak.

Bago pa makarating sa kinauupuan ko ay tumayo na ako at naglakad papalapit sa kanya at huminto ito. Nasa gitna pa pala kami. Inayos ko ang bangs nito at ang collar ng long sleeve na suot.

Sigawan at palakpakan,  may pumipito pa. Kilig na kilig ang mga rebels. Kung dati ay parang kidlat at panakaw lang ang mga gestures na yon pero nakukuhanan pa rin ng revels eyes,  ngayon ay bubusugin ko sila sa kilig.

WHEN RHIAN RAMOS MET AN AVID FAN OF GLAIZA DE CASTRO Where stories live. Discover now