image captured

685 31 2
                                    

TRUTH?  Di pa sila break....

Nagising ako sa tunog ng phone ko. Ang aga naman mang-istorbo....

Marti
" Hello!! "

Trail
" Oh my God Marti!!  Seriously?  Umuwi ka ngayon dito sa Pilipinas,,  kailangan natin mag-usap ng masinsinan. "

Marti
" God!!  Trail ang aga-aga!  Lokohan ba to?  Alam mo namang di ako basta-basta makakauwi. Ano ba problema mo? "

Trail
" Anong aga-aga!  12 na kaya,  it's 12 am here,  kaya I'm sure tanghali na diyan.... Hahaha!!

Anyways,  anong picture yon?  Edited ba yon?  Akala ko kay Glaiza ka baliw? "

Marti
" Anong picture?  Anong edited?  Matagal na akong baliw kay GDC. Ano bang sinasabi mo?

Nagtataka na ako sa mga pinagsasabi nito,  di pa siguro natutulog kaya ang taas ng amats..

Trail
" Martina,  yong picture niyo ni Rhian Ramos. Kailan pa kayo naging close? "

Naalala ko yong picture namin ni Rhian sa harap ng natapos naming project... Oh no no!

Marti
" Paano mo nakita?  May picture kami? "

Trail
" Yes!  Naka post sa IG niya kagabi lang. "

Utak gumana ka. Paano pala ako nakauwi!!  Haist!!!  Yeah!!  Inantay lang namin ang Tita ni Rhian at umuwi na din ako since malapit lang naman tinutuluyan ko sa event.

Trail
" Hoy!  Check mo sa IG niya kung ayaw mo maniwala. "

Nagbuzz ang phone ko,  may incoming call ako.

Marti
" Trail tawagan kita later,  sagutin ko lang incoming call. Okays... "

Trail
" Lagot ka!!! "

Marti
" Baliw!!  Bye...

Sinagot ko yong isang tawag...

Titanay
" Hello anak? "

Marti
" Nay!  Napatawag po kayo?  Kausap ko lang po si Trail. Ginising ako. Kumusta po kayo...? "

Titanay
" Okay lang ako anak. May pinakita kasi si Trail sa akin na picture niyo ni Rhian. Totoo ba yon anak? "

Marti
" Opo nay!  Andun po kasi siya sa event. Nagpaparty po kasi may-ari ng building saka soft opening nila,  nagkita po kami doon kaya nakapag pa picture kami. "

Nakonsensiya ako bigla. Sorry nay,  pero di pa ako handang ikuwento lahat,  dahil maski ako,  di ko makumbinsi ang sarili ko kung totoo nga yong pagiging malapit ko ngayon sa isang Rhian Ramos.

Titanay
" Nakaakbay kasi siya,  halos nakayakap na nga at mukhang nakainom na kayo. "

Naku!!  Ang mga nanay talaga,  ang galing galing mangilatis,  considering na ang layo-layo ko sa kanya. Medyo tinatamaan na nga kami sa oras na yon.

Marti
" Nay naman!!  Party po yon kaya for sure na may tagay. "

Titanay
" Ganun ba!!  O siya sige,  bumangon kana at maligo,  mukhang di ka naghihilamos. Love you anak. Mag-ingat ka lagi diyan. "

Marti
" Love you too Nay.... Kayo din po. "

20 points kay Titanay. Natatawa akong inilagay ko phone ko sa mesa at tumayo na ako. Dahil imposibling makatulog pa ako ulit.

WHEN RHIAN RAMOS MET AN AVID FAN OF GLAIZA DE CASTRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon