when glaiza de castro met her avid fan

711 35 0
                                    

Trail
" What?

Halos mabinge ako sa sigaw ni Trail.

Alam ko kung gaano ka ka patay na patay kay GDC,  pero wala pa rin siyang karapatan manakit,  lalot wala naman siyang pruweba sa pinagpuputok ng butchi niya. Dapat nagtatanong muna siya,  hindi yong basta basta nalang siya nanunugod. Pwedi mo kaya siya idemanda.

Kahit sino pa siya,  pero kung mananakit na siya ibang usapan na yon. Baka gusto niya bumalik sa pagiging alalay ni Angelica. "

Marti
" Wag ka naman ganun. Kung ano man mayroon ngayon ang isang GDC dahil yon sa pagsisikap niya at pinaghirapan niya yon. "

Trail
" Wow!!  Siya pa talaga pinagtatanggol mo. Parang ako nanapak sayo ah "

Mali ata ang taong natawagan ko,  imbes na mabawasan ang pag-iisip ko eh,  lalo tuloy ako na stress. Gusto niya magalit ako at may demandahan pa.

Marti
" Trail wag mo nalang to banggitin kay Titanay,  atin nalang to,  saka okay lang naman ako.

Di ba nga kay Maricel Soriano ang daming nangangarap masampal niya,  ito let's just say,  nangarap akong masapak ng isang Glaiza de Castro. Dream come true... "

Biro ko,  gusto ko lang pagaanin ang sitwasyon dahil ramdam ko ang ngitngit nito.

Trail
" Baliw!  Sampalin man sila hanggang mamaga mga pisnge nila bayad yon.  Ikaw?  Binayaran ka ba?

Ano sabi noong Rhian?  Naku umayos sila at may paglalagyan talaga sila sa akin.

Baka gusto nilang hiramin ko yong improvised sungay ni Lolit Solis. "  at tumawa ito.

Natawa din ako sa sinabi niya. Mukhang nabawasan ang gustong ikalat nitong improvised pampasabog.

Trail
" Teka nga Marti.  Magseryoso ka nga?  Ano ba kasi yong mayroon kayo ni Rhian?  Pati din ikaw,  baliko na? "

Marti
" Trail,  wala kaming relasyon,  magkaibigan lang kami at dahil na din yon kay GDC,  kung gaano man kami ka close ngayon ay dahil may isang GDC na nagko connect sa amin. "

Hindi ko na din binanggit pa yong pa " I like you" ni Rhian. Dahil alam kong dala lang yon ng emosyon at tension sa topic namin.

Trail
" Baka naman bored lang yong Rhian,  you know yong personality niyang may pagka playful,  at kayang kaya kang laruin tapos pagmag sawa,  bigla nalang mawawala. "

Marti
" Wow!!  Napaka judgmental mo naman,  ni di mo pa nga nakikita in person yong tao,  wagas kana maghusga.

Baka pwedi ko din sabihin na kaya tayo naging magkaibigan dahil kayang-kaya mo din ako laruin. Ganun ba yon Trail? "

Tumahimik ito sa kabilang linya.

Trail
" I'm sorry Marti,  di naman ganun ang ibig kong sabihin. And you can't compare our friendship to kung ano man mayroon kayo ni Rhian ngayon. Ganun ang image niya,  masisisi mo ba ako? "

Marti
" Hindi lahat ng  image na nakikita natin sa isang artista ay ganun talaga sila sa totoong buhay. At sa ilang araw na nagkakaroon kami ng chance makilala ang isat-isa,  sigurado akong mas malalim pa siya doon. "

Trail
" Grabeh!!  Na brain wash ka na talaga. Mag-artista kana din kaya. Magsama kayong tatlo. "

Marti
"Trail,  dati sa tv ko lang sila nakikita,  ngayon nakakausap at nakakabiruan pa,  bilang tao,  bilang fan alam mo kung gaano kasaya yon.

Wag ka na magalit, okay na naman ako,  saka nakikiusap ako na atin lang to. Sa atin lang tong napa-usapan natin,  hindi pweding mag spread ito sa Pilipinas,  lalo ang tungkol kila Rhian at Glaiza. Ibalato nalang natin ito sa kanila. "

Huminga ito ng malalim.

Trail
" Eh ano pa nga ba.... Sige na,  matutulog na ako. Basta pag-uwi mo,  mapapa inom ka. "

Pagka tapos namin mag-usap ni Trail ay saka may nag doorbell,  akala ko ay ang inorder kong pizza. Pero ng buksan ko ang pinto,  angel ang nasa harap ko.

Glaiza de Castro.

" Hi!pwedi ba tayo mag-usap? "
" Come in!! " pinakalma ko ang sarili ko,  dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.

" Gusto ko sanang huminge ng pasinsiya doon sa nagawa ko noong isang araw.... alam ko dapat ay di ako nagpadalos dalos. Sorry!!  I'm really sorry!! "

" Honestly,  malaking bagay na andito ka ngayon. Well,  di ko din naman magagawang magalit sayo. Ang tagal ng panahon na inantay ko to na magkita tayo ng personal. Yong puntahan mo palang ako dito mula sa Pilipinas ay nakakataba ng puso,  iba ngalang ang dahilan mo. "

Tumawa ito!!  Inabot ang kamay.

" Nice to meet you Marti! nakangiti ito.

Inabot ko ang kamay niya at niyakap ko siya. Nahiya naman ako sa ginawa ko. Tumawa naman ito.

Maya maya ay may kinuha ito sa bag niya. Ticket..

" It's a ticket for my concert on December,  make sure na makakanood ka. "

Napa wow ako!!  Seriously?  Oh my God!!

" At itong guitar,  may signature yan sa likod. Pasinsiya na talaga Marti. Nabasa ko ang mga comments and opinions mo sa mga posts ko... Salamat sa pagiging fan,  salamat sa pagiging totoong fan at pagtatanggol sa akin. At pagiging kaibigan ni Rhian. "

Naalala ko bigla si Rhian,  kumusta kaya ang pag-uusap nila?  Naayos kaya nila o tuluyang tinapos na. Biglang naubos naman ang lakas ng loob ko para magtanong kay GDC.

" Alam kong may naikwento na si Rhian sayo,  sana sa atin nalang yon,  di na makarating sa Pilipinas.

Maaring totoo nga na nagkaroon na matatawag na relasyon sa pagitan namin at maraming magsasabi na ang duwag duwag ko,  ayaw ko umamin or mag-out,  samantalang si Rhian,  game na game siya,  pero hindi ganun kadaling ilaban yon. At natatakot ako sa mga pweding mangyari.

Malaki ang pagkakaiba sa mga nababasa kesa sa mga nangyayari sa totoong buhay.

Maaring madami ang matuwa kung aamin kami pero panigurado madami din ang hindi matutuwa. At the end of the day,  ako lang,  kami ni Rhian pa rin ang haharap sa consequences,  apektado ang pamilya,  ang career namin,  at siyempre ang buhay namin. "

Hinimas niya ang sentido niya.

" Glaiza,  alam kong fan lang ako. Pero believe me na naiintindihan ko kayo,  lalo na sa atin sa Pilipinas. Sabi ko nga dati,  di ko naman pinupush yong romantic relationship sa inyong dalawa,  kahit sana yong friendship lang,  yong lang din ang di ko maintindihan "

" Kinausap si Nanay ng network. Kung mannatili pa rin ang pagiging visible ng closeness namin,  magdedemand at magdedemand ang mga fans. So kailangan maisakripisyo kahit ang pagkakaibigan. Ganun sa showbiz.

Pero sana ay mapanatili niyo ni Rhian ang pagkakaibigan niyo,  at sana magkita tayo sa Pilipinas at makapunta ka sa concert ko. "

Tumayo na ito.

" I have to go Marti,  ngayon araw din kasi ang flight ko pabalik. Salamat,  at pasinsiya na ulit. "

Niyakap niya ako at tumawa ng makita ang pasa ko sa may labi. Hinawakan niya ito at umiling.

" Salamat ulit sa ticket at sa guitar,  GDC. " kinikilig ako.

" Maganda ka pa rin naman kahit may pasa ka. " tumawa ito.

" Salamat GDC,  pero maganda talaga yong Rhian mo. "  at kinindatan ko siya.

" Kaw talaga... Akala ko ba fan kita, .... Siyempre maganda din ako noh!! "

At nagkatawanan kami....

I love her!!  Fan ako,  at walang nagbago dun.!!

" Once a dreamer,  always a dreamer. "










WHEN RHIAN RAMOS MET AN AVID FAN OF GLAIZA DE CASTRO Where stories live. Discover now