pira-pirasong pag-asa

427 24 0
                                    

Hindi rin kami nakapunta ng Battery Park. Nang pauwi na kami ay sumama ang pakiramdam ni CJ kaya nagpasya nalang kami ni Mersing na iuwi siya para makapagpahinga.

From that day ay di naging maganda halos ang araw-araw na gising ni CJ,  at kapag di tumatalab agad ang pain reliever na iniinom niya ay ayaw niya magpapasok ng tao sa kwarto niya,  hanggang sa makatulugan nalang niya ang sakit.

Yon ang hudyat para pumasok na kami ni Mersing,  kapag tulog na ito.

One time,  we went inside and found CJ totally naked. Nakataas ang mga paa nito sa kama at may unan sa dibdib at humihilik ito.

This is cancer. Sa tanang buhay ko ay di ko inakalang may makakasalubong akong ganitong uri ng karamdaman. Napakahirap sa mahirap. Araw-araw,  sa bawat araw na nairaraos ito ni CJ ay lalo akong humahanga.

Yong realization ko every after witnessing CJ fighting it like a pro.... yong long hours sa CR,  na sa ating mga healthy eh parang part lang ng every day life natin.

She's still a beautiful young lady. After that long hours na pakikipagbuno sa loob ng CR ay lumabas itong naka nngiti.

" Success? " one time tanong ko dito,  handling her a glass of water.

" Yeah!  Thanks Marti! "

Napansin kong galaw ng galaw ito sa kama niya one evening. Isang gabi na naman ng pahirapan ng pagtulog.

" Hey!  Can't sleep? "  tanong ko.

Lumingon ito at umiling.

" Come here! " yaya ko dito.

Tumingin muna ito sa akin.

Tumayo ito at lumapit sa akin. Umayos ako ng pagkakasandal sa couch.

Pinahiga ko ito sa kaliwang braso at bandang may dibdib ko para ma tap ko ang likod nito.

" Feeling better? "

" Yeah! "

" My Titanay always cuddle me like this kapag ka di ako makatulog. "

" I already forgot the feelings,  Marti. "

" I'll help you remember! " I started tapping her back gently.

" Thank you Marti!  Hmmmm Hmmmm... I'm scared!  Pero hindi ko alam kung saan ako natatakot!! "

" You're strong,  alam mo ba yon!! " Mahihiya si Samson sayo!! "

Tumawa ito..

" Fight Cijs... Why not try the procedure in London?  There's still hope,  you know!! "

" You think so? "

" No Cijs,  I believe so!! "

" Marti,  I can't do the radiation process. It's going to kill me early. "

" At least we're doing something,  kesa maghintay nalang. "

" Ako lang Marti,  ako lang ang lalaban. "

" We'll help you!! "

Yumakap ito sa akin. Di ko na din pinush pa yong topic.

" Go to sleep CJ... "

Nagising akong wala ng CJ sa balikat ko,  paglingon ko ay nakahiga na ito sa kama. Bumangon ako at kinumutan ko ito.

Bumaba ako,  at naabutan ko sa kusina si Mersing,  naghahanda ito ng pagkain ni CJ.

WHEN RHIAN RAMOS MET AN AVID FAN OF GLAIZA DE CASTRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon