between us

773 38 0
                                    

Halos di rin ako pinatulog dun sa sinabi ni Rhian.  Di ko alam kung bakit ganoon ang nararamdaman ko. Parang gusto kong ma-jebs ng di oras.

Rhian texted me that she will come around 9 pm and she will bring something to drink. I fixed my room!!  I opened the big curtain para makita yong city lights,  yong kulay ng langit,  nakakarelax somehow ang view.

Usual lang yong araw ko,  maghapong tulog and prepared a light dinner for myself. Mukhang mapapasabak na naman ako kay Rhian mamaya,  sana lang yong something to drink na yan ay di alcoholic drink,  but I doubt it,  imposibling Yakult ang dalhin noon.

Ten minutes before 9 ay dumating si Rhian. Binuksan ko ang pinto at bumeso ito,  but I offered her a light hug,  at napansin ko na madami itong bitbit.

" Ano to?  Papiging ka na naman? "

" Marti,  this will be the last time na magpapa relief goods ako,  nawiwili kana! "

At nagtawanan kami.... Natigil ang pagtawa ko ng makita ko ang isang bote ng tequila at ilang bote ng beer.

" Ano to?  Bat may ganto?  Maglalasing ka ba? "

" Wag kang kj engineer,  ngayon lang to. "

"Naku!  Miss Ramos,  di talaga ako nagpapatuloy ng lasing dito. "

Pero di niya ako pinansin,  may iniabot itong naka roll na nakabalot. Medyo mabigat ito.

" Pasalubong ko... nasa Pilipinas pa ako pero naiimagine ko na magiging reaction mo. I want to see it kaya,  sabi ko ako mismo magbibigay sayo nito. "

" Wow!!  Papalakas ka talaga noh,  gusto mo talaga uminom. Sige na nga maglasing tayo! "

Tumawa ito.

" Open it Marti.. "

Medyo nahirapan akong buksan dahil naka double tape siya. Pero ng makita ko ito at kinutuban ako... Holy God!!  Gusto kong mamatay sa oras na yon. Pumikit ako saglit,  at nilapag ko muna ito,  humarap ako kay Rhian,  nakangiti ito....

" Happy? " tinaas pa nito ang kamay niya.

Humakbanga ako papalapit sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit,  at niliyad ko siya ng kaunti pero na out of balance kami pareho dahil sa pinagsamang bigat namin.

Natumba kami mabuti nalang at may couch sa likod namin. Bumagsak kaming nakatagilid,  buti nalang. Pero di ako bumitaw,  gang sa bigla kaming natawa pareho. Gumanti na din siya ng yakap at hinagod niya likod ko.

" Satisfied ako sa thank you mo,  words are not enough,  muntik na ako mabagok,  Marti! "

Bumitaw na ako at dahan dahan akong umupo,  hinatak ko ang kamay niya para makaupo din siya sa couch ng maayos. Di ko namalayan,  umiyak na pala ako.

" Hey!  May masakit ba?  Don't cry!! " alo niya sa akin.

" Sorry!  Grabeh!  Ang saya saya ko,  salamat!! "

" Alam ko kasi na deds na deds ka sa kanya,  tamo deds na deds din reaction mo at,  muntikan pa ako ma deds kung walang couch sa likod natin.  Hehe "

" Sorry! " at niyakap ko uli siya.

Rhi brought me a life size poster of GDC. Di lang yon,  may greetings and signature pa ito.

Marti,
Someone told me,  super fan daw kita. Kaya para sayo ang super big na poster na ito.  Congratulations sa matapang na pagtupad mo sa mga pangarap mo.

WHEN RHIAN RAMOS MET AN AVID FAN OF GLAIZA DE CASTRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon