stranger is stranger

978 35 2
                                    

Tomorrow is another day. Pagdating ko ng unit ko,  naghanda na ako ng lunch ko. Kailangan ko matulog muna bago maghanda sa panibagong laban na haharapin ko kinabukasan.

Well,  nakahanda na naman ang part 2 ng presentation ko,  sarili ko nalang ang kailangan makondisyon.

Pagkatapos ko kumain ay nanood muna ako ng tv... checking kung may balita kay GDC,  honestly,  loyal ABS talaga ako,  but after watching TRMD sumisilip na ako ng GMA. Minsan nakakatsamba kay GDC,  anyway madami sa FB,  so no need magtambay sa GMA.

Naalala ko phone ko. Pagkakatanda ko,  si Rhian mismo ang naglagay ng number niya sa phone ko. Pero while scanning it,  wala akong makita.

Inisa-isa ko na yong letter R,,  pero wala. Kahit yong letter G,  at letter L,  wala din. Even letter J for Jade,  wala din.

Haist!!  Anyway,  masyado lang yata akong nag-assume. Kakikilala lang namin kanina, totally strangers,  kaya maiintindihan ko kung di talaga siya magbibigay. Swerte ko na actually,  nakausap,  nakakwentuhan at nakabiruan ko pa. At may bonus pang signature sa t-shirt ko. Wala ngalang picture,  pero dibali nasa puso naman.

Linagay ko na phone ko sa tabi ko at humiga na ako ng kama. Kailangan kong makatulog.

Kinaumagahan ay maaga akong naghanda,  kailangan maging handa ako sa lahat ng itatanong sa akin. Nakapasa na ako sa phase 1, phase 2 and 3 nalang.. Kaya yan....

Grabeh!!  Halos alas dose na natapos,  pero awa ng Diyos naitawid naman,  mabusisi kahit sa kaliit-liitang detalye ng materyal na gagamitin ay kailangan ko ipaliwanag.

Gosh!!  Saki sa ulo.. Drain na drain ako... Dumiretso na ako ng unit,  gusto kong huminga muna.
Pagdating ko sa unit ay binagak ko ang katawan lupa ko sa couch at ipinikit ang mata ko,  hanggang sa makatulog ako.

Nagising ako sa tunog ng telepono ko. Nang tiningnan ko si titanay tumatawag.

Sinagot ko at kinumusta ko siya. Okay naman daw siya at nakibalita din siya sa progress ng project ko at masaya kong naikwento ang mga nangyari,  except that one day with Rhian Ramos.

Kinonggratulate niya ako at siguradong makukuha ko daw yon. Tiwala, sipag, dasal at gawa.
Pagkatapos kong kausapin si Titanay,  tumingin ulit ako sa phone ko,  bakit ba umaasa ako sa isang Rhian Ramos na magpaparamdam.

Duh!!  Biglang kumulo tiyan ko. Ala pa pala akong lunch at magsi 7 pm na.

Gotcha!!  Got the project with flying colors. Para akong lumulutang sa saya,  kahit si Titanay sigaw ng sigaw sa saya. Well para naman kasi talaga yon sa kanya.

Salamat Lord!!  I even called my friend Trail para ibalita. Tuwang-tuwa si Trail,  kung sa Pinas lang daw yon dapat magpainom ako. Tinawanan ko lang siya pero nangako ako pag-uwi ko,  tatagay talaga kami hanggang umaga, hanggang gumapang papuntang Cr.

So, I'm gonna stay in New York for good na ata... signing of contract na on Monday at asap dapat maumpisahan na ang construction.

Celebration ito. Kailangan kong lumabas,  pahangin lang ba... pero kung makakabangga ako ng isang lugar na pwede tumikin ng alak ng konti,  I will!!  Guys,  I have reasons...

Pumasok ako sa isang bar, konti palang naman ang tao, padilim palang. I remember my phone, habang umiinom I opened some of fan pages of Glaiza. Honestly, wala pa akong pina follow na any account of Rhian,  masyado lang generous ang Rastro Rebels,  both artists may update sila,  so kahit papano may balita ako sa isang Rhian Ramos.

So kailan pa ako naging stalker. I took my single earphone and played the song of GDC. Dusk till Dawn at nagpasya na akong umuwi. Ganun lang talaga ang celebration ng nag-iisa,  saka I'm not really into alcohol.

Pagdating ko sa unit,  naalala kong may rereviewhin pa pala akong papers. Buti nalang umuwi ako ng maaga.

I put down my phone and removed the earphone,  loud speaker nang kumakanta si GDC... I really love that beat... Nakakaindak!!

Nang tumigil sa pagkanta si GDC,  napatingin ako sa phone ko,  meaning may text or someone is calling...

WHEN RHIAN RAMOS MET AN AVID FAN OF GLAIZA DE CASTRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon