perhaps a good dream

717 40 0
                                    

Bukas... di ko pa alam.

After that evening with Rhian again,  eh wala na akong balita,  I tried to call and text her pero nauunahan ako ng hiya. Saka ano ba sasabihin ko sa kanya. I don't think it's proper kung etetext ko lang siya dahil kay GDC,  well,  they maybe connected till now,  but I don't think aabangan ni Rhian lahat ng ganap sa buhay ni GDC.

It's been three months since that last conversation with her. I'm doing so good,  natapos na ang phase 1 and 2, and now we're working on phase 3. So,  sa three months na yon puro trabaho lang ako,  no GDC,  no Rhian.

I started checking those pages I've been scanning discreetly,  and I found out that GDC won several awards. Kailan ba ako huling nag check ng socMed. Parang nakaka proud naman,  well ddeserved naman talaga si manang Glai.  Siguro nga kahit anong role ibigay kayang-kaya niya.

And I found out also that Rhian went back home. Kaya siguro... but wait, wala naman siyang obligasyon. Bakit naman niya ipapaalam kung umuwi siya ng Pilipinas.

And maybe,  bumalik siya ng unit ko. Unfortunately,  nakalipat na ako ng place,  eh ako nga,  I didn't bother to inform her,  or baka dapat nagtext siya kung bumalik siya doon.

Well,  meeting Rhian was like a dream,  eh kung si GDC nga na deds na deds ako di ko pa nakikita. And perhaps it was a good dream. Kumusta na kaya yon!!!  Geezz,  I hate asking questions like this,  kaya nga di ako fan ng mga love stories or romantic books kasi ayoko ng mga tanong-tanong na yan,  like day dreaming eh pwedi naman deretso.

I took my phone and dialed Rhian number. Unfortunately, out of service siya. So,  yon yon. The end. Wala ng dapat itanong dahil obviously pinutol na ng operator ng sinabi niyang yong number na tinatawagan ko eh out of service.

When we completed the phases.... nagdiwang ang mga engineer,  sa wakas. Nagbunga ang pagod at puyat. So may celebration at mukhang di ako makakahindi dahil ang may-ari mismo ang magpapapiging,  nakakahiya naman tumanggi sa libre.

Pumasok kami sa isang bar!!  Gosh!!  Dito pa talaga sa sanay na sanay ako. Mukhang di ako tatagal sa lugar na maingay nga,  parang robot pa mga tao.

I heard my phone vibrate. I excused myself at lumabas ako ng bar,  hay salamat si Titanay.

" Hello Titanay!! "

" Congratulations anak. Ang galing galing mo. "

" Salamat Nay. Lahat ng yon ay para po sa inyo. "

" Naku!  Pinaiiyak mo na naman ako,  bata ka. Asan ka,  bakit parang maingay.? "

" Nandito po kami sa isang bar,  nilibre po kami ng may-ari ng building. "

" Sino mga kasama mo?  Wag ka iinom ng marami,  uuwi ka pa. "

"Nay,  mga katrabaho ko po,  wag po kayo mag-alala,  alam niyo naman po di ako sanay sa alak,  uuwi din po ako agad. "

Pagpasok ko sa loob ay nagpaalam na ako sa mga kasama ko at nagpasalamat ako sa panglilibre nila. English wagas,  dumudugo ilong ko. Asan ang hustisya,  bat walang pinoy dito.

Pagdating ko sa unit nakahinga ako ng maluwag,  akin ulit ang mundo. Nasan na kaya yong lagi kong kasama... nakita ko yong cd ni GDC at pinatogtog ko ito. Kami lang talaga ang magkaramay,  kahit siya ay may inaming boyfriend na. Hmmm..... paano kaya yong isang bata?  Kaloka...!! Ano ba talaga ang istorya sa maglablab....

Rastro is Real!!  Parang lalong lumabo ngayon. Naging real nga kaya yon?  Nagulat ako ng biglang tumunog ang doorbell!!  Pati ba naman dito susundan pa ako ng mga katrabaho ko,  big Lord pahiram ng wisdom,  yong English ko paubos na....

Tumayo na ako,  pinahinaan ko muna cassette bago pumunta ng pintuan.

" Hi fan ni Glaiza de Castro,  long time no see... "

Seryoso?  Rhian Ramos?  Bumungad ang nakangiting Rhian ng buksan ko ang pinto.

"Hello Ms. Ramos!!! "

Promise,  katulad ng unang pagkikita namin,  naubusan din ako ng titik sa alpabeto. Di ko alam kung saan manghihiram ng letra.

" So wala kang balak papasukin ako!! " natatawa nitong sabi.

Saka naman ako bumalik sa kasalukuyan. Natapik ko noo ko.

" Pasok ka Ms. Ramos!! Kakagulat ka kasi basta basta kana lang sumusulpot,  galing kung saan.

Paano mo nalaman tong lugar ko? "

" Well,  it just happened that I saw you outside the bar ng dumating kami ng friends ko. Ayon eh umalis kana man bigla,  kaya sinundan na kita.

Hmm... di pala sanay sa bar ha,bat andun ka?!! " umismid ito...

" Teka lang Ms. Ramos kung makatanong ka ha!  Parang nawala yong 6 months na di ka nagpakita.. " natatawa ako sa klase ng pag-uusap namin.

Humakbang ito papalapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

" Marti,  I came back to your place pero wala ka na dun. "

" I called you, pero out of service na phone mo!! "

" Kailan ka tumawag? "

" Ahmm... Three months after the last time you visited me. " mahina kong sagot.

Tumawa ito...

" Seriously?  My God Marti,  nang umuwi ako ng Pilipinas,  nagpalit din ako ng sim!! "

" Umuwi ka?  Nagkita kayo? "

Umiling at tiningnan ako.

" Wow!  Bilis makatanong,  bilis magbago ng ambiance!!  Haha!

Nagkita!?  Nino? "

" Asus!!  Kunyari ka pa!!  Hehe!! "

" Yeah!  Nagkita kami!  At may ibibigay ako sayo bukas. "

" Seryoso?  Nagkita kayo? "

Kinilig ang pusong rebelde ko at muntik na kami matumba sa pangyoyogyog ko sa kanya.

" Grabeh ka!!  Wagas ang reaction!! 

Hmm... I'm just happy now,  now that I know where you live, puputulin ko muna yong excitement mo,  and is it okay if I'll come back tomorrow?  I need to go back to my friends,  they are waiting for me at the bar?

Promise,  madami akong ikukwento... "

" Sure,  just make sure na madami kang baon about GDC,  kundi papauwiin kita!!!  Hahha!  Kidding! "

" I'll tell you everything tomorrow. Lahat.... "

Sumeryoso ako,  parang may iba akong naramdaman dun sa everything.

" Got to go Marti. I'm so happy to see you again.... GDCs avid fan... "

" Grabeh pag emphasize ah!!  Me too Rhi,  I'm so happy to see you too.. "

" Can I get a hug? "

Lumapit ako at niyakap ko siya. And she whispered...

"I missed you.. "

" Perhaps,  it wasn't a dream. "

 "

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
WHEN RHIAN RAMOS MET AN AVID FAN OF GLAIZA DE CASTRO Where stories live. Discover now