a kiss of an angel

690 36 6
                                    

Nagiging madalas na din makita ang mukha ko sa mga IG posts ni Rhian,  minsan nga nababash na din ako,  yong recently naming mga pictures noong naimbitahan ako sa isang charity event sa isang Filipino community,  I invited Rhian and without hesitation,  she said yes.

Masyadong friendly ang isang Rhian Ramos,  di siya namimili ng taong kakausapin,  ng taong kakaibiganin,  magaan kasama,  game at walang kaartehan.

Can you blame me,  ano pa ba ang pweding isukli sa taong maganda naman ang pinapakita sayo,  considering na artista siya at ordinaryong tao lang ako,  ako pa ba ang mag-iinarte.

Masayang masaya ang organizer ng malaman na may kasama akong artista. Take note,  walang talent fee yon.

Si Trail taga update sa akin,  since wala naman akong IG,  pinasend ko lahat ng na ipost ni Rhian.

Was scanning the pictures when I heard the doorbell. Napalingon ako sa pinto dahil wala naman akong inaasahang bisita,  imposibling si Rhian dahil nabanggit niyang may lakad daw sila ng friends niya.

Hindi ko na nasilip kung sino dahil busy ang mata ko sa mga pictures na pinadala ni Trail. Nang binuksan ko ang pinto ay bumungad ang isang babaing naka shade at naka sombrero.

" Yes!?  What can I do for you ma'am? " magalang kong tanong,  at binaba ko muna ang phone ko.

Nagulat nalang ako ng biglang bumigwas ang kamao nito sa may panga ko,  hagip ang bibig ko,  ramdam ko ang pagkapunit ng labi ko at panandaliang pagdilim ng paningin ko,  dahil sa lakas ng tama ng kamao.

" What the..... "  di ko na natapos ang sasabihin ko ng hinila ang kwelyo ko at nabitawan ko na ang phone ko.

" Who the hell are you? " singhal ko dito.

Binitawan ako nito at napasubsob ako sa may couch at napahawak nang mahigpit. Tinanggal nito ang sombrero at ang shade. Nagulat ako ng makilala ang nanapak sa akin.

"  Glaiza?  Glaiza de Castro? "

" Stay away from Rhian, she is my girlfriend at lumugar ka sa lugar mo,  fan ka lang!!!

Sa susunod namagtatagpo ulit tayo,  di lang bibig ang babasagin ko... "  saka patakbong umalis ito ng unit.

Si Glaiza de Castro?  Sinapak ako?  Rhian?  Girlfriend?  Nahawakan ko ang kumikirot na labi,  at namamagang panga. Buti nalang di ako napuruhan o di lang  pinuruhan. Alam kong nagma Muay Tai ito kaya ganun nalang ang pwersa.

Tumayo ako at deretso sa kusina para kumuha ng yelo,  bago pamamuo ang dugo sa pagkabugbog ng laman. Dinampot din ko ang nabitawang phone,  mabuti nalang di nabasag ito.

Nakita kong may message si Rhian pero wala akong ganang basahin ito,  nanakit na rin ang panga ko. Inilapag ko ang telepono sa may lamesa at umupo sa harap ng malaking poster.

" Wow!  Ang ganda ng first meeting natin idol!!  Ganun ka pala magmahal ng fan,  nanapak. " sarkastiko kong nginitian ito.

" Ang lupit ng bigwas mo idol,  sapul,  at lakas,  muntik mo na akong patulugin. Ang saya ng greetings mo. Nga pala,  ako si Marti,  nice to meet you GDC. " at tumawa ako ng mahina.

Ganun naman ako inabutan ni Rhian. Kausap ko ang malaking poster ni GDC.. Nakalimutan ko ata ilock ang pinto at duruderetso itong pumasok. Lumapit ito sa akin.

" My God Marti,  bakit ba di ka sumagot sa....... " napahinto ito.

" Goodness Marti,  what happened?  Bakit putok ang labi mo? " hinimas himas nito ang labi ko.

Napangiwi ako sa hapdi at kirot. Tumayo ako at lumipat sa couch at kinuha ang phone ko. Naka sampung miscalls nga ito sa kanya. Di ko namalayan busy kasi sa pakikipag-usap sa poster ni GDC.

Sumunod naman si Rhian sa akin at umupo ito sa tabi ko. Halatang nag-aalala ito.

" Naggaling dito si Glaiza at sinapak niya ako!! "

Napatakip naman si Rhian sa bibig niya at gulat na gulat ito.  Ni di nga makapagsalita.

" Seriously? "  sa wakas,  nakapagsalita ito pero parang nanunudyo pa na parang baka niloloko ko lang siya.

Tiningnan ko ito ng ibinaba ang mga kamay mula sa bibig nito. Gusto kong makita ang emosyon nito,  pero nakatango lang ito.

" Nahiya ako dun sa iniimagine kong first meeting namin,  yong bilog na mata nasumisingkit at nawawala kapag ngumingiti,  pero kanina parang galit na galit ito. " tumawa nalang ako ng mahina.

Tiningnan ko si Rhian,  pero nakatungo pa din ang mukha nito.

" Sabi niya sa akin,  stay away from you Rhian.. "

Tiningnan ako ni Rhian.

" I'm sorry!!! " halos bulong niyang sabi.

" May sinabi pa siya,  lumugar daw ako sa lugar ko,  girlfriend ka daw niya. Ang ganda ng first meeting namin ng girlfriend mo. Hehe!! "

Lumapit sa akin si Rhian.... Hinawakan niya ang pumutok na labi ko. Biglang nag vibrate ang phone niya.

Binasa niya ito...

" Andito nga siya,  she wants to meet me. " at tumingin ulit siya sa akin.

" Pa fan sign mo ako sa kanya,  makabawi manlang siya sa akin. "  Biro ko.

" So anong pakiramdam ng masapak ng isang Glaiza de Castro? "

Binato ko siya ng ice pack na hawak ko. Tumawa ito ng malakas. Lumapit ito sa akin at nag baby talk.

" Patingin nga ng sapak ng lablab ko.. "

Napangiti ako ng malapad ng marinig ko ang sinabi niya. Napatayo ito sabay dampot ng ice pack at abot nito sa akin.

" Alis na ako Marti,  it's getting late. "

Tumayo na din ako at inihatid ko siya sa may pinto. Pero bago buksan ang pinto ay humarap ito sa akin at hinawakan ang pumutok na part ng labi ko.

" I'm sorry Marti,  di rin ako makapaniwala na magagawa niya ito,  you don't deserve this,  kahit ano pa ang rason niya. "

" It's okay Rhian,  nagselos lang siguro,  post ka kasi ng post ng photos natin. Saka di ako galit doon,  ibig sabihin,  mahal na mahal ka talaga niya. "

" Kahit na!  I'm sorry again,  what is love kung duwag ka naman ipaglaban ito.

I should talk to her para matapos na ito. "

Hinalikan niya ako malapit sa may pumutok na labi ko at niyakap niya ako ng mahigpit. Para naman akong nanigas sa pagkagulat sa dampi ng halik.

" I'll go ahead Marti.. " saka lumabas ito.

Lumapit ulit ako sa poster ni GDC,  may dahilan nga ba ang galit nito?  May dapat nga bang ikagalit ito?  Medyo lumalagpas na nga ba ako sa lugar kung saan lang dapat ako?

Kinapa ko ang puso ko kung may galit ba akong nararamdaman. Pero di ko magawang magalit. Ang mga kanta niya lang ang kasama ko noong nangungulila ako,  noong mag-isa lang akong namumuhay sa mundong bago lang sa akin ang lahat.

Ang boses niya lang ang nagbibigay ng kapanatagan sa akin,  yong mga ngiti niyang nakakahawa,  yong kaweirduhan niyang nagpapangiti sa akin.

Hindi ako galit. Natuwa pa nga ako na nakita ko na siya,  iba nga lang sa inaasahan ko.

Eh kay Rhian,  ano na pagkatapos nito. Magkabalikan kaya sila?  Maayos kaya nila ni GDC ang kung ano man mayroon sila?  Ikakatuwa ng rebels! 

Bakit ako,  parang may bahagi na di natutuwa....

Rebel ako,  at yon ang lugar ko.

Fan......

WHEN RHIAN RAMOS MET AN AVID FAN OF GLAIZA DE CASTRO On viuen les histories. Descobreix ara