marti... (her lasts)

538 19 19
                                    

RHIAN ( Battery Park)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

RHIAN ( Battery Park)

Ang buhay ay napaka unpredictable. Parang kailan lang eh nagtagpo Ang landas namin ni Marti dito...sinubok ng ilang beses, pero andito ulit kami.

Magtatagpo sa isang lugar na sa mahabang panahon ay naging saksi sa una naming pagkikita...

Ng lumingon ako ay natanaw ko ng papalapit si Marti, malapad na ngiti, at parang nagliliwanag ito sa suot na all white, yeah Marti's signature.

" Ngiting-ngiti Ms. Engineer!!" sinalubong ko ito ng mahigpit na yakap.

Kababalik lang kasi nila ni Alice mula Pilipinas. Ewan ko ba, parang sobrang  namiss ko ito.

"Aw......Miss Ramos-de Castro, higpit ng yakap. Missed you too...." naramdaman ko ang paggalaw ng balikat nito ng tumawa ito.

Maya-maya ay narinig ko ang isang putok ng baril. Parang tumahimik ang buong paligid, hanggang sa Ang naririnig ko nalang ang alingawngaw ng sasakyan ng mga police.

Humigpit ang yakap ni Marti. Naramdaman ko ang basang nakapa ko sa likod nito.

" Hey.....aga-aga, you're wet Engineer!" natawa ako. I'm just trying to throw a joke.

But when I raised my left hand, I saw blood, lots of blood.

I slowly pushed away Marti from me...nagpapalit-palit ang tingin ko sa kamay ko with blood at kay Marti.

Ngumiti ito......

" Nice meeting you Ms.Ramos." at unti-unting pumikit at paunti-unti dumagan ang katawan nito hanggang sa di ko na kinaya ang bigat nito.

Napaupo na kami habang yakap ko ang katawan nito.

Hindi ko alam what to feel....anong nangyayari. I tried to shake Marti's body, pero lalo kong naramdaman Ang tumatagos na likido mula sa katawan nito.

Pinilit kong pihitin ang katawan nito. I saw those brows arching.

" Marti , no......no......Marti wake up please!! What's happening...?" naramdaman ko na ang pagpatak ng mga luha ko.

Pakiramdam ko ay lumulutang ako, di ko maramdaman ang inuupuan ko.

Di na ito dumilat.

Niyogyog ko ulit ang katawan nito.....

" Marti, wake up! Please, don't do this! We're gonna have coffee!! Marti no.... please! " nagsusumamo ako, gumising lang siya.

Alam kong di na ako sasagutin pa ulit ni Marti, pero gusto kong umasa. Hindi ko matatanggap na sa oras na yon ay iiwan niya kami, na yon na pala ang huling mga salita ang maririnig ko.

Hanggang sa nilapitan na kami Ng mga nakaputing tao. Lumapit ito kay Marti, at hinipo ang leeg nito at tumingin sa akin.

" I'm sorry ma'am, but she's gone."

" No, don't touch her. Marti please wake up! Martiiiiiiiiiiiiii........"

   °°°°°°°

7 days after......

Marti was shot by an old engineer at Wigs Construction Firm. Inggit at galit kay Marti kaya nagawa niyang patayin at barilin si Marti.

The police found out na, nadiskubre ni Marti na nagnanakaw ito ng mga materials nila at tools. Kaya natanggal.

Ang gara naman, buhay ang kapalit sa pagmamalasakit. Buhay ang kapalit sa pagbibigay ng buong puso sa trabaho na pinangarap.

Isang iglap, babawiin lang ng kung sino lang. Yong taong walang ginawa kundi magtrabaho, tumulong at ibahagi sa iba ang pangarap na natupad.

Napakahirap tanggapin anuman ang dahilan niya. Di ko matatanggap at higit sa lahat, di na maibabalik Ang buhay ni Marti.

Nakakulong na ito ngayon. Madami ang saksi sa park, madami ang nakakita.

Fatal din ang tama ni Marti. Derektang puso ang tama nito, no wonder in just seconds, I lost her, we lost her.

Hindi ko alam pano lumipas ang mga araw, ni si Alice ay di ko pa nakakausap...

Si Alice.....

I refused to visit Marti's wake, I'm not ready to face her na di ko na maririnig ang pangbabara niya.

But today's Marti's burial. Glaiza tried to convince me to come kahit sa sasakyan lang ako.

" Lab, malulungkot si Marti kung di mo siya pupuntahan kahit sa huli na kasama natin siya."

I agreed to come. Pero di ako bumaba. Di pa ako handa harapin si Alice at si Titanay.

While watching Marti's casket, di ko mapigilan ang mga luha ko.

" Ang daya mo, sa akin pa talaga ipapakita mo ang huling ngiti, tibok ng puso at mga huling kataga.

Gusto kong magalit sayo. Lagi ka talaga papansin, gusto mo nasa iyo lagi ang atensiyon.

Ang sakit nito Marti, how to say goodbye to someone na hindi ka handang mawala.

How to say goodbye to someone na ayaw mong mawala.

How to say goodbye to someone na gusto mo pang manatili pero wala ka ng magagawa pa.

Paano magpaalam sa isang katulad mo.......

Paulit-ulit bumabalik sa akin ang araw na yon.

Marti help me to live again, ang hirap hirap."

Pagkaalis ng lahat ay saka lang ako pinababa ni Glaiza.

For the last time.....

Halos di tumigil ang luha ko. Pero parang bigla kong narinig ang boses nito.

" Rhi, hindi naman kasi yon kung gaano ka katagal nabuhay, kundi kung paano ka nabuhay.

Enjoy and cherish every moments of your life, baka bukas wala kana.

Make everyone smiles even in a simple way.

Appreciate every little thing.

Kung natatawa ka, tumawa ka Ng malakas.

Kung naiiyak ka, umiyak ka.

Maaaring di lahat sa buhay ay masaya, pero kung pipiliin mong maging masaya, araw-araw ay pwede kang maging masaya."

MARTINA HIDALGO........ signing off.

The end.

_rebeLsiete_

WHEN RHIAN RAMOS MET AN AVID FAN OF GLAIZA DE CASTRO Where stories live. Discover now