friendship

666 32 0
                                    

Hi!!  Are you free on Saturday?  Can we meet at the Battery Park?  Same coffee shop?

After one week na walang paramdam,  I got a text message from Rhian. Napangiti ako sa " same place " na yan. Ang dami ng nangyari mula ng muntikan na niya akong mabangga sa park na yon.

I remembered the funny conversations about GDC,  na para bang ang tagal-tagal na namin magkakilala. Yong bawat bitaw ng mga biro na para normal lang sa aming dalawa,  yong batuhan ng pangbabara ay para bang matagal ng ginagawa ng bawat isa.

I texted her
Sure!  May bagong kwento ka?  Hehehe kidding!  Yep!  I'll be there.... same time?

She replied
Kung wala na ba akong ikukuwento sayo about sa kanya,  kakausapin mo pa ako?

Napatitig ako sa reply niya. Mukhang seryoso ito,  walang emojis at emoticons...

I replied
Seryoso ata si Ms. Ramos. Oo naman,  remember friend mo ako?  Maaring avid fan ako ni GDC,  but I'm your friend.  So pweding dahilan na ba yon?  Hehehe

I can see her smiling.... Feeling ko lang...

She texted again
Friend lang?  Diba pweding more than friends?

I replied
Wow!  May pagka demanding ah!!  Ayaw mo?  Sige binabawi ko na. Doon ka sa GDC mo magpa more than a friend. Mas willing yon.

She replied
Hahaha!!  Grabeh ka!  More than a friend,  like be my fan?

Bakit ba lagi mo akong pinagtatabuyan?  Di ba nga I like you Marti,  wag na kasi mag-inarte!!  Hahah

I replied
Sige push mo pa,  malay mo isang araw. Hahaha

Saka wag mo na akong maging fan,  friend nalang,  mas komportable yon.

Oh siya,  humahaba na naman tong convo natin. Same time?

She replied
Hahaha!! Yep,  same time!!  See you on Saturday fan ni GDC.

COFFEE SHOP

Naunang dumating si Rhian.... nakita kong naka pwesto ito sa dating inupuan namin....

Lumingon ito at ng makita ako ay ngumiti ito. Tumayo siya at sinalubong ako ng yakap. Umupo ako sa harap niya. Napakislot ako ng hinawakan niya bigla ang may pumutok na labi ko.

" Maganda ka pa rin naman kahit may pasa ka " at tumawa ito.

" Parang di ikaw ang huling taong nagsabi niyan sa akin " napangiti din ako.

Umarko ang kilay nito...

" May iba pa? "

" Opo!  Yong GDC mo. "

Tumitig ito sa akin.
Nag-order na ako ng coffee at tig-isang slice ng strawberry cake,  para maiba llang ang topic.

" So bakit nakipagkita ang Rhian Ramos? "

Tumingin siya sa akin... pero bago pa ako magsalita ulit dumating na order namin.

Haist!!  Kape is life talaga. Uminom muna ako ng kape.

" So ano problema Ms. Ramos?  Nakatitig ka? "

" Wala naman po,  damang dama mo kasi yong pag-inom ng kape. Hehehe! 

Anyway,  nakipagkita ako kasi,  namimiss na kita Marti. "

" Asus!  Barya gusto mo? " at tinawanan niya ako.

WHEN RHIAN RAMOS MET AN AVID FAN OF GLAIZA DE CASTRO Where stories live. Discover now