life must go on

436 28 0
                                    

"Thank you Marti!!  I'm expecting you and Alice in London soon.. " ngumiti ito at niyakap ako.

" Thank you also Mr. Wig. Take of yourself always,  remember that you can come back home anytime you want.... "

" I will.. " sagot ni Mr. Wig.

Si Mersing naman ang hinarap ko. Umiiyak pa rin ito.

" Hoy!  Matutuyuan kana niyan,  kanina ka pa umiiyak. Napakaiyakin mo,  laki-laki mo eh!!  Hmmm..... Mers,  you can always call me,  okay? "

" Salamat Ms. Marti.... namimiss ko lang si CJ. Sabay kasi kaming pumunta dito,  pero ngayon mag-isa nalang akong uuwi.. " sabay hikbi nito.

" Hey!  Kasama mo pa din naman siya. Pain free pa ngayon,  unlike ng pag dating niyo dito noon,  suka kaagad siya,  plus kasama niyo pa Dad niya...

Take care of her Lola,  okay?  Tatawagan agad kita pagnakauwi ako ng Pinas,  hopefully kami ni Alice... " at nginitian ko ito.

Niyakap ko ito ng mahigpit habang dala-dala niya si CJ.

Ng tuluyan na silang nawala sa paningin ko ay di ko maiwasan ang malungkot. Nakikinita ko ang nakangiting CJ,  ang saya siguro nito kung makakauwi din siya ng Pilipinas na wala ng sakit.

Pero alam kong masaya ito ngayon,  nasaan man siya ngayon.

" Hope to see you in the Philippines,  Cijs!  Help me get back Alice. "

As I promised,  I texted Rhian bago ako umalis ng airport.

" Hi Ms. Ramos!  I'm on the way to Alice. Text you when I get there. "

Nag reply naman agad ito...

" Corrections please.  Mrs. Glaiza de Castro na ako ngayon!!  (wink😉) "

" Wow!  Improving!  Alam na ba ni GDC to? "

"Haha!!  Sira!!  Anyways,  good luck Marti. Win Alice heart again. Update us... hugs from us!  Take care and love you. "

" Thanks Mrs. de Castro... "

Kinakabahan ako,  pero sigurado ako sa gusto ko. I want her back no matter what. Kung kinakailangan kong lumuhod sa harap niya,  luluhod ako.

Hindi naman totally naputol ang communication ni Rhian at ni Alice. Tumutulong daw ito sa flower shop ng mommy niya.

Ang isa pang bagay na nagpapakaba sa akin ang pagiging Filipino ng mommy ni Alice.

Ang mga pinoy ay di mahirap patawanin. Typical na pinoy na kahit sing laki na ng mundo ang mga problema ay nakukuha pa rin natin ngumiti.

Kahit nga ulo nalang ang nakikita sa lalim ng baha ay nakatawa pa din tayo.

Ganun tayo eh,  pinoy kasi. Sabi nga,  sus,  isang pagpag lang yan sa balikat.
Pero siyempre,  may mga pinoy din na mahirap e-please. Sabi nga nila " You can't please everyone. "

Pero kasi mama to ng soon-to-be-wife ko. Considering na may atraso pa ako sa anak nila at higit sa lahat,  ang gender preference na pinili namin.

Relax Marti,  sabi nga ng kaibigan mong si Rhian,  be yourself and be true sa nararamdaman mo.

Ang importante masabi mo kung ano yong nasa puso mo, at totoo ang nararamdaman mo. Ngayon kung di aayon sayo ang pagkakataon,  no more dramas,  ganun lang talaga bumato ang buhay.

Sabi nga ni G " We should only regret the things we didn't do. "

I'm going to give my best shot,  di nalang to pangarap,  ito na ang magiging buhay ko. Buhay sa hinaharap na gusto kong kasama ang babaing pinakamamahal ko.

WHEN RHIAN RAMOS MET AN AVID FAN OF GLAIZA DE CASTRO Where stories live. Discover now