an actress heart

622 30 0
                                    


Isang nakakapagod na Biyernes,  biyernes santo na din ang mukha ko sa pagod.. Pero sabi nga nila more pagod,  more kita. Mukhang wala din paramdam si Titanay at si Trail ngayon,  dati rati kinikulit ako ni Trail tungkol sa Rastro,  medyo nakakapagtaka,  pero siguro nahawaan ko na din yon. Tatawagan ko nalang bukas pag may  time.

Pagkadating ko sa unit ay saka ko lang na check ang phone ko. May miscalls si Rhian at mga text messages.

Rhian
Hey!  Don't forget the sleepover. Mamya,  magdadahilan kana naman. Two weeks ago pa ako nagyaya,  sinakto ko na sa schedule,  kaya please mahiya ka naman,  artista ako,  Rhian Ramos,  wag kang drawing.

Natawa ako sa text niya. Komportable na talaga ito sa mga biro niya,  minsan di ko naiisip na artista pala ka text ko.

Marti
Ms. Wamos,  Friday palang ngayon,  wag kang papahalata na masyado kang excited. Baka mamya patulugin mo ako hanggang kinabukasan at di mo na ako pauwiin. Hahha

Rhian
You wish!  Ganda ka teh?  Hahaha!  Saka parang linya ko ata yan dati,  wala kang originality Martina.

Natawa ako ng maalala ko yong usapan namin ng una siyang pumunta sa place ko.

Marti
Maganda ako sabi ni GDC.... at alam kong di siya nagsisinungaling.

Okay na Ms. Ramos,  at ang katawang lupa ko ay sadyang pagod at nangungulila na sa malambot na higaan.

Rhian
So pagpagod nagiging makata?  Hahaha!  Yeah,  okay!  Bukas nalang,  see you Marti. Ihanda mo na yong alcohol tolerance mo at lalasingin kita.

Marti
Oh my!  Umpisahan ko na kayang mag drawing ngayon. Haha

Galit ka yata sa akin eh,  sinisira  mo ang liver ko,  nagiging lasingga ako pag ikaw ang kasama ko.

Rhian
Masaya ka naman!!  Dapat nga magpasalamat ka dahil napapasaya kita,  without even touching you. Hahaha

Marti
Psssstttt.... magtigil kang bata ka,  isusumbong kita sa nanay mo.

Rhian
Hahaha!!  Nasa Pilipinas yon. Hey,  got to go,  bye nuggets!  See you tomorrow...

Sleepover

" Thanks Marti for coming!! "

" Di ka naman masyadong naghanda!! "

Para kaming nagka camping/picnic sa loob ng place niya,  naka set up ang tent may nakalatag na blanket sa labas ng tent, at may mga pagkain sa gilid ng blanket.

Nagtaka lang ako dahil wala akong nakitang alcoholic drinks,  nagbagong buhay na si Ms. Ramos at nakahinga ako ng maluwag,  safe si atay ngayong gabi.

" Aba,  wala ka yatang pampalasing,  nagbagong buhay kana? "

" Hahaha!  Naaawa na ako sa atay mo,  panay na reklamo mo. "

" Sayang naman,  naghanda at nag practice pa naman ako bago ako pumunta dito... " biro ko.

" Asus!!  Di ka nga makalunok lunok kahit kalahati ng kalahati ng kalahati... Hahaha!! "

" Wow!  Alam mo ikaw ang hard mo sa akin!! Natutoto kana sumagot!!! "

Nagkatawanan kami....

" Try this Marti,  vegetables pasta!! " sabay abot ng maliit na bowl.

" Umm mm.. parang may kulang!! "

Kumunot ang noo nito...

" Anong kulang? "

" Tinapay at kape... "

" Haist!  Wag na magkape,  masama panay kape.. "

Habang kumakain kami ay panay ang sulyap nito sa akin. Para bang may gusto itong sabihin pero nauunahan ito ng kung ano man.

" So,  Rhi,  anong mayroon? " inunahan ko na ito.

" How's work? " iwas tanong nito.

" Seriously?  Pinapunta mo ako dito para kumustahin lang ang trabaho ko,  try mo mag-apply,  di yong nagpapagod ka pa!!  Pwedi mo naman ako etext eh. "

Binato ako ng throw pillow....

"Aray!  Kaw ha,  nanakit kana din!  "

" Ikaw bat ba kailangan lagi may dahilan pagniyayaya kita or kapag magkikita tayo. Diba pweding wala lang,  akala ko ba magkaibigan tayo? "

" Sorry naman po Ms. Ramos and. Artista po kasi kayo,  di ko lang lubos maisip na makikipagpalitan ka sa pagsasayang ng oras sa isang fan lang ni GDC... "

" You're my friend now and you deserve to be treated fair coz I know you're a good person. "

Kunyaring nagpunas ako ng luha...

"Sira!!  Ay wait lang,  gonna get the cake.... " tumayo ito at kinuha ang cake sa ref... Strawberry cake.

" Hmmm.... pansin ko lang,  ang hilig mo sa strawberry cake!! Favorite mo? " sabay tawa ko.

" Sira ka talaga Marti,  wala lang ako choice kasi ikaw ang kasama ko. Pero infairness,  sumasarap na siya ngayon.

Bakit pala di ka pwedi noong last Friday? "

" Ang dami kong tinapos na paper work. Pupunta akong site sa lunes,  kailangan mamonitor construction,  tinapos ko na din yong naunang status updates. Baka tulugan lang kita kung pinush ko. "

" Same owner pa din? "

" Mr. Wig?  Yeah!!  It's an orphanage,  kaya mahigpit sa quality. "

" Wow!  Good hearted naman talaga.... "

"Di naman,  ang hirap lang hindian,  mga bata kasi manginginabang,  malamang si Mr. Wig wala masyadong kikitain,  dependi sa mga sponsors,  kami pa ba na kompleto ang bayad na wala kaming gagastusin. "

" Tama nga ako dati pa  harmless ka nga!! "

Nagtawanan kami...

" Marti...

" Hmmm? " Lumingon ako sa kanya.

" Ano pang hindi mo nasi share sa akin? "

" Wala akong balak maging open-book sayo... " sabay tawa ako at taas ng peace sign.

"Eh anong di mo pa alam tungkol sa akin? "

" Wala akong balak alamin... " pigil tawa kong sagot.

Binato ako ng tsinelas niya,  di ko na napigilang tumawa ng malakas.

" Ang sama sama mo... " umirap ito sa akin.

" Okay,  sorry na!!  Serious na!! " humarap ako sa kanya at ngumiti sa akin..

"Eh ano pang sekreto ng isang Rhian Ramos!? " ako naman ang nagtanong.

" I'm sick... "

Tinitigan ko siya kung nagbibiro lang ba ito o hindi. Tumingin din ito pero nagbawi din ng tingin.

" My heart is not well. Cardiomyopathy..... unti-unti nasisira ang heart muscle ko,  hanggang sa tuluyan na itong bumigay. So baka bukas di mo na ako makausap. "

" Hey,  prank ba to?? Teka lang Ms. Ramos,  nagbibiro lang ako kanina. Di ka nakakatawa!! "

Hinawakan ko ang mga balikat niya,  nagtaas ito ng tingin at tinitigan ako.

" The next attack will be fatal... "

Fatal...

Fatal...

WHEN RHIAN RAMOS MET AN AVID FAN OF GLAIZA DE CASTRO Where stories live. Discover now