liham

424 30 0
                                    


Marti,

First of all I wanna Thank You for all your sacrifices,  sa panahon, sa oras at sa patience.

Tingin mo ba, habang binabasa mo ito ay wala na ako or nasa London pa ako. Asa noh!  Hehehe! 

Honestly,  ina-anticipate kong marinig yong sasabihin mo after mo to mabasa.

Sigurado lang kasi ako na kakausapin mo ako kung nagkataon. Gusto ko lang umasa sana.

Pero siyempre may part ng puso ko na maaaring wala na ako. Ibulong mo nalang sa hangin.

Kasi sigurado naman ako na maririnig kita,  di na ngalang kita masasagot. Ang drama oh!

I'm sorry kung hindi ko sinabi sayo ang pagkikita namin ni Ms. Rhian,  wag kang magalit sa kanya.

Hiniling ko talaga sa kanya na wag sabihin sayo,  dahil alam kong pagagalitan mo ako.

Marti,  ang dami mong itinuro sa akin ng di sinasadya. Napakabuti mong tao.

Hindi matatawaran yong mga panahon na napapatawa mo ako,  kahit pagod na pagod kana.

Yong pag-aalaga na kailan man ay di ko matutumbasa ng kahit na anong bagay na mayron ako.

Actually,  pwedi mo naman tanggihan si Dad, pero di mo ginawa. I'm sorry for being a brat,  sometimes.

Lalo na noong mga unang araw ng encounter natin. You remained calm kahit sobrang tigas ng ulo ko.

Hmmm.... Anyways,  ayoko na masyadong habaan to kaya sasabihin ko na kung bakit madrama ito.

Nagkausap kami ni Dad,  he mentioned me about the money he offered to you.

But you refused to accept it. Hininge ko sa kanya and told him na ako na magbibigay sayo.

I told Dad also that I'm going to double the amount with a purpose. And told him what's on my mind.

He was very happy,  kaya please wag mong tatanggihan. May gagawin tayo,  at makakatulong yon.

Pero sa ngayon ay di muna kita maalalayan sa pagpaplano,  busy pa ako. ( 😉)

Pero umaasa ako na gagawin mo ito para sa akin at sa matutulungan nito. Malakas kaya ako sayo.

Marti,  alam kong di ito magiging madali,  but please,  gawan mo ng paraan.

Naisip ko kasing di mo tatanggihan ang ganung halaga kung gagamitin natin ito to help others.

Why not put up a foundation.  Yong foundation na makakatulong sa mga kabataang itinakwil.

Kabataang hindi tanggap ang kasariang pinili nila ng mga taong dapat na uunawa sa kanila.

Maaari kasing masakripisyo ang pag-aaral at kinabukasan nila. Gusto kong
masiguro ang kaligtasan nila.

Gusto kong malaman nila na may matatakbuhan sila na buong puso silang tatanggapin,  kahit ano pa sila.

Na may mga taong handang tumulong sa kanila. Wag mong hayaan mapariwara sila.

At mabaliwala ang mga pangarap nila,  dahil lang di sila nabigyan ng chance.

Chance na tanggapin ng mga taong inaasahan nilang aagapay sa kanila.
Susuporta sa kanila.

Gusto kong  malaman nila na ang mga pangarap nila ay di makokompromiso
at di massayang.

Kahit ano pang kasarian ang piliin nila,  hanggat wala silang naagrabyadong ibang tao.

WHEN RHIAN RAMOS MET AN AVID FAN OF GLAIZA DE CASTRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon