the last favor

417 24 0
                                    

Hindi na ibinurol si CJ,  pina cremate na agad ito ni Mr. Wig kagaya ng bilin ni CJ. Iuuwi ito sa Pilipinas ni Mr. Wig at ililibing katabi ng nanay niya. Iyak ng iyak ang lola ni CJ ng malaman na wala na si CJ. Pero tanggap niya daw na iiwan siya ni CJ,  ngayon ay masaya na ito at kasama na nito ang ina.  Malaya na itong makakangiti ng walang iniindang sakit.

Uuwi din si Mersing,  dahil yon ang pangako niya kay CJ,  ang alagaan ang lola nito kapag wala na si CJ. Kay Mersing na din mapupunta ang bahay ni CJ sa Pilipinas.

Pumasok ako sa kwarto ni CJ,  andun pa ang amoy nito,  yong nakaupo siya sa kama kahapon ng umalis ako. Ang mga ngiti nito. Umupo ako sa couch,  di ko na pinigilan ang luhang kanina pa gustong kumawala...... hinayaan kong tumulo ito ng tumulo.

Pumasok din si Mersing at naupo sa kama ni CJ. Umiiyak din ito. Tahimik kaming umiyak sa loob ng kwarto ni CJ,  nangungulila sa isang kaibigan,  pero sa isang banda ay naroon ang kapanatagan na,  kung nasaan man ito ngayon ay siguradong wala na siyang sakit na nararamdaman. Masayang CJ at laging nakangiti.

" Kung pinapanood tayo ni CJ ngayon,  malamang pinagtatawanan tayo noon " basag ni Mersing sa nakakabinging katahimikan.

Napangiti ako sa kabila ng mga luhang dumadaloy sa mga mata ko.

" I missed her,  Mers!! "

" Me too,  Ms. Marti. "

Pumasok si Mr. Wig sa loob ng kwarto ni CJ. Tumabi ito sa akin at tinapik ang balikat ko.

" I wanna thank you both for taking good care of my CJ. I missed her too. "

Inabot nito ang isang brown envelope. Napatingin ako sa mga mata nito at nginitian ako.

" Marti,  I'm leaving you the firm. I know how much you love the firm,  and I know that you can take good care of it just like you took good care of my daughter.

I'm also leaving you this house. That's why you really have to find Alice. This is my advance wedding gift to you.

But,  please let this room be CJ 's  room.... and her things. And...... the tent outside.... I saw how happy CJ when you put up the tent. Leave it there,  Marti.

Maybe one day when you have your own kids,  they'll like it.

After sending CJ to the Philippines,  I'm going to London for good. I hope you and Alice could visit me one day. "

Tumayo na ito at niyakap ako,  niyakap din nito si Mersing.

Binuksan ko ang envelope at nakita kong nakapangalan na nga sa akin ang firm at ang pamamahala nito,  pati na rin ang mga orphanage na connected dito. At ang susi ng kotse ni CJ.

Lumapit si Mersing sa akin...

" You need to see Ms. Rhian!"  nagtataka akong napatingin kay Mersing. Ngumiti din ito sa akin.

Lumabas na ito at maghahanda daw siya ng pagkain namin.

Sumunod ako kay Mersing at dumeretso ako ng tent. Kagabi lang ay masayang CJ pa ang kakwentuhan ko dito. The cheerful one,  sobrang bilis ng pangyayari.

Dinampot ko ang kumot na ginamit ni CJ at inamoy ko ito... nakaramdam ako ng hapdi sa mata ng maamoy ko ito.... at tuluyang dumaloy ulit ang mainit na likido mula sa mga mata ko.
Pinunas ko ang mga luha ko at pinilit kong ngumiti.

" Have fun there Cijs..... guide us. "

Kinuha ko ang phone ko and I texted Rhian.

" Hi Rhi.... CJ is gone. "

WHEN RHIAN RAMOS MET AN AVID FAN OF GLAIZA DE CASTRO Where stories live. Discover now