breaking her gently

458 23 2
                                    

Tinawagan ako ni Lance,  ang itinalaga ko munang OIC sa project namin. May gusto daw siyang ikonsulta,  nahihirapan siyang magdecide.

Nagpaalam na din akong uuwi muna sa apartment at makapag impake ng konting gamit. Kailangan ko talaga makausap si Alice.

At para magkatime din sila ni CJ na makapag-usap at makapag bonding. Bawiin yong mga panahong di sila nagkita.

Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko si Alice,  nanunuod ito ng tv. Mukhang seryoso ito sa pinapanood at di manlang namalayan ang pagdating ko.

Umupo ako sa tabi niya. Ganda!!  Iba talaga pagnalalahian ang pinoy ng ibang lahi,  ang ganda ng kumbinasyon. Hmmmm.... yong amin kaya... Napangiti ako.

Ay sus!!  Nakapikit pala ito,  tulog. Kaya pala di ito natinag ng umupo ako sa tabi niya. Dinampian ko ito ng halik sa labi at pinahilig ko ang ulo nito sa balikat ko.

" Baby.. " mahinang tawag nito.

" You're so pretty!  Was thinking your mini you, I'm sure she's going to be very pretty!! "

Nag-angat ito ng mukha!  Nginitian ako.

"She?  You want a girl!? " tanong nito,  kasabay ng maliliit na halik sa leeg ko.

" Yeah!  Maybe after the wedding,  but for now,  can I have the mother first!? "

Inihiga ko ito sa couch at siniil ko ito ng halik sa leeg,  nagpupumiglas naman ito habang tumatawa.

Tumigil ako at pinagmasdan ko ito habang tumatawa. Tumigil din ito at tumitig sa akin.

" I love you.. " sambit ko.

" I love you too... sagot nito.

We made love that night. Hinayaan ko siyang singilin ako sa anumang pagkakautang ko sa kanya. Sigurado ako na mababawasan na yong ganitong moment namin.

Naramdaman kong hinahaplos nito ang isang dibdib ko. Gising pa ito.

" Baby I need to tell you something!! "

Sinabi ko ang hiniling pabor ni Mr. Wig sa akin,  yong arrangement,  yong posibling pagkain nito sa oras ko.

Pagkatapos kong sabihin lahat ay tahimik lang ito.

" Baby,  please say something "

" You said Yes anyway,  just please make time for me,  and I'll do the same. Kays? "

" Yeah!  I will!! " at niyakap ko ito.

Kinabukasan ay hinatid ko muna si Alice sa trabaho. Pero bago ito lumabas ng kotse ay siniil muna ako ng halik nito.

" Please keep in touch,  okay!?  I love you!! "

" I love you too,  Alice!  I will,  take care always,  kay? "

Pagdating ko sa bahay ni Mr. Wig ay nakaalis na ito. Nadatnan ko si Mersing sa kusina at ang dalawang maid.

" Good Morning Ms. Marti!! " bati ni  Mersing.

" Good Morning din Mers,  si CJ? "

" Nasa terrace ata,  gising na yon ng bumaba ako. Handa ko lang food niya para makainom ng gamot. "

" Thanks Mers,  ako na magpapainom ng gamot. "

" Sige po Ms. Marti! "

Umakyat ako sa kwarto nito. Pero ng kumatok ako ay walang  sumasagot sa loob. Pumasok na ako,  nahagip ng mata ko ang likod nito.

WHEN RHIAN RAMOS MET AN AVID FAN OF GLAIZA DE CASTRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon