the talk

677 36 7
                                    

Umuwi ako ng Pilipinas ng hindi alam ni Titanay,  pero ng makita niya ako ay tuwang-tuwa ito at napaiyak pa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Umuwi ako ng Pilipinas ng hindi alam ni Titanay,  pero ng makita niya ako ay tuwang-tuwa ito at napaiyak pa. Nagpapasalamat ako na kahit papano ay napapagaan ni Titanay ang loob ko. Napupuno ito ng pagmamahal.

Pagkatapos kong makapagpahinga ay hindi ako lumabas ng bahay,  sinulit ko ang araw na yon na malayo kami ni Titanay ng mahabang panahon. Napuno ng kwentuhan at kitang-kita ko kung gaano ito kasaya.

Kinagabihan habang nasa sala kami ay naikwento ko lahat kay Titanay,  yong kay GDC,  at kay Rhian. Naikwento ko rin ang ginawa ni Trail. Siyempre nalungkot siya sa ginawa ng kaibigan ko,  halos ituring na din itong parang anak ni Titanay. Madalas din ito sa bahay,  nawalan lang ng oras ng nagkatrabaho na.

Nagulat din siya sa kalagayan ni Rhian. Di daw siya makapaniwala na may sakit ito,  dahil noong huling kita daw niya nito sa tv ay napakasigla nito at panay patawa.

Nang lumalim na ang gabi ay pinagpahinga na ako ni Titanay,  napagkasunduan naming sasama ako sa hardware,  yon ang pinagkakaabalahan niya sa araw-araw kesa daw nasa bahay lang siya. Papakilala daw niya ako sa mga empleyado niya.

Sa susunod na araw nalang siguro ako pupunta kay Trail. Gusto kong mag kausap kami ng masinsinan bilang magkaibigan at kung ano pa ang pweding isalba namin sa aming pagkakaibigan.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay nanood muna ako ng myx,  saktong myx news at si GDC ang nagsasalita,  tungkol sa bago niyang kanta na inilabas,  so yon pala yong pinapatogtog ni Rhian noong natulog ako sa bahay niya.
Pagkatapos ng interview ay saka naman pinalabas yong video ng kanta ni Rhian, 

"Napagod".

Napangiti ako,  naisipan kong e-text ito.

Hi!  Alam kong alam mo na di naman talaga ako nagtetext sayo,  kaya wag ka magtaka...

I'm just curious,  marunong ka pala kumanta?  Hehehe!!  I'm watching myx, now playing NAPAGOD.

Hindi ko na inantay magreply ito.. pero tumunog yong phone ko.

Rhian
Wow!  Naman salamat ha!  Todo emote pa nga ako diyan... grabeh ka,  di mo manlang ma appreciate.. Haha

Marti
Hahah!!  Kanino ka ba napagod?  Parang alam ko na.

Rhian
Marti,  it was just a song,  ipahinga mo muna yong rebelde mong utak. Hehe

Anyway,  nagkita na kayo ng friend mo? 

Marti
Hmmm... dipa,  nagpapasama si Titanay sa hardware bukas,  baka sa makalawa nalang.

Di ko pa alam kung paano ko siya kakausapin,  pero sana makipag-usap siya sa akin.

Rhian
I'm hoping maging okay lahat. Honestly,  I'm a bit scared too.... kahit sanay ako batuhin ng intriga,  ang di ko lang minsan kinakaya yong mga on the spot na mga bato ng mga tao.

WHEN RHIAN RAMOS MET AN AVID FAN OF GLAIZA DE CASTRO Where stories live. Discover now