idol: gdc

593 31 7
                                    

TRMD PART 2 (THE MOVIE)

∆∆∆∆∆∆∆

Pinuntahan ni Jade si Althea,  dahil birthday niya,  umaasa si Jade na maalala ni Althea ang araw na iyon,  pero ayaw siyang harapin ni Althea. Nagpakita ito pero umalis din..

Habang nasa kuwarto si Althea ay nakita niyang naka circle yong date sa calendar,  pero di niya maalala.... Bigla niyang nahagip ng tingin ang lucky charm bracelet na bigay ni Jade,  saka lang lang nag flash sa utak niya ang mukha ni Jade.

" Jade...
Birthday ni Jade ngayon.... "

Tumakbo siya sa labas para habulin si Jade,  saktong-sakto naman paalis na ang kotse ni Jade. Hinabol ito ni Althea,  habang umiiyak at tinatawag si Jade. Samantalang si Jade ay umiiyak din sa loob ng sasakyan.

Napansin niya ang wedding ring nila ni Althea.  Ang tagal na nilang lumalaban,  ngayon pa ba sila susuko.... pinahinto niya ang sasakyan at lumabas siya ng sasakyan para bumalik kay Althea,  bago pa man siya makahakbang ay nakita na niyang tumatakbo si Althea papalapit sa kanya...

"Jade....!! "

Masayang masaya siya ng tinawag siya ni Althea,  sinalubong niya ito at ng magkasalubong ay niyakap niya ito ng mahigpit.

" Jade.... Lablab..!!  " umiiyak na ito,  napaiyak na din si Jade.

" Lablab... "

Kumawala si Althea sa pagkakayakap kay Jade at pinagdikit niya ang mga noo nila.

" Happy Birthday Lablab!! " tumulo ang luha nito.

Umiiyak na si Jade at niyakap niya ulit ng mahigpit si Althea.

∆∆∆∆∆∆∆

Hindi naging madali sa akin ang pag out namin ni Rhian,  pero naging totoo ang saya na nararamdaman ko,  para bang nawala yong malaking unan na nakapatong sa dibdib ko.

Yong tawa at ngiti ay naging makahulugan,  kaligayahan ang mga nasa likod nito. Kahit sandamakmak ang mga bashers na bumabanat sa akin araw araw,  pero kasabay din nito ang paglabas ng mga totoong taong nagmamahal sa akin,  sa amin ni Rhian.

Ang pamilya ko,  pamilya ni Rhian at si Marti.  Ang mga fans na kasabay namin lumaban,  ang Rastro Rebel. Nawalan ako ng mga shows,  nawalan ng mga offer,  pero yong mga gigs ay nagpatuloy,  salamat sa mga pinagpalang mga rebels,  di nila ako kinalimutan. Lalo na sa mga okasyon,  naiimbitahan ako.

Hindi man malaki ang kita pero malaking bagay na hindi ako nase-zero araw-araw na nasa Pilipinas ako.

Si Rhian,  si Gleed,  ang buhay ko,  ang mga mahal ko,  ang bumubuo sa araw ko, ang tibok ng puso ko,  ang hininga ko.

At ang solid kong fan,  Martina Hidalgo,  for keeps. Rhian admitted that she confessed to Marti how much she likes her,  but Marti remained a faithful fan,  cos Marti believes that we will have each other at the end,  cos for her Rastro is for keeps.

Malaki ang kinita ng TRMD PART 2, at nagpapasalamat ako sa suporta kahit di sila rebels.hanggang ngayon ay madami pa din ang nagre-request,  pinapalabas na din ito sa ibang bansa at paminsan minsan ay naiimbitahan pa kami.

And for Marti,  so many offered that she declined,  sabi niya kasi masarap daw magsulat kung nagmumula ito sa ating mga puso,  at para ito sa malalapit sa ating puso.

Ang laki ng naiambag ni Marti sa istorya,  madami ang di makapaniwala na first time lang niyang project ang TRMD PART 2, di lang magaling gumawa ng gusali,  magaling din pala itong manunulat.

WHEN RHIAN RAMOS MET AN AVID FAN OF GLAIZA DE CASTRO Where stories live. Discover now