Chapter 28: Araw't Gabi

3.3K 81 16
                                    


Deanna

Last day na ng bakasyon nila at masaya naman sila sa tatlong araw na ginawa nila.

Napagdesisyunan nilang libutin ang bayan sa Quezon at saktong fiesta pala dito at sa gabi ay magkakaroon ng variety show na ikinatuwa naman ng team.

Lumibot naman muna sila kung saan saan at naghiwa-hiwalay muna para mamili ng pasalubong para sa mga pamilya nila. Nag-usap sila na magkita kita ng lunch time para kumain. Kumain muli sila sa Baydi kasi nagustuhan nila ang pagkain ngunit hindi nila nakita ang dalawang matanda doon tanging mga crew lang nila ang nandoon.

Nagpatuloy sila sa pagkain at inorder uli ni Ate Jho ang adobo ngunit hindi ito kagaya ng last time na kinain niya. Siguro nga ay special ito na ginawa nung may ari sa gabing iyon at para lang kay Ate Jho.

Sinabi kasi sakin ni Ate Jho ang nangyari na yon at naweiweirduhan siya sa nangyayari kaya sabi ko sa kanya na wag na lang niya masyadong isipin ang mga nangyayari at baka lang naman na solid fan si silang dalawa.

Pero sa totoo lang ay hindi yon ang nararamdaman ko. Everything's weird lately pero pinawalang bahala ko na lang at inenjoy ang bakasyon na ito kasama ang mahal ko na si Jema. Wala pa kaming me time kaya pagkatapos naming kumain ay maggagala muna kaming dalawa na walang epal.

Natapos ang kainan at nagpaalam uli kami sa isa't isa. At tumakbo naman kami ni Jema papalayo sa kanila at sumakay na sa sasakyan ko.

Naisipan naming pumunta ng falls para maglangoy. Inubos namin ang oras namin sa pagmamahalan na walang gumagambala kaya naging masaya kaming dalawa, dahil solo namin ang paligid. Walang istorbo at walang makikialam sa amin.

"I love you thank you for coming to my life" Deanna

"Anong nakain mo today? Hahaha I love you too dumbass" Jema

"Wala lang I want to say I love you to you. Is it bad?" Deanna

"Hindi naman, ang cute mo lang today hahahhaha." Jema

"Umm K?" Deanna nag-acting na nagtatampo hehehehe

"Deanns it's not gonna work okay? Let's grab coffee bago pumunta sa plaza please..." Jema with pouty and pacute face...

"How can I say no..?" Deanna

"I knew it will work on you hahaha come on love! Anong oras na oh?" Jema

I stood up from the kubo at nagbihis na, ayoko namang nag-iintay ang prinsesa ko. Inalalayan ko naman siya sa paglalakad papunta sa sasakyan namin.

Pumunta kami sa isang local coffee shop dito and ang sarap ng kape nila. Binilihan ko naman si Ate Jho at Jia dahil alam kong mahilig sila sa kape.

I texted them where they are and on the way na din daw sila sa plaza para manood. Malapit na mag-6pm at magsisimula na din ang palabas.

Unti unti naman na silang nagdadatingan at saktong magsisimula na ang palabas.

Opening remarks and all, nagsimula naman sa mga sayaw at mga kanta at huling kakanta ay isang batang babae na magpiapiano with matching interpretative dance. Tintigan ko siyang mabuti dahil mukhang siyang pamilyar sa akin.

"Good evening I'm Thea Delo Santos and this is an original composition of a friend that is dedicated to the love of her life." Thea

Niready na niya ang kanyang piano. At tumugtog, pamilyar din ang tono ng kanta.

[Araw't Gabi – Clara Benin]

Irreplaceable YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon