AA:7

8.6K 387 34
                                    

AMETHYST
ACADEMY

"

Kailan kaya sya magigising? Isang araw na syang tulog." Rinig kong sabi ng isang babae.

Hindi pamilyar ang kanyang boses. Actually ngayon ko lang narinig ang kanyang boses.

"Ano ka ba, wag kayong umingay. Baka magising sya." Ani ng isang pang babae.

Magkaiba sila ng boses noong unang nagsabi. Minulat ko ang mata ko nang paunti-unti. Nakita ko ang paligid ko kulay puti lahat ng nakikita ko. Nasa heaven na ba ako? Kinuha na ba ako ni lord? Hindi pa ako handa!

Ni hindi ko pa nakita ang totoong kong pamilya! Kukunin na ako ni lord?

"Ang sabi ko sa inyo! Huwag kayong maingay! Ayan tuloy nagising sya!" Sigaw ng babae sa iba nya pang kasama.

Tumingin sya sa akin. At sinabing. " Sorry, Hindi ko mapigilan ang pagsigaw ko." Ani nya at nag peace sign.

"Okay lang." Sabi ko at ngumiti sa kanya.

Napakanda nya. Kumukinang ang kulay blue nyang mata, ang haba pa ng kanyang pilik mata. Nakalugay ang kanyang mahabang wavy na buhok. Mayroon itong highlights na blue.

"Bakit ako nandito? Sa pagkatanda ko nasa arena ako? Ilan oras na akong nakatulog?" Sunod-sunod kong tanong sa kanila.

"Hindi lang oras kundi isang araw ka nang tulog. Nahimatay ka pagkatapos mong lumaban. And then Hendrix caught you when you suddenly fall. " Sabi nya pa ulit. Hendrix? As in Hendrix Cardale?

Bakit nya naman ako sasaluin?

"Eh bakit kayo ang nagbabantay sa akin?" Tanong ko ulit.

"Inutusan kami ni Headmaster. Kami daw ang babantay sa'yo habang hindi ka pa nagigising. Di bali excuse naman tayo." Ang daldal din ng babaeng to.

"Teka magpapakilala kami sa iyo. Ikaw ang mauuna Hendrix." Wika nya. Pagkatapos ng sandaling katahimikan.

"Anong ako? Ikaw muna!" Singhal nya. 

I hid my smile. Sumisigaw din pala itong si Hendrix.

"Napag-usapan na natin tu kanina diba!? Kaya nga nagising si Valerie dahil dyan!" Sabi nya Kay Hendrix.

"Tsk..tss."

Napabuntong hininga muna sya bago magsalita. Nag-aalinlangan pa kung nagsasalita na ba o hindi.

"Justin Hendrix Cardale." Cold nyang sabi. Tama din naman pala si Aubry ng sinabi ang sungit nya. Hindi lang masungit ang cold nya pa.

"Ako na! I'm Elvira Collins. You can call me 'Elle'. My power is Earth!" Tili nyang sabi.

Ayon pala ang pangalan nya kanina. Sya yung unang boses na narinig ko. Mukhang mabait sya. Pwede kaya kaming magkaibigan? Wag kang assumera.

"Ako naman si Lilith Dickson. Call me 'Lily'. I'm Water Elementalist." Wika nya.

"I'm Dexter Winchester. Air Elementalist." Sabi ng gwapong lalaki. Shit! Ba't ba ang gwapo nya?

Si lily nasa tabi ni Elle. Tapos sa tabi ni Elle si Hendrix. Sa tabi naman ni Lily sa kanan ay si Dexter.

Hanggang ngayon busangot pa din ang mukha ni Hendrix. Masungit pa din pero ang gwapo pa din.

Pinagnanasaan ko ba sya? Nang naalala Kong baka mind reader sila, mahigpit kong bin-lock ang isip ko sa kanila.

"I'm Valerie Breaux Tan." Pagpakilala ko din sa kanila.

"Anong powers mo?" Usisa ni Lily.

"I can control fire." I said simply at them. Medyo nagulat nga silang apat.

Mahilig silang magtanong-tanong na dalawa. Tapos ang daldal din. Maganda silang maging kasama ang gaan sa pakiramdam. But remember don't trust easily.

Bakit sila nagtanong? Hindi ba nila nakita pagleveling?

"Ba't mo natanong? Hindi mo ba nakita pagleveling?"Tanong ko sa kanya?

"Actually nakita namin. Hindi ko lang inaasan na totoo pala iyon. Akala ko ilusyon lang iyon." Hindi sya naniniwala ng nakita nya ang performance ko sa leveling.

Pinakita ko sa kanya ang apoy sa aking kamay at pinaikot-ikot ito.

"So totoo pala yun." Sabi ni Elle.

"Hmmm...yes. And i still don't know what's exactly my power is." Sabi ko sa kanya ng walang pag-aalinlangan.

Tumango-tango silang dalawa. Nagdesisyon silang bumili ng pagkain. Sinama nya si Dexter Kaya ngayon naiwan kaming dalawa ni Hendrix.

Umapila pa nga si Justin----ay este Hendrix pala. Sabi-sabi kasi na ka-close nya Lang ang tumatawag sa kanya ng Justin.

There was silence between us. Walang gustong magsalita sa pagitan namin. It was a awkward silence. Kaya inunahan ko na ang pagsalita. Baka hanggang sa makarating silang tatlo eh panis na ang laway namin.

"Bakit mo pala alam na mahihimatay ako?" Tanong ko sa kanya.

"Nakita kita na ang putla mo kaya mabilis akong lumapit sa pintuan ng arena. Busy ang lahat sa panunuod ng pagkamatay ng Campe, hindi nila napansin na mahihimatay ka na." Mahabang lintanya nya.

But it don't seems like that what he said. Parang may iba pang rason maliban ss sinabi nya. Or nag-aassume na naman ako?

Akala ko matipid sya magsalita, mahaba din naman pala. Ganoon na ba kahalaga ang pagkapanalo at nakita nila na namatay yung kalaban ko. Hindi na nila nakita na nahimatay ako? Nakita nga nila pero huli na.

"Ahh.. nagpatuloy ba ang leveling pagkatapos?" Yung nalang ang sinabi ko. Wala na akong iba pang masabi maliban doon.

"Oo." Ayan balik na naman sa normal.

"Sayang hindi ko nakita kung paano magperform ang crush ko." Malungkot ko sabi.

"Sino ba crush mo?" Iritado nyang sagot. Ba't ka iritado?

"Ikaw." I smiled wildly at him.

***

Vote and comment po kayo.😊
Dedicated to: Val
(Edited)


Amethyst Academy (Completed)Where stories live. Discover now