AA:32

4.7K 173 3
                                    

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na may nararamdaman kang kakaiba?" Tanong ulit ni kuya sa akin.

Pangtatlo na nyang tanong sa akin.

"May pinagkaka-abalahan kang iba kaya hindi ko na sinabi sa iyo at saka kaya ko na naman ang sarili ko. Malaki na kaya ako." Sinagot ko na. Hindi na ako makatiis sa pauli-ulit nyang tanong at halos paulit-ulit din ang sagot ko.

Pagkatapos akong higitin ni Justin kanina ay nawala yung anino. Malalaman ko na sana kung sino iyon pero may umepal.

Solusyon na sana naging bato pa. Mahuhuli ko na sana kung hindi lang dumating si Justin upang higitin ako.

"Kahit na!" Kita nyo na pinagtataasan na ako ng boses. Makasumbong nga kay mama sa sunod na linggo.

Hindi na muna kami uuwi sa weekend sa palasyo dahil sa nangyari. Kailangan muna naming tapusin ito at maisara na ang kaso kung sa korte tayo.

Lahat ay nagtutulong-tulong sa pagresulba ng pangyayari.

Hindi ko na pinansin sya. Nagtatampo na ako sa kanya. Bahala na sya sa buhay nya.

"Prince Darrius, Princess Elvira, Princess Lilith, Prince Hendrix, Prince Dexter at Miss Valerie. Pinatatawag kayo ni headmaster sa kanyang opisina." Sabi ng isang goblin.

Yes, goblin. They exist in this world. You know everything in your dreams when you a child about fantasies, you can see them here personally.

"Thank you, Dante." Iyang ang ngalan ng goblin.

Goblin ay isang alagad ng headmaster dito. Utusan ng headmaster iyan. Kahit anong utos ni headmaster walang palag ang mga iyan. Magsisilbi sya dito o mabulok sa kanilang lugar.

Kaya marami kang makikitang goblin na pagala-gala sa campus. Akala mo pagala-gala lang pero may mga gampanin yan dito.

Iyon iba tagabantay o tagahatid ng mensahi ng kung sino ang nag-utos.

Pinitik ni Dante ang kanyang kamay at unti-unti syang naglaho. Wow! Parang nakakita ako ng live scene ng Harry Potter.

"Tayo na at medyo malayo-layo pa tayo sa ating pag-iimbestiga. Baka may maitulong si headmaster dito. Baka naman may ibang sya impormasyong alam maliban sa ating nalalaman." Wika ni Dexter at umalis na.

Tumango lang sila at naglakad silang lahat  pero naiwan ako dito na mag-isa. Naiwan ako dahil sa malalim na pagmu-muni sa nangayri. Ang lalim ng akin iniisip.

Nagteleport nalang ako. Para walang hassle. Hindi ko na sila hihintayin at mauuna na ako pumasok. Kaktok na sana ako ng biglang bumukas ang pinto.

Ano to may face detector ang pintuan ni headmaster? O alam lang nyang narito na ako sa labas at papasok na kahit wala pa sila.

Paniguradong napapansing wala ako sa tabi nila. O hindi ako sumusunod sa kanila.

Nagteleport kasi ako. Isa iyan sa mga tinututukan kung malaman nitong mga nakaraang araw. I just tried it a while ago if my trainings were effective.

Mabuti naman ang resulta kaya kahit napaulit-ulit ko na itong gamitin ay mahahasa ko na ito at ma-master.

"Pasok ka. Wag kang mag-alala darating sila bago ako makapagsimula. Maupo ka muna habang naghihintay sa kanila." Sabi ni headmaster.

"Sige po, Headmaster." Sabi ko at naupo nq sa sofa.

Nakatayo sya sa isang window na dingding at makikita mo ang mga nangyayari sa labas. Sinabi nya iyon sa akin habang nakatingin sya sa labas.

Hindi man lang ako liningon. Umupo na ako at inikot ko ang aking mga mata sa paligid. Napakamagarbo ang mga kagamitan sa mga kabinet.

Real gold ang mga makikita mo dito. Pwede na itong ibenta. Malaki siguro ang halaga nito. Natawa nalang ako sa aking naisip.

"By the way. Kamusta si King Tyronne at Queen Calliope?" Tanong nya sa akin. Medyo nagulat pa ng ako.

"Alam kung anak kanila. Wag kang mag-alala."

"Mabuti naman po. Nasa maayos na kalagayan sila." Sagot ko sa kanya.

"Mabuti naman kung ganoon."

Si Headmaster Celso ay isang ring batchmate nila mommy at daddy noon. Naikwento nya ito sa akin. Magaling si Headmaster Celso sa pakikipaglaban ayon kay mommy. Naging crush nga nya ito pero si daddy ang nakatuluyan ni mommy.

"Sorry headmaster natagalan kami." Sabi ni Lily. Nagulat sya nang makita ako.

"Bakit nandito ka na eh, hindi ka namin nakasabay!" Sabay na sigaw ni Lily at Elle.

"Teleport." Simpleng sagot ko sa kanila.

Tumtulo ang kanilang pawis habang ako naman ay prenteng nakaupo sa sofa ni Headmaster.



Amethyst Academy (Completed)Where stories live. Discover now