AA:31

5.1K 172 0
                                    

"Anong nangyayari dito!?" Sigaw ni kuya nang makarating kami sa ingay na narinig namin kanina.

Nagkaroon ng daad agad patungo sa pinalilibutan ng mga Amethystians dahil sa sigaw ni kuya. Sumunod lang ako sa likod nya.

Makikita mo sa mukha nila ang takot, pangamba dahil sa nangyari. Iyong iba nga umiiyak dahil banta na daw ito.

Nang makarating ako sa pinangyarihan nagulat ako sa aking nakita. Makikita mo ang malawak na patay na mga ibon na nakaratay sa field. Ibon na itim o uwak. Lagpas sa bilang ng mga kamay mo ang bilang ng mga ibong namatay.

"Anong nangyari dito?" Sabi ulit ni kuya.

"Prince Darrius, nakita ko ang nangyari. Galing sa kagubatan ang mga ibon na iyan. Lumipad patungo dito sa field tapos biglang namatay lahat at nahulog sa lupa. Hindi ko alam ang aking gagawin dahil sa gulat kaya naman napasigaw nalang ako sa nangyari." Sabi ng babae.

So ganoon ang nangyari? Sino naman ang nagpasimuno nito? Anoba ang gusto nya at nang maibigay ko kung kaya ko naman. Di ganito ang kanyang ginagawa tinatakot nya ang mga tao.

"Maraming salamat sa pagsagot, Miss Alvis." Magalang na sabi ni kuya sa kanya.

Pantay-pantay ang pakikitungo nya sa lahat. Sya ay nakikisalamuha kahit magkaiba ang kanilang antas ng pamumuhay. Kahit isa syang prinsipe at makapangyarihan.

Hindi porke't nasa mataas na antas ka hindi mo tatratuhin ang iba na hindi mo ka lebel ng maayos. Dapat pantay-pantay. Pantay-pantay nga tayo sa paningin ng diyos.

Tumango lamang si Miss Alvis na iyon kay kuya at sumingkot. Hula ko ay kagagaling nya lang sa iyak. Umiuak siguro sa takot. Bakas naman kanina sa mukha nya habang nagsasalita tungkol sa nangyari ang takot nya. At sa kanyang pananalita. Pinipigilan nya lang siguro para maikwento ng maayos at maintindihan ni kuya ang nangyari--- namin.

Maya-maya dumating na din sina Justin, Lily at Elle. Nalaman na nila siguro ang nangyari. Mabilis kumalat ang balita. Alam mo naman na maraming chismosa na nakapalibot sa mundo.

Nakibalita din sila sa iba pang nakakita ng nangyari maliban sa babae kanina na tinanong ni kuya.

Parami ng parami ang tao dito sa field. Kahit siguro ang mga nag-eensayo at nagle-lesson ay pumunta dito upang makibalita.

Dumating si Headmaster. Nakarating na sa kanya ang balita tungkol sa nangyari. Rinigko kanina ay may inutos si kuya sa lalaki upang iparating kay Headmaster.

"Makinig kayong lahat!" Sigaw ni Headmaster.

Nahinto lahat ng mga bulongan nila. Hindi na maingay ang paligid at higit sa lahat hindi na kailangan ni headmaster na sumigaw para marinig ng lahat.

"Wag kayong mag-alala. Pero alam kong hindi naman maiiwasan iyon. Kaya kailangan ninyong patibayin ang inyong kalooban. Hindi natin alam kung anong dahil kung kaya't nangyari ito. Pina-iimbestigahan pa namin ito. Kaya huminahon kayong lahat. Kinakailangan namin ang inyong kooperasyon maging mapagmantyag kayo sa inyong paligid. Iyon lamang maari na kayong bumalik sa inyong mga gawain." Mahabang wika ni headmaster.

Umalis na ang iba at kumukunti na ang mga tao. Nagpaiwan kami dito kasama ang nga senoirs. Iniimbestigahan ang nangyari.

Naglibot-libot ako sa paligid. Marami nga ang malalaking puno dito. Baka sa mga iyan ang nagmamasid dito.

Oo kasi kanina ko pa nararamdaman ang kakaibang presensya sa paligid. Hindi ko lang masabi sa kanila kasi hindi naman ako sigurado sa aking nararamdaman. Baka mamaya guni-guni ko lamang iyon.

Sinundan ko ang mga patay na ibon. Pansin ko lang sa kanila ay walang dugo akong makita. Walang dugong makikita. Pero namatay ang ibon. Siguro ngang kinunkontrol ang mga ibon na ito.

Hindi naman pinatay. May spell sigurong binigkas ang kumuntrol nito. Nakarating ako sa gubat.

Ito ang gubat na sinasabi ng babae kanina. Ito kasi ang tinuturo nya. Habang papalapit ako may napansin ako gumalaw na isang anino. Nakita ko ito sa side view ko. Gumalaw pero ng tiningnan ko ito ay wala naman.

Pero alam ko talagang mayroon. Sinundan ko ito kung saan sya galing kanina. Baka sya ang dahilan ng pagkamatay ng mga ibon na ito.

Susundan ko na sana ang anino kasi gumalaw ito nang biglang may humatak sa akin. Lumingon ako at nakita ko si Justin.

"Anong ginagawa mo dito. Bawal pumasok sa gubat na ito kasi may mga mababangis na hayop dito at mga cursed animals. Mga halimaw. Samu't-saring kaguluhan ang nandito. Kaya bakit ka pumunta dito?" Sabi ni Justin sa akin.

"Sinundan ko ang anino." Simpleng sagot ko at kumalas na sa pagkakawak nya.




Amethyst Academy (Completed)Where stories live. Discover now