AA:39

3.5K 137 0
                                    

Bakasyon na!! Enjoy kayo sa bakasyon nyo!☺️ Anyways Enjoy reading!

***

After what he said, i think my life froze. I was caught off guard. Hindi ko nga alam kong ano ang nangyayari. Oo huminto ang oras pati sila. At kaming dalawa lang ang gumagalaw.

Ni hindi ko nga alam kung sino sya. At kung sino sya? Sino nga ba sya?

"Do you perhaps know me?" Tanong ng lalaki sa akin.

Abay malay ko ba kung sino sya? Sino ba'ng bigla nalang nagpakita? Baka sya si---

"Are you----you are Steve Garcia?" I asked shockingly. Napatakip ako ng aking bibig.

"Very well, Miss Valerie. Yes, I am." He replied.

Pagkatapos nyang sabihin yun ay bumalik na sa dati ang takbo ng oras. Pagbalik na oras nakagalaw na sila. Bumalik na dati pero hindi ko na makita si Steve Garcia.

Saan na naman yun nagpunta? Ang hirap pa naman hanapin kong saan sya nakatira.

"Anong nangyari?"tanong ni Kuya ng makalapit sya sa akin.

"Huminto ang oras ng ilang saglit. Tapos may naka-usap ako. Ewan ko ba kong si Steve Garcia iyon, o ano." Sabi ko sa kanya sabay kibit-balikat.

"What! Ba't di mo sinabi sa akin?" Medyo pagalit nyang sabi sa akin.

"Kasalanan ko ba kong huminto ang oras? At hindi ko kayo man lang maka-usap." Sagot ko sa kanya.

Aba't! Nagtanong sya tapos sinagot ko. Anong mali roon? Nagtanong sya sinagot ko, bakit sya nagagalit?

"Hindi." Simple nyang sagot sa akin.

"Tayo na maghanap na tayo sa kanya." Sabi nalang ni kuya.

"Eh, kuya anong gagawin natin dito?" Tanong ni Elle sa mga Ludacris na nakalagay sa sphere na ginawa ko.

"Padala nalang natin sa Acdemy. Upang maimbestigahan sila." Sabi ni Kuya.

Tumango nalang si Elle saka sinenyasan nya si Dexter na paliparin ang sphere.

Naramdaman kung papalakas ng papalakas ang hangin. Ginamit iyon ni Dexter para utusan na dalhin ang sphere sa Academy.

Walang malay ang mga Ludacris sa loob ng sphere. Hinaluan ko ng pampatulog ang hangin na kanilang nilalanghap kanina.

Unti-unti ng gumalaw ang sphere patungo sa direction ng Academy. Sinundan namin iyon ng tingin hanggang sa nawala na sa aming paningin.

"Tayo na. Malayo pa ang paglalakbay natin." Sabi ni Justin.

Tinahak na namin ang daan patungo sa kung saan man. Sa aming paglalakad makikita mo ang mga naglalakihang puno na nakapaligid sa gubat.  Mga ligaw na damo na kumakalat sa paligid. Ibon na lumilipad sa himpapawid. Mga bulakbulak na namumukadkad.

Hindi ko alam na ganito pala ka ganda ang gubat dito. Para itong isang paradise. Gusto ko tuloy tumira dito.

"Ito yung bahay kanina na sinasabi ko." Sabi ni Justin.

Napansin kong huminto na sila sa paglalakad. I scanned the whole place. There's an old house stand in middle of the forest. The house looks very old. If you look closely you can see a spider web on it.

"Baka ito na ang bahay ni Steve Garcia." Sabi ni Elle.

"Sana nga. Eh, ito lang naman ang bahay sa gitna ng gubat." Sabi ni Lily.

"Tama kayo. Ito nga ang bahay ko at ito lang ang bahay sa gubat na ito." Mababang tinig ang narinig namin sa pintuan ng bahay.

Hindi ko napansin--- namin napansin na may tao sa bahay na iyon. Or nandyan na sya kanina palang at busy kami sa pagtingin sa kanyang bahay.

We nodded at him. Sinabihan nya kami na pumasok sa kanyang bahay. We're so masunurin kaya sumunod kami.

Sya na ang hinahanap namin ba't pa namin pakakawalan, diba? At saka mahirap syang hanapin.

Kung makikita ninyo sa labas ng bahay nya na di ka aya-aya tingnan, sa loob naman nito napakagarbo ng mga kagamitan. Kaya nga 'don't judge the book by its cover' diba?

Sa labas ng bahay ay may mga bahay ng gagamba at sa loob naman nito napakalinis. Wala kang makikitang alikabok sa bahay nya.

Mapapamangha ka talaga sa bahay ni Steve Garcia. Akalain mo napakagarbo sa loob nito pero sa labas--- hayyy.

Hindi na ako magsasalita pa, baka kong ano pa masabi ko at baka hindi nya magustuhan ang masasabi ko kata huwag na.

Pero ang ipagkakataka ko lang ang mga pasa ko kanina lang ay nawawala na. Para bang inaalis na dahan-dahan sa aking katawan sa bawat pagtagal namin dito sa loob ng bahay nya.

Tiningnan ko ang iba kong mga kasama ganoon din ang nangayari sa kanila. Nawawala din ang kanilang pasa't sugat sa katawan.

"Magpahingan muna kayo. Alam kong napagod kayo sa inyong paglalakbay at sa paghahanap sa akin. Bukas na tayo mag-uusap. Doon kayo matulod sa kwarto." Sabi nya sa amin bago tumalikod at pumasok sa isang silid na may dalawang pinto.

Pumunta kami sa kwartong tinutukoy nya. At doon kami namalagi at nagmuni buong gabi.


Amethyst Academy (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz