AA:33

4.7K 172 2
                                    

"Mabuti at kompleto na kayo. Magsimula na tayo sa meeting natin." Ani ni headmaster Celso.

Tumango na kaming lahat bilang sang-ayon. Umupo na din sila sa sofa. Malaki ang sofa. Dalawang mahaba kung saan kami umuupo at isang single sofa na kung saan umuupo si Headmaster.

"Nakita niyo naman siguro na marami na ang nangyari sa ating academia. Maraming  magic user ang nakasaksi sa mga nangyari. Ang pangyayari tungkol sa nitong mga nakaraang araw ay masasabi nating banta sa kaligtasan natin. Masasabi kung mukhang hindi na ligtas dito sa academia.

"Unti-unti nang nagiging manipis ang barrier na nakapalibot sa academy. At baka dadating ang panahon na wala nang barrier na magpoprotekta sa academy. Tuluyan ng maging hindi safe dito sa academy.

"Maraming magic user ang madadamay kaya may ibibigay akong misyon sa inyong lahat. Hanapin nyo ang halaman na ito at ang lalaking ito." Mahabang lintanya ni headmaster Celso.

Nagkatinginan kaming lahat. Nasa tabi ko si kuya Darrius at pansin ko sa mukha nya ang pag-alala.

Malalim ang mga iniisip ng mga katabi ko. Wala na akong oras para basahin isa-isa ang laman ng kani-kanilang isip. Saka mag-iisip din ako. Kailangan namin magmadali para hanapin sya at ang halaman na tinutukoy ni Headmaster.

"Ahh! Headmaster sino po ang lalaki at ano ang pangalan nya?"tanong ni lily.

Mabuti naman at naitanong nya. Wala na akon lakas na itanong kasi mukhang hindi na lumalabas ang mga salita sa bibig ko. At kung hindi nya itatanong wala rin sigurong maglakas loob na magtanong sa kanya.

Nangangamba ako sa mga mangyayari sa kasalukuyan. Ang mga mangyayari sa mga user na hindi pa lubusang alam ang kanilang mga kapangyarihan. O hindi pa tuluyang nahasa ang kanilang mga kakayahan.

Ang mga bata pa ay madadamay sa gulo kung hindi maagapan. Marami ang madadamay kaya kailangan na naming dalian sa lalong madaling panahon.

"Si Steve Garcia isa syang malakas na wizard. At nag-iisa nalang sa kanilang angkan na nabubuhay. Ang angkan nila ang pinakamalakas noon sa buong lahi ng mga wizard. Ang Angkang Garcia. Nakatira sya sa dulo ng bayan ng Elvaria." Sagot ni HM.

Tango-tango ang natanggap ni Headmaster mula sa amin. Steve Garcia? Hindi pamilyar ang pangalan nya sa akin. At ngayon ko lang sya narinig.

Napapikit ako sa aking naiisip dahil malamang kakasabi lang ni Headmaster. At isa pa hindi naman ako nagbabasa masyado sa library. Isang beses lang siguro noong bago pa ako dito. At halos wala pa akong alam.

"Diba Headmaster nabanggit mo kanina na  may hahanapin kaming halaman? Ano yon?" Tanong ni Elle kay Headmaster.

Nakikinig lang kami sa kanila. Kahit si Justin na sya daw ang pinuno ay nakikinig lang wala nang maisabi pa. At isa pa nag-iisip sya siguro.

Ewan ko ba kung mahanap kaagad namin sya. Alam kong walang madali kailangan paghirapan mo para makamit mo. Kailangan namin mahanap kaagad iyong pinapahanap sa amin ni headmaster.

Baka kapag hindi kami madali mahuli pa ang lahat at tuluyan ng maging hindi ligtas dito sa academy.

Bukas aalis na sana kami at simulan na ang paglalakbay. Malayo din kasi sa lungsod ang bayan na kung saan nakatira si Mr. Garcia.

Actually sa bayan lang din namin iyon pero ang lawak kasi ng bayan ng Elvaria. Pwede din akong humingi sa palasyo ng pwede naming sasakyan papunta sa bahay ni Mr. Garcia.

"Ah! 'yun ba yun! Ang tawag sa halaman na iyon ay Eucalyptus plant. Hanggang beywang ang tangkad nito. Nagbubunga ito ng prutas. Tama na yang impormasyong iyan. Kayo na bahala maghanap ng tungkol doon." Aniya.

"Kailan kami aalis?"tanong ko.

"Bukas. Two in the morning. Exactly two! Dismissed!"Sabi nya amin.

Sabay-sabay naman kaming tumayo. Lumapit ako kay kuya upang sabihin na sa palasyo na muna kami uuwi ngayong gabi.

"Sa bahay tayo uuwi, kuya." Sabi ko sa kanya ng makalapit na ako sa kanya.

"Sige." Sabi nya.

Tinuro ko si Justin. Ibig sabihin ay kakausapin ko na muna sya. Sinundan ko sya sa labas ng office ni HM.

"Justin." Tawag ko sa kanya.

Tumalikod sya upang harapin ako.

"Sa palasyo muna ako uuwi." Sabi ko sa kanya.

Tumango lang sya bilang pagsagot. Sinabi ko lang sa kanya para may alam sya kong nasaan ako.

I wave my goodbye then go to kuya.

Amethyst Academy (Completed)Where stories live. Discover now