AA:20

5.9K 248 1
                                    


Hindi naging madali ang pagpunta namin sa bahay ni Martin. Kasi ang daming pasikot-sikot. Sa tingin ko nalibot na namin ang gubat dahil sa walang hanggang paikot-ikot namin.

Nagrereklamo na nga ang iba kung mga kasama na napapagod na sila. Pero iyong guide namin hindi sumusuko.

Patuloy lang sya sa pagtatahak ng daan. Hindi binibigyang pansin ang mga daing ng aming mga kasama. Para kaming nasa isang maze. At sa tingin ko nasa gitna ng gubat itong bahay nya.

"Pwede bang magpahinga na muna tayo? Napapagod na ako!" Sabi ni Elle sa pagitan ng mahahabang paghinga nya.

Wala namang awa ang mga guiders namin kasi patuloy lang sila sa paglalakad. Parang hindi nakakarinig ng boses. Bingi ba sila? Walang nagawa si Elle. Kung ayaw nyang maiwan lalakad sya.

Nakabuntot pa din kami sa kanila. Ang iingay nga nila Elle at Dexter. Dahil nagrereklamo na naman sila. Ramdam ko din na pagod na ako sa paglalakad.

"Pagod ka na? Pwede naman sabihan na muna natin si Lily na magpahinga muna saglit." Tanong ni Justin na puno ng pag-alala. Makikita mo sa mukha nya.

"Ahh..medyo pagod ng kunti. Pero okay lang. Kaya ko pa naman." Sabi ko at lumakad na.

Baka isipin nya na iniiwasan ko sya. Hindi naman. Sadyang ayaw ko lang huminto. Gusto kong makarating kami kaagad. At ng wala ng masayang na oras. Kaunting tiss nalang at mararating na namin ang bahay nya.

Pero habang kami ay nagpapatuloy sa paglalakad may napansin ako kung anong bagay na paparating galing sa likuran namin.

"Yuko!!" Sigaw ko sa kanila.

Mabuti nalang at yumuko silang lahat. May dumaan isang mahabang blade. Napakatalim nito. Kumukinang.

Kung hindi ko namalayan siguro uto kanina. Siguradong hati na ang mga katawan namin.

Nasa isang patibong kami. Paano naman kami makakaalis na buhay nito. May biglang lumabas na mga pana sa mga puno at nakatutok ito sa amin. Sino ba ang naglagay nito. Dadaan lang naman kami eh. Hindi naman namin ginugulo iyon gubat.

Ito na ba ang huli ko hininga? Sana'y wag naman.

"Protektahan nyu ang sarili nyo. May mga panang parating." Ani ko sa kanila.

After a couple of minutes, tumama ang mga pana sa ginawa namin barrier para sa sarili namin. Pinoprotektahan namin ang aming sarili.

Mukhang walang hanggan ang mga pana na ito. Sino ba ang nasa likod nito? Wala namang awa. Hindi ba sya naawa sa amin.

Maya-maya lang ay huminto na ang mga pana sa kakatira sa amin. Pero biglang may mga baging na pumupulupot sa katawan namin. At binibitin kami patiwarik.

Ang mga paa namin ay nasa taas tapos ang ulo namin ay malapit sa lupa.

"Shit!"

"Ohmygod!"

"Holyshit"

"Shit! Shit!"

Sari-saring mura namin. I use fire blaze to cut the vines. Hindi lang sa akin ang pinutol ko pati na din ang sa kanila.

"Sumunod kayo sa akin!" Sigaw ko sa kanila at tumakbo na.

Habang tumatakbo may mga baging na humaharang. Ginamit ko ang kapangyarihan kong alisin ito. Lumiko ako sa kaliwa ko sa may daan. Sumunod din sila sa aking.

Tinahak ko ang daan at lumiko ilit sa kanan. Doon ko nakita ang isang bahay. Dali-dali ako tumakbo papunta dito.

Si Elle ay nahagip ng baging kaya naman tumilapok ito. Ginamit ko ang special ability ko para palutangin sya. Para hindi sya masaktan.

Dinala ko sya kung saan ako naroon. Nakarating kaming lahat at halos lahat ay humahabol ng hininga. Mabuti nalang at nakaligtas kami.

"Mabuti naman at nakaligtas kayo sa aking pagsubok at nakarating kayo sa safe zone." Ani ng isang lalaki na kakarating lang.

Sa tingin ko ito lang nga ang safe zone. Napapaligiran ito ng malawak na lupa na walang tanim ang bahay. Hindi nga abot ang mga baging na iyon at kung ano-ano pa.

Mabuti nalang at nakarating kami sa safe na ito.

"Hayy.. salamat naman kung ganoon." Ani ni Elle.

"Oo nga." Segunda ni Lily.

Umupo sila ngayon sa troso na ginawang upuan. O tambayan nila.

"Pumasok kayo sa aking bahay." Sabi nya sa amin.

Tumabi sa akin sa paglalakad si Darrius.

"Mabuti't alam mo kung nasaan ito. At nakararing tayo. Tsaka salamat sa Diyos at ligtas ka." Ani nya.

Ngumiti lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

Nakapasok na ang lahat. Umuupo na nga ang iba sa sofa. Sa una tingin mo'y luma ang bahay pero pagpumasok ka magarbo ang mga gamit.

"Magpahinga na muna kayo. Alam kung nahirapan kayo sa paghahanap sa akin." Sabi nya at pumasok sa kusina.

Paano nya nalaman ang pakay namin dito sa kanya.

***

Hello guys!👋 Salamat sa pagbabasa. So kamusta po ang sulat ko ngayon?

Amethyst Academy (Completed)Where stories live. Discover now