AA:24

5.4K 225 1
                                    

"Bunso bakit mo pinaiyak si Lily?" Sabi ni kuya sa akin.

Eh kasi naman ayaw ko sa kanila. Hindi ko sila gusto maging kaibigan. Hindi naman sila pangit. Magaganda nga sila pero ayaw ko talaga.

"Ayaw ko sa kanya!" Sabi ko.

"Bakit naman ayaw mo?" Tanong nya.

"Basta ayaw ko sa kanya. Wag ka ng magtanong!"

Napabuntong hininga sya sa sinabi ko. Kung ayaw nya sa desisyon ko wag nya nalang ako kakausapin. Maglaro nalang ako ng mag-isa.

O di kaya'y magbasa nalang ng ibang libro. Marami pa naman doon sa library. Pwede din naman akong magpabili ng mga librong babasahin.

"Eh di, tayo nalang palagi ang maglalaro?"

"Oo." Simpleng sagot ko sa kanya.

"I guess wala na akong magagawa kong iyan ang gusto mo."

"Yes wala na ka na ngang magagawa." Ani ko at sinindot ko ang kanyang tagiliran.

Dahil alam kung may kiliti sya doon. Hinahabol nya ako.

"Tumakbo ka! Kapag nahuli talga kita! Kikilitiin talaga kita ng todong-todo!" Sigaw nya habang hinahabol nya ako.

"Habulin mo ako!!"

Tawang-tawa pa din ako. Pero bigla akong bumagsak.

"Bunso!"sigaw ng kuya ko.

Bago ko pa nalaman kung ano ang sasabihin nya lumipat sa ibang senario ang nasa isip ko.

Nasa isang alala na naman ako. Kung kanina isang memory ko with my brother. Ngayon naman ay parang nasa isang war ako.

Ang daming mga tao. Nagcecelebrate sila ng kaarawan. Lumapit pa ako ng kunti nasa labas kasi ako. Hindi ko maaninag kung kanino ang kaarawan.

"Happy birthday To you!! Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday to you!! Happy birthday princess Valerie!!" Kanta ng mga tao.

Dito sa palasyo nangyari ang kaarawan ko. Ito ang ika-apat na kaarawan ko.

Biglang umiba ang paligid kung kanina ay masaya ang mga tao na sumisigaw. Ngayon ang mga sigaw nila ang nangangailangan ng tulong.

Nilusob sila ng hari ng kadiliman. Si king Chester. Kasama nya ang kanyang mga alagad. Walang awa nilang pinatay ang mga tao sa palasyo.

Maraming buhay ang nasawi dahil sa kataksilan nya.

Umiba naman ang eksena. Nasa kung saan na ang Reyna. Hawak nya ang kanyang kamay sa bisig nya. Pinoprotektahan nya ito sa mga masasamang tao.

"Mahal na reyna! Umalis na po kayo! Iligtas nyo ang princesa!" Sabi ng isang babae.

"Sige! Hanapin mo si Darius siguraduhing hindi sya masasaktan!"sagot nya.

"Sige po mahal na reyna." Sabi nya at nagbow bilang paggalang sa utos ng reyna.

Nateleport ang reyna sa mundo ng mga tao. 

"Esmeralda. Aking kaibigan. Hiling ko sanay alagaan mo aking anak." Sabi nya sa babae.

Lumapit ako para tingnan ko si nanang ba iyon. Oo sya nga iyon.

Ganito pala ang nangyari bago ako napunta sa mga kamay ni nanang. Dito sa gubat kami unang nagkita ni nanang.

"Sige po. Mahal na reyna. Aalagaan ko po ng mabuti ang iyong anak." Sabi nya.

Biglang naglaho ang imahe. Lahat naglaho.
Pati na rin ang mga kung ano eksena nawala.

Napamulat ako matapos ang nga flashbacks na iyon. Kilala ko naman pala dati sina lily. I'm so cruel at her. Wala akong mukhang maipapakita sa kanya. Maybe i won't tell her that i remember her.

Bwesit na Chester iyon. Gagantihan ko talaga ng lalaking iyon. Papatayin ko sya sa aking nga kamay. Kailangan nyang mamatay hindi sya nararapat dito sa mundo.

Nang dahil sa kanya nagkawatak-watak ang pamilya namin. Nahiwalay ako sa kanila.

"Ma! Gising na si bunso!" Sigaw ni kuya ng makitang nakamulat na ang mga mata ko.

Tumalikod sya upang tawagin si mommy kaya naman pumikit ako. Magkokonwari akong hindi na gigising.

"Talaga! Naku salamat naman Lord!" Ani ni mommy.

"Bunso imulat mo na ang nga mata mo. Alam kong gising ka na..." Rinig kong sabi ni kuya.

Minulat ko na nga ng tuluyan ang mata ko. Dinamba agad ako ng yakap ni kuya. Sumunod naman si Mommy.

"Wala na bang masakit sa iyo? Bakit hindi ka nagsabi na sumasakit ang balikat mo?" Sunod-sunod na tanong ni mommy sa akin.

"Wala na po. Ok na po ako." Sabi ko sa kanya.

Yinakap nya ako ng mahigpit. Dumating na din si daddy kaya nag nagyakapan kaming magkapamilya.

Dumating na ang takdang panahon na magkasama na kaming lahat  kompletk na ang pamilya namin.

***

Hindi na masyadong busy. Charot lang.

Amethyst Academy (Completed)Where stories live. Discover now