AA:40

3.5K 149 8
                                    

Advance merry xmas sa inyong lahat! Hope you enjoy ky update today! Thank you!🤗

***

Pagkatapos naming mag-usap kanina ay nagteleport na kami sa patungo sa academy sa tulong ni Steve Garcia. Sya ang may kakayahang dalhin kami sa Academy in one snap.

Pagbalik namin sumalubong sa amin ang napakalapad na ngiti ni Headmaster Celso.

"Alam ko naman na magtatagumpay kayo sa inyong mission. Masaya ako sa inyo dahil sa inyong pagbalik kasama ang aking mahal na kaibigan. May hinanda ang munting regalo para sa inyong lahat. Antayin nyu nalang." Mahabang lintaya ni Headmaster.

Tumango kami sa kanya at nagpa-alam na kami sa kanya. Dahil sigurado naman na mag-uusap pa sila ni Steve Garcia at si Headmaster.

Pagdating namin sa bahay ay kanya-kanya naman nagpunta sila sa kanilang mga kwarto. Para tingnan kung ano ang regalong nag-aantay sa kanila.

Nilapitan ko si kuya. At tanungin kung ano na ang mangyayari sa karwaheng naiwan namin sa labas ng gubat, bago kami pumasok.

At ang kutsero ay bumalik na sa aming bayan sa tulong din ni Steve Garcia. Gumamit din sya ng teleportation na gawa din ni Steve.

"Sino daw ang kukuha ng karwahe?" Kababa lang kasi nya ng tawag galing kay Mommy at Daddy.

"Papakuha nalang daw ni Daddy sa mga tao nya." Sagot nya.

"Ah," sabi ko sabay tango sa kanya. "Ano pala ang regalong nakuha mo na sabi ni Headmaster?" Tanong ko.

"Hindi ko pa alam eh. Hindi pa kasi ako umaakyat. Gusto mo sabay na tayo magbubukas ng regalo ko?" Yaya nya sa akin.

"I'd love that." I said.

After that we both go upstairs and went to his room. He open the door and we went inside his room.

Pagpasok mo makikita mo ang isang napakalaking king size bed. Sa kilid ng king size bed ang isang lamp shade at maliit na cabinet na pinpatungan ng lamp.

Nilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto nya. Napakalaki ng kanyang kwarto. Halos kasing laki lang kami ng kwarto nya. Makikita mo sa paligid ang blue dominant color. Color ng bed nya blue pati wall nya blue na may halong white sa ibawbaw at ilalim.

Tapos ang sa ceiling naman nya ay parang nasa outer space ka. Napaka peaceful ng pagkakagawa. May isang pinto doon sa kilid tingin ko ay kanyang cr at walk in closet.

Sa ibabaw ng kama nya ay may nakapatong na isang box. Lumapit sya kaya naman sumunod ako sa kanya.

"Halika. Umupo ka sa kama at bubuksan na natin." Sabi nya sa akin at iginaya ako sa kanyang kama.

Sabay naming binuksan ang kanyang box. Pagbukas namin ang nakita ko ang isang basketball nanmay pirma ni Stephen Curry. At t-shirt ni Stephen Curry na may number sa likod na thirty at pirma na rin.

Idol nya talaga si Stephen Curry. Noong nakaraan kasi nakasuot sya ng Stephen Curry t-shirt.

Tapos may isang skateboard na kulay navy blue. Halatang-halata sa mukha nya na masaya sya sa nakuha nyang regalo. Lalo na't magpapasko ngayon.

Ano naman kaya ang makukuha kung regalo? Album kaya ni Sarah Geronimo? Na may pirma? O di naman kaya'y album din ng Ikon?

Di nyu alam na mahilig din ako sa kpop. Love na love ko kaya ang ikon. Napakagwapo ni Bi lalong lalo na si Jinhwan. Kahit maliit sya napakacharming naman. Nakakakilig.

"Masaya ka sa nakuha mong regalo?" Tanong ko sa kanya kahit na obvious naman.

Tiningnan nya ako. "Syempre naman. May pirma na kaya ako ng idol kung si Stephen Curry. Matagal ko din ninaig ito no!" Sabi nya sa akin.

"Sana all. Ano kaya ang gift na matatanggap ko? May alam ka?"

"Ewan ko. Wala din akong clue, eh. Hindi ko nga inexpect na ganito ang makukuha ko." Sabi nya.

Tumango-tango ako sa kanya. Kahit ano nalang tatanggapin ko din naman. Kahit ano. Tumayo sya kaya naman tumayo na din ako.

"Tara na! Tinggnan naman natin yung sa'yo!" Masiglang sani ni kuya at hinila na akl palabas na kwarto nya.

"Okay."

Hilang-hilang nya ako hanggang sa makarating ako sa kwarto ko. Hindi naman kalayuan ang kwarto namin.

Sya na mismo ang nagbukas nga kwarto ko. At hinila na ako papunta sa kamang may gift sa ibabaw.

Nakita ko ang isang violet na small box sa ibawbaw ng kama ko. Lumapit ako dito at binuksan ito. Nakita ko sa loob ang isang potion. What potion? As in potion? Na nakakalason?

"Potion?" Gulo kung tanong sa kanya.

Nakita ko ang isang sulat sa loob ng box. Siguro kasama nito ang potion kanina. Hindi ko kasi agad nakita.

Inumin mo ang potion na iyan. Hindi yan nakakalason. Iyan ang iyong regalo.

-Headmaster Celso

Amethyst Academy (Completed)Where stories live. Discover now