AA:26

5.4K 215 1
                                    

At sa wakas ay bakasyon na rin
Sama-sama tayong mabulok sa bahay natin🎶

Enjoy ang sembreak guys!

***

Jazz. Kahapon ko lang narinig ang salitang yan. At si Justin iyon. Alam nya na ako ang nawawalang princesa pero hindi nya sinabi sa akin. Alam nya lahat ang tungkol sa akin.

Hindi naman nya sinabi sa akin. Nagtatampo ako sa kanya. Alam kung may dahilan iyon. Pero tinago nya parin sa akin.

At sabi ni mommy hindi ngayon ang una naming pagkikita ni Justin. Ibig sabihin nagkita na kami dati pero bakit hindi ko maalala?

Ano bang nangyari sa mga araw na iyon? Wala akong naalalang nagkita kami o nagtagpo?

At saka bakit alam ni mommy na magkakilala kami dati o nagkikita. Eh halos si nanag lang at si tatay ang nakikita ko sa araw-araw eh. Except sa kanilanh dalawa mga kaklase kong mga mortal ang mga kasama ko.

Mga kaibigan kung mga plastic. Lalapit kung may kailangan kung wala edi wala.

Tatlong araw akong lumiban sa klase. Kasama ko si Darrius na hindi nakapasok. Sinabi na nila mommy iyon sa council.

Naalala ko noong mga nakaraang araw na nakasama ko si Darrius. Sila mommy, daddy sa kaarawan ko pero hindi ko maalala. At nakasaad sa libro na isang taon bago nawala ang princesa. Eh bakit kasama ko sila noong ika-apat kung karawan?

Naguguluhan na ako eh. Hindi ko alam kung ano na ang aking gagawin.

Ewan ko muna ito sa pinakasulok-sulokan parte na aking utak. Masasagot din ito sa tamang panahon. Wala kang mapapala sa pagmamadali. Baka ginto na naging bato pa.

"Ready ka na ba?" Tanong ni darrius nang makalapit sya sa akin.

Tinatanong nya ako kasi ngayon na ang balik namin sa school. Limang araw din ang bonding namin apat. Mula meyerkules hanggang linggo. Magkakasama kaming apat. Sinusulit namin ang lahat na oras.

Ang dami ko nading alam sa kanila. Katulad ko hindi rin gusto ni Darrius at Mommy ang cheese flavor food. Hindi din sya kumakain ng mga matatabang parte na baboy.

"Syempre naman. Miss ko na sila eh."sabi ko.

"Halika na. Sakay na tayo." Sumakay na kami sa karwahe. Umalis sila Mommy at Daddy. May aasikasuhin daw sila.

Pumayag nalang kami. Pupunta din naman kami sa paraalan. At saka pwede naman nilang gawin ang kanilang gusto hindi naman namin pinipigilan.

Lumipad na ang karwahe. May pegasus sa labas na sya ang nagdadala ng karwahe pa himpapawid. Dalawa sila.

Espesyal talaga kapag anak ka ng hari at reyna hindi ka na mahihirapan pa na makarating sa academy.

Hinilig ko ang ulo ko sa balikat ni kuya. Pinikit ko ang mata ko at hindi ko inakalang nakatulog na pala ako. Nagising ako nang nasa harapan na kami ng isang gintong gate. Bumukas iyon kaya napaayos ako ng upo.

Nandito na kami at mabuti nalang wala namang dark users na sumugod o humarang sa amin. Hindi ko naman naramdaman na huminto ang karwahe.

Bumaba na kami sa karwahe. Nakita ko sa hindi kalayuan sina Elle. Mukhang nakita na nya na dumating na kami kaya naman papunta na dito sa direksyon namin sila.

"Maayos ka na ba?" Tanong ni Lily sa akin ng makalapit na sila.

Tumango lang ako at niyakap sila. Miss ko sila. Limang araw lang naman kami hindi nagkikita.

"Good to hear that." Ani naman ni Elle.

"So sya lang babatiin ninyo? Mukhang wala lang ako dito sa paligid ah. Hello!" Sabi ni kuya sa likod ko. May pawave-wave pa syang nalalaman.

"Tsk."

"Oh! My bad kuya!" Sabi naman ni Elle. At nilagay ang kamay sa bibig nya.

Tiningnan ko si Justin. Tahimik lang sya. Tutal abala naman sila kay kuya sa pagtatanong. Nilapitan ko sya.

"Huy." Sabi ko sabat kalabit sa kanya.

"Bakit?"sagot nya sa akin. At tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Ok ka lang ba?" Tanong ko.

Eh kasi kanina pa sya tahimik. Malapit ng mapanis ang laway nang dalawa sya wala pang bawas.

"Oo naman. Bakit naman hindi. Eh nandito ka na."sagot nya sakin.

Wala akong maisagot sa kanya. Na speechless ako eh.

Amethyst Academy (Completed)Where stories live. Discover now