AA:42

3.3K 131 0
                                    

Napabalikwas ako sa pagtulog ng maalimpungatan ako. Pagbangon ko nakita ko ang pamilyar na kwarto. Nilibot ko ang paningin ko, nakita ako ang aking mga gamit sa mesa, sa dulong bahagi ng kwarto. Tama nga ako nandito ako sa aking kwarto.

"Bakit ako nandito? Ilang oras na akong natutulog?" tanong ko kay kuya. Dito sya sa gilid ko naka-upo.

"Magtatatlong araw ka ng tulog. Pagkatapos mong mahimatay tinawagan ko sila mommy. Tapos dinala ka nila dito."

Bakas sa mukha nya ang pag-aalala. Grabe naman tatlong araw akong tulog?

"Kamusta na ang pakiramdam mo? Sumasakit pa ba ang ulo mo?" sunod-dunod na tanong nya sa akin.

"Hindi na. Maayos na ang pakiramdam ko."

"Eh, ang potion na iyon? Ano ang laman nun pagkatapos mong imumin? Ano ang epekto nun?" Nag-aalalang tanong nya sa akin.

"Hindi naman masama ang epekto ng potion na yun. Nasa loob nun ang mga alalang nabura sa isipan ko. Mga childhood memories ko. Mabuti ka palang kuya, kuya Darrius. 'Tsaka na alala ko na rin sina Elle, LIly, Dexter at Justin. Akalain mo magkaibigan at magkakilala na kami dati." pagkukwento ko sa kanya.

"Mabuti naman at naalala mo na yun. Siguradong matutuwa sila kapag naaalala mo na sila."

"Hmm..."

I'm sure matutuwa sila na naalala ko na sila at siguradong nag-alala na din sila sa akin. Tatlong araw ba naman di kami nagkita. Miss ko na sila.

Miss ko na ang malalakas na tawa ni Elle, ang kakulitan ni lily, ang nakabusangot na mukha ni Dexter sa umaga at syempre ang mukha ni Justin.

Hindi ko alam kung kailan ko yun naramdaman. Basta ang alam ko napakaseloso ni nya. Naalala nyu yung nagselos sya sa kuya ko. Hindi maipinta anng mukha nya. Magkalaban ang kanyang mga kilay. Wala kang mapapalang expression sa kanyang mukha.

"Darrius gising na ba ang kapatid mo?"rinig kong sabi ni sa labas ng pintuan.

Dali-dali akong nagtalukbong ng kumot at sinenyasan si kuya na tumahimik na lang muna. Ewan ko ba kung alam nya ang plano ko. Nagkunwaring tulog ako at narinig ko na ang pagpasok nila mommy at daddy sa kwarto.

"Nakatulog ulit, mom." galing umakting ng kuya ko.

Nakuha nya ang gusto kong iparating na balita sa kanya kanina. Naramdaman kung umupo si mommy sa gilid ng kama ko. Malapit sya sa kamay ko kaya naman dahan-dahan ko nilakbay ang kamay ko papunta sa beywang nya at niyakap ng mahigpit.

"oh, akala ko ba nakatulog ka ulit?" sabi nya at niyakap din ako na mahigpit.

"Joke lang yun."sabi ko.

Umakyat din si kuya sa kama ko at nakisali din sa amin ni mommy. Sumali din si daddy sa amin.

Ganito pala ang pakiramdan na mahal na mahal ka ng iyong mga magulang. yung tipong hindi magiging masaya ang kanilang mga araw kung hindi makayap kami o makahalik sa kanila.

With this kind of family, I feel love. I feel everything's gonna be okay if we have each other. There's no one who can split us in this kind of love.

Mga yakap na gustong kong maranasan noon sa isang pamilya---tunay na pamilya ay napunan na ngayon. Hindi naman sa hindi ko naramdaman na pamilya ko sila nanang at tatay pero iba ang yakap ng totoong magulang.

I wonder kung nasaan na si Nanang ngayon. Hindi ko na sya nakita pang muli mula noong nakaraan.

"Pwede ko ba kayong maistorbo?" sabi ng babae sa bulwagan ng pinto.

Tumingin ako doon at nakita ang pamilyar na mukha ng isang babaeng nagpalaki sa akin.

"Nanaaanng!!" I shout from the top of my lungs.

"Etong batang to, hindi pa din nagbago. Kung makasigaw ang layo-layo ko." Pailing-iling na sabi ni nanang Esme.

I chuckled after she said that. Tumawa nalang din sila mommy.

"Pumunta ako dito upang tingnan ang pakiramdam mo. Mukhang ok na naman ang lagay mo. Wala naman nangyari masama sa iyo." sabi nya.

"San ka ba galing?"tanong ko sa kanya.

"Exploring the world. Doon sa baba ang pasalubong ko sa iyo." sabi nya sa akin.

"Bumaba na tayo at mag-almusal." sabi ni mommy.

Bumangon na ako at inalalayan naman ako ni Kuya pababa. Pagdating sa kusina, yinakap ko si nanang ng mahigpit.

"I miss you." I said to her.

"I miss you too." She replied.

"Can you stay here?" I asked her while hugging her.

"I can't. But dadating din ang panahon na yan. Sa ngayon hindi muna."sabi nya.

Alam ko naman na hindi sya papayag. Nagbabasakali lang naman ako. I understand her. Maybe there's time for us to stay together not apart.

Tumango lang ako sa kanya at umupo na sa tabi ni mommy. Kumain kami at nag-uusap sila paminsan- minsan.

Were finally complete.

Amethyst Academy (Completed)Where stories live. Discover now