AA:29

4.9K 175 0
                                    

"May kailangan kayong sabihin sa amin." Sulpot ni Lily sa kusina. Siguro nakita nya ang dahilan kong bakit kumalabog ang pinto. Ang lakas kasi ng pagkakasara ng pinto.

Nakita nya kaming magkayakapan ni Darrius. Bigla akong humiwalay at itinaas ang kamay na parang nagsusurrender.

Lumapit ako kay kuya at bumulong.

"Ikaw na magpaliwanag sa kanila." Sabi ko at nagmamakaawa sa kanya. Ayaw kong magsayang ng laway.

Sya ang nakatatanda kaya sya ang mas may malalim na pagkakaunawa.

"Jeezz.. Magkapatid kami saka bonding lang namin iyong nakita ninyo." Sa isang sentence na sinabi ni kuya nagkagulo na sila.

Tanong dito, tanong doon. Iniling-iling ko nalang ang ulo ako sa kanila. Seriously wala sila kaideya-ideya sa mga nangyari?

Hindi ba nila alam ang dahilan ng paglipat ni Darrius dito. Mga bulag naman neto.

Bakas sa mukha nila ang pagtataka sa sinabi ni kuya. Siguro nasa isip nila na paano nangyari iyon. Eh, halos magkasama lang naman kami araw-araw.

"Eh! Paano nangyari iyon?" Tanong ni Lily.

"Oo nga!" Segunda ni Elle.

Napabuntong hininga si kuya sa kanilang mga tanong. Kita nyo na. Sa pangitain ko lang iyon pero iyon ang lumabas sa kanilang nga labi.

"Nalaman ko noon nang sumakay kami sa pegasus. Diba para sa Light Magic user kulay ang violet at sa kanya lumapit iyon. Iyon ang unang hinala ko. Tapos may tattoo sya sa bandang kanan nyang balikat na simbolo ng isang pagiging royalty o isa kang anak ng hari at reyna.

"Nang makita ko iyon. Pumasok sa isipan ko na sya ang kapatid kong nawawala. Aming pamilya lang naman ang may nawawala diba? Kaya hindi na ako nakapag-isip na baka hindi ko ito kapatid kasi kami lang naman ang nawalan.

"Tapos niyaya ko sya na pumunta sa palasyo. At alam na nila Mommy at Daddy na sya ang kapatid. Napanaginipan ni Mommy kasi na nakabalik na ang aking kapatid at paparating na ito. Nagbonding kaming apat, sinusulit namin ang mga araw na magkasama kami sa iisang bahay. End of the story. And i thank you." Mahabang lintanya ni kuya. Nagbow pa sya. Pa-acting ng isang makata pagkatapos magsalita.

Mukhang gumingawa naman ang mukha nila sa kanilang narinig. Salamat naman at mukhang naiintindihan na nila kung bakit ganoon kami maka react na dalawa ni Darrius.

Napatango-tango lang sila sa kwento no kuya. Ako naman ay napahalukipkip dito sa sofa. Matutulog na sana ako sa kwento ni kuya eh. Pero biglang nagsalita si Dexter.

"Ganda naman ng kwento mo kuys!" Sabi ni dexter sabay apir kay kuya.

"Syempre! Ang galing kung magstory tell eh!" Pagmamayabang ni kuya kay dexter.

"Ang lakas hangin dito, oh! Ramdam nyo din?" Tanong ko kina Elle at Lilly. Tumingin ako kay kuya.

Sinindot-sindot nya ang tagiliran ko. Walang habas talaga makakiliti ang isang tu.

"Oo nga! Biglang nanayuan ang balahibo ko!" Sabi ni Elle. Hinihimas-himas pa nya ang balahibo nya sa kamay nya.

"Kayong dalawa magsitigil na nga kayo sa pagbubully sa akin! Wala ng kumakampi sa akin." Sabi ni kuya.

Nek-nek mo!

"Nagtatampo ka na?" Sabi ko at hinarap ko sya.

"Hindi na po." Aninya.

"Woah! Under ka pala 'tol ng kapatid mo!"sabi ni Dexter.

Ngiti lang saka tango ang sinagot ni kuya kay dexter.

Sana nagtuloy-tuloy na ganito kang ang nangyayari. Walang lungkot na nadarama puro kasiyahan lang. Walang problema.

Nagsitawanan na kami dito sala dahil sa mga pang-aasar nila kay kuya. Niyakap ko nalang para hindi nagtampo ng matagal.

Anger- reliever ako ni kuya. Kaya bawas ang tampo nya.

Nahinto ang kasiyahan ng pumasok si Justin sa sala. Sinunod nila ng tingin hanggang sa maka-akyat na papunta sa kanyang kwarto sa second floor.

Ni hindi man lang tumingin sa gawi namin. Hindi man lang kami binati.

"Anyare dun?" Tanong ni Dexter.

Kibit- balikat lang ang sinagot namin sa kanya.

Tumayo na ako.

"Kausapin ko kung bakit sya nagkakaganyan." Sabi ko.

"Baka selos lang yun." Sabi ni lily sabay tawa. Sumabay din sa kanya ng pagtawa ang dalawa.

"Baka nga!" Segunda ni Elle. Na sinundan naman ni Dexter at ni kuya.

Napailing-iling nalang ako at umakyat na patungo sa ikalawang palapag.

Amethyst Academy (Completed)Where stories live. Discover now