AA:43

3.4K 115 1
                                    

"I miss you!" Salubong ni Elle at Lily sa akin.

"Miss you too!"

Nakabalik na kami dito sa academy. Nag-aalala pa din sila Mommy at Daddy sa akin. Pinilit ko lang nga sila na bumalik na ako sa skwela dahil magkukulong lang ako doon sa palasyo.

Hindi naman ako masyadong kilala sa aming bayan. Hindi pa ako napakilala dahil sabi ni Daddy sa ikalabing walong taon na. Naiintindihan ko naman dahil may panganib na dadating sa oras na malaman na buong bayan na nakabalik na ang nawawalang prinsesa.

At saka wala akong kaibigan na makasama sa bayan. Ang mayodorma lang naman at maid ang pwede kong kausapin sa bahay.

Pagkatapos naman namin magbatian pinatawag na naman kami ni HM. Ano ba naman to! Kababalik ko lang tapos pinapatawag na kaagad kami?

Wala na din naman kaming magagawa kundi sumunod sa goblin na kaliwang kamay ni Headmaster.

Ano na naman ang ipapagawa nya sa amin? Mission na naman? Masyadong mapanganib ba ang misyon?

Napabuntong-hininga nalang ako at umiling-iling sa mga inisip.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa office ni HM. Binuksan na lang namin ang kanyang pinto at hindi na kumatok-katok pa.

Siguro naman alam na ni Headmaster na paparating kami.

"Please sit down. I have something to discuss with all of you." Sabi nya sa amin.

Dumiretso na kami sa sofa na magkakasya sa aming lahat. Wala naman tatayo amin no. Baka kasi matagalan pa ito, manginginig na sa pangangalay kami.

Pagka-upo namin umupo na din si Headmaster. Na curious ako sa aming pag-uusapan tuloy.

"Okay. As i said, i have something to tell you. I'm sorry but you'll have an another mission again-" Lily groaned after she heard what HM said. "Let me finish first. As i was saying you'll have a mission but this mission is connected to you. All of you!"sabi ni Headmaster sa amin.

Ano na namang misyon to? At saka tungkol sa amin? Konektado sa amin ito! Like what the hell!

And this means, if this mission is connected to us the it would be dangerous. Juice colored! Kailan ba ako magiging malayo sa pintuan ng panganib?

"What mission is this?" Nagugulan na tanong ni Justin.

Mukhang wala ding ka idea-idea itong nasa tabi ko, ah. At oo, nasa tabi ko sya.

"You'll find the stones of each elements or the elements you have." Sabi ni Hm.

Hindi mawala sa isipan ko ang sinasabi ni Headmaster. Wala kaming kaideya-ideya sa mga stones na sinasabi ni Hm. Wala man lang ni isa sa amin ang naka-alam na may stones ang bawat elemento.

At kong paano nakakonektado ito sa amin? Paano namin magagamit ang stones na yun? Dahil basi sa mga sinasabi ni Headmaster mukhang importante ang bato na ito.

"Mukhang lalim ng iniisip natin, ah" Napabalik ako sa realidad mula sa malalim na iniisip dahil sa biglaang pagsulpot ni kuya sa likuran ko.

Teka! Bakit ba nandito ang lalaki ito wala ba itong klase? At balita ko napakaraming gawain ngayon ng mga senoirs.

"Wala. At bakit ka ba nandito." Nakakunot noo kung sabi sa kanya.

"Wala lang din. Bakit hindi ba pwedeng makita kita muna bago ako pumasok? Miss ko na kasi ang kapatid ko." Sabi nya sabay pisil ng magkabila kong mukha.

"Wow! Miss mo na ako? Ilang oras lang tayong hindi nagkita ah." Sabi ko sa kanya.

"Bakit? Ilang taon kaya tayong nagkahiwalay?" Natahimik ako doon sa sinabi nya.

Wala din kasi akong maisagot sa kanya. Hindi ko naman ginusto na mangyari sa amin yun, ah.

"Hindi ko naman gusto yun, ah. Tanungin ko kaya sina kommy oung bakit yun ang kanilang disesyonml." Balik ko sagot sa kabya.

Malapit na pikon na pikon na ako sa kanya. Grabe naman makasumbat to?

"Joke lang! Lil sis. Di ka naman ma biro. Gusto ko lang namang pagaanin ang loob mo." Sabi nya saka hinalikan ako sa magkabilang pisnge.

Mabuti nalang sa wala masyadong tao ako umupo. Kung sa maraming tao ako umupo dito sa bench sa tapat soccer field. Siguro ngayon laman na ako ng tsismis.

Nag-iisang anak ng Hari at Reyna na sina Tyronne at Calliope ay may kasamang babae na hindi nila alam kilung nasaang pamilya galing. Tapos hinalikan nya pa.

Tumatayo balahibo ko sa kanila. Sasabihin nila na malandi ako at hindi alam kung saan lulugar. Sasabihan nila ako ng masasamang salita? Tse! Kung yun naman pala ang kapalit wag na!

Unalis din naman sya dahik may klase pa sya daw. Umalis na ako sa bench at pumasok na sa library to do some research.

Hindi na muna ako papasok sa klase ni Mr. Chua. Isa sya sa mga guro ko sa may minor subject. Mga kaklase ko dito ay hindi lamang sina Elle, Lily, Justin at Dexter kundi pati na din ang ilang mga estudyante na mula sa iba't-ibang angkan.

I enter the library and search some book that related to the stones something like that.

Hinalughog ko ang book shelves hanggang sa makita ako ng isang interesadong libro na kumuha talaga ng atenayon ko.

***

Maraming salamat sa pagbabasa ng libro na ito. Thank you for being part of my 2019. I'm looking forward for you to still continue reading my books and for the next year, 2020. Thank for being part of my journey in this story. If your all reading this, thank you!

Advance happy new year everyone!💕

Amethyst Academy (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora