AA:23

5.5K 231 5
                                    

Anak? Nabigla ako nang banggitin nya ang salita iyan. Hindi ko inaasahan na sasabihin nya iyon. Out of nowhere ang pagsalita nya kaya naman nabigla tuloy ako.

Nakanganga akong napaupo sa mesa. Nasa tabi ko si Darrius may 'kuya' at sa harap ko naman si Queen Calliope. Sa gilid ni Queen Calliope ay si King Travis.

Nasa hapag kainan kami ngayon. Kakain na ng hapunan. Mag-ala siete na ng gabi. Nakita ko sa malaking orasan dito.

"Kumain ka na, My Little Princess. Don't worry too much about what i said a minute ago." Sabi ng hari.

Or supposed to be my father right? What should i call to him? Hmmm... Maybe i should call him Daddy? Papa? Grrr.. wala akong idea kung ano talaga ang itatawag ko sa kanya.

Sa tingin ko lalabas na ang utak ko ngayon sa kakaisip ng kung anong itatawag. O alam ba nila na anak nila ako?

"Okay." Sabi ko nalang at ginalaw na ang pagkain na nakahain sa mesa.

Pero mukhang wala akong ganang kumain. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil mga rebelasyon kanina lamang.

Kumain na sila. At ng kukwentuhan.

"Kamusta ka na? Maayos ka namang nababatayan ni Esme kagaya ng kanyang ipinangako. Kaya natitiyak ko na maayos ang paglaki mo. Nalungkot nga lang kami ng namatay ang kanyang katuwang sa buhay." Ani ng hari.

"Maayos naman po ako, King Travis. Lumaki naman ako ng tama at masayahin kahit hindi ako lumaki nasa piling na mga totoo kong magulang." Sagot ko sa kanya. At huminto na sa pagkain.

"O! Drop that King Travis. I'm your father. We are family. Drop that formality of yours. Call me daddy or papa or whatever your prefer to."

"Cge po... Dad-dy." Sabi ko na nauutal pa. Hindi pa kasi ako kumportable o sanay. Pero masasanayan ko rin ito.

"Ayan tama nga! Ang sarap pakinggan na may tumatawag sayong daddy." Ani ni Daddy.

"Sya lang ang tatawagin mong ganyan? Nagtatampo ako." Sabi ni Queen Calliope. Halata sa boses nya na natatampo nga sya.

"Oo nga!" Segunda din ni Darrius.

"Hindi naman po. Mommy? Mommy." Sabi ko sa kanya at lumapit na sa kabila. At linambing si Mommy.

"Si Mommy lang ang yayakapin mo? Paano naman si Daddy?"

Kinalas ko na ang yakap nya at lumipat sa kanya. Yinakap ko sya ng mahigpit gaya ng yakap ko kay mommy.

Pagkatapos bumalik na ako sa upuan ko. Nakaramdam ako nga sakit sa likurang bahagi ng balikat ko. Sa kung saan ang birthmark ko. Pero binalewala ko lang ito. Kasi hindi naman masyadong masakit.

"Kuya? Wag ka ng magtampo. Love kaya kita? Diba? Bunso love kuya!" Ani ko sa kanya. Lumapit ako ng bahagya sa kanya at linapit ang mukha ko sa pisnge nya.

Nagsasalubong padin ang kilay nga kaya naman ay hinalikan ko nalang ang pisnge nya. Ng tatlong beses hanggang sa pinansin na nya ako.

"Ok na! Ok na! Mukhang nasasakal na ako sa yakap mo. Ang higpit masyado.  Hindi na ako nagtatampo sa iyo!" Sabi nya na ikinangiti ko naman.

Mababait naman silang lahat sa akin. I guess i have now a complete family. I'll treasure it most. Especially my loves.

Mukhang naganahan na akong kumain kaya medyo madami-dami ang nakain ko. Pumunta na kami sa living room.

Manonood nagkwentuhan ng kaunti.

"Bago ka inalagaan ni Esme, mga ilang taon ka na mag-apat na taong gulang ka ng mapunta ka sa kanya. Kung hindi lang pumunta si Chester noon dito hindi ka sana nahiwalay sa amin." Ani nya.

"Pero mabuti nalang din na napunta ka sa kanya. Hindi ka mapapahamak dito. At dumating na nga ang panahon na magkita muli kita. At makompleto na ang ating pamilya." Pagpapatuloy nya.

Habang kinukwento nya iyon sumasakit na naman ang balikat ko. Pero mas lumala lang nga lang ng kunti kasya sa kanina.

"Daddy, bakit wala akong maalala na magkasama tayo noon?" Tanong ko sa kanya.

Umakyat si mommy kasi may kinuha sa taas. Gusto ko ngang samahan kaso nagpumilit na huwag na.

"Binura ko ang alala mo. Para na rin naman sa iyo iyon. At para hindi na mahirapan si Esme sa pag-alaga sa iyo. Dati kasi wala kang ibang nilalapitan o nilalaro man. Ako at si mommy mo lang pinupuntahan mo. Si Kuya mo Darrius lang ang nilalaro mo wala ng iba." Sabi nya. Pinapabalik ang alala ko noong una.

Tuwang-tuwa sya habang kinukwento ang mga iyon. Iniinda ko pa din ang sakit sa balikat ko.

"Ganoon po ba!" Sabay tawa-tawa ko.

He chuckled. While Darrius is busy listening to our conversation.

"A-aar-r-a-y!" Sabi ko. Hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko.

And everything went black.

***

Welcome back! Happy 250+ reads sa atin. Sana patuloy nyong suportahan ito.

Amethyst Academy (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant