Chapter 1

14.3K 424 128
                                    

Chapter 1

Tamad kong pinulot sa tabi ko ang cellphone. Kakatapos lang kasi ng duty namin sa emergency room. Nakakapagod talaga kapag sa ER ka pa na-assign.

Naparoll eyes ako nang makita ko kung sino ang tumatawag sa akin. Ang magaling kong pinsan! Alam ko na agad na may iuutos lang siya sa akin.

"Hello? Nasaan ka?" Bungad niya sa akin.

"Hello? Baka nasa hospital?" Tamad na sagot ko sakaniya. Bahagya siyang natawa nang marinig naiirita kong boses sakaniya.

"Bili mo nga ako ng chicken fillet sa McDo, dalawang extra rice rin!"

"Wow. Makautos wagas! Bakit hindi nalang ikaw?"

"Bilis na! Ang dami ko pang binabasa na libro," pabebeng wika niya sa akin "tiyaka kakatapos lang ng duty ko, nagbabasa pa ako." dagdag pa niya.

"Alam mo! Ikaw!" Singhal ko sakaniya hindi ko nalang tinuloy "Bayaran mo nalang ito ng doble!" Inis na wika ko sakaniya bago ko binabaan sa tawag niya.

Pumasok sa headquarter si Gail habang minamasahe ang batok niya. Si Gail ang naging best friend ko simula nung first year, siya ang kasama ko sa hirap na dinadanas naming mga nursing.

"Hayyy. Nakakapagod!" Tiyaka siya pasalampak na umupo sa tabi ko. "Uwi ka na?"

"Hindi pa. Pagdadala ko pa ng pagkain si kuya Nathan," ngumuso siya tiyaka tumango sa akin "Ikaw ba?"

"Hintayin ko lang matapos duty ni kuya tapos susunduin na niya ako." tumango ako sa sinabi niya.

May kapatid kasi siya pero magkahiwalay sila ng university na pinapasukan. Sa University of Baguio kami samantalang sa Saint Louis University ang kuya niya, same with kuya Nathan.

"Sige mauna na muna ako huh?" Pagpapaalam ko sakaniya pero agad din siyang tumayo.

"Punta rin ako sa McDo. Ginugutom na ako," nakangusong wika niya sa akin. Napatawa ako dahil sa sinabi niya.

Mabuti nalang at malapit lang ang Notre Dame Hospital sa Mcdo at sa SLU hospital. Nag-order na kami ni Gail, dinagdagan ko na rin ang order ni kuya dahil panigurado gutom talaga iyon.

"Nagtext na si kuya, kakatapos lang ng duty niya. Una na ako huh?" Paalam niya sa akin. Tumango ako sakaniya tiyaka kumaway.

Kinuha ko na rin ang order ko. Nagmamadaling makapunta sa SLU hospital, gusto ko na rin kasing makauwi para makapagpahinga.

Hindi ko rin alam kung bakit simula nung bata pa ako, pinangarap ko ng maging isang Doctor. It runs on our blood siguro rin. Halos nasa medicine field ang mga kamag-anak namin. Si papa ang nahiwalay sakanila, he choose business field. Maayos nung una ang business namin hanggang sa nalugi.

Kaya ngayon, simple lang ang trabaho ni papa sa isang kumpanya, assistant manager. Sumasakto nga lang sa amin ang sahod niya. Si tito na ang nagpapag-aral sa akin para maging doctor; mga magulang ni kuya Nathan. Pareho rin kasi silang doctor. Kahit na pumasa ako sa entrance exam ng SLU, mas pinili ko sa UB dahil masyadong maraming gagastusin kapag sa SLU pa.

Maganda ang credentials ng SLU lalo na sa medicine. Top three pa nga sa top performing universities in medicine sa buong Pilipinas. Kaso nga lang, nakakahiya kina tito lalo na at nasa field din ng medicine si kuya Nathan.

Habang papunta ako ay nagring ang cellphone ko kaya sinagot ko ito.

"Papunta na ako. Chill lang!" Inis na wika ko kay kuya Nathan.

"Patapos na duty ng crush mo! Papunta na siya sa headquarter namin kaya bilisan mo," namilog ang mata ko sa sinabi niya kaya kaagad kong binilisan ang paglalakad ko.

Cry In A Cold City [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now