Chapter 22

6.2K 215 94
                                    

Chapter 22

Natigilan ako bigla sa sinabi ni Gail. Para ulit akong sinampal nang reyalidad. Oo nga pala, siya nga pala yung gusto. Siya nga pala yung nililigawan. 

"Hey girl? Ayos ka lang?" She snap her finger in front of me. Agaran akong tumango sa kaniya. 

"Ah oo. Oo," natatarantang sagot ko kaya kumunot ang noo niya "So anong balak? After finals talaga?" I asked. 

"Yup!!" Excited na sabi niya. Akala ko may gusto siya sa dun sa Engineer na basketball player? "But I don't know how to surprise him." Malungkot na saad niya sa akin. 

"Do you want to make it public?" I carefully asked. 

"No. Too much attention," agaran na sagot niya. "Where can I surprise him?" Nag-iisip na tanong niya sa akin. 

Napaisip na rin tuloy ako kung saan niya pwedeng surpresahin. Hindi naman pwede sa bahay kaagad nina Jonas. 

Tumunog ang cellphone ko dahil nagnotif ang message sa messenger ni kuya Nathan. 

Nathan Cariño: Hey, pa text si ate Nath na mag taxi na lang siya. Nasa Bakakeng pa ako, wala na ako load. 

Bakakeng? Nandun ulit siya sa girlfriend niya. 

Wait! Bakakeng? Yung condo na pinagdalhan sa akin noon ni Jonas! Yung condo ni Joaquin! Pwede naman siguro iyon? Kung pwede namin kausapin si Joaquin? 

"Wait! Pwede sa condo ni Joaquin. Sa bakakeng! Yung condo na malapit sa SAMCIS!" I sounded like an excited kid. Kahit na hindi naman talaga ako excited, na excite lang siguro ako dahil naalala ko na may condo pala roon ang pinsan niya. 

"Oh? How did you know?" Nagtatakang tanong ni Gail. Bahagya akong napakagat sa labi nung tinanong niya iyon. 

"Ahm. Naikuwento kasi ni Joaquin noon." Kumunot ang noo niya na para bang may inaalala kung may sinabing ganoon si Joaquin.  

"Anyway," pagsuko niya nang hindi niya maalala "Do you think he will agree?" she asked. "We're not that close kasi to ask something like that. You know, after LU we didn't have communication at all." Dagdag niya. 

"Maybe I can ask him?" Bumalik ulit ang noo niya sa sinabi ko. 

"Are you two that close?" Mula sa pagkakakunot ang noo ay ngumisi siya "Akala ko ba sa medicine field? Ikaw ah! Bet mo pala Engineer eh! Scammer!" Naiiling nalang ako sa naisip niya. 

"Hindi no. Naging close lang talaga siguro kami? Nung LU? Ewan!" Hindi ko na alam kung anong ipapalusot ko. Tumawa naman ng malakas si Gail. 

"Ayaw mo non? Magiging cousin-in-law tayo in the future!" Natatawang wika pa niya. Napailing nalang ako sa naiisip niya. 

Sa amin na nagdinner si Gail hanggang sa nagpasundo na siya sa service niya kaya nag-ayos na ako para ready to sleep na. Bago ako matulog ay nag scroll muna ako sa social media.

Kita ko agad ang IG story ng mga Louisian, oo nga pala Lantern Parade nila ngayon. Nag pop ang message ni Gail sa GC namin sa messenger. 

Gail Ong: Hey! Don't forget to ask, Joaquin! Thanksss! 

Iverson Russel: What's that? 

Gail Ong: I'm gonna say yes to Jonas!!! 

Iverson Russel: So what's with his cousin? 

Gail Ong: gonna borrow his condo for hours to surprise Jonas. 

Daisheen Cariño: I'll ask him now. 

I immediately close messenger app and went to my twitter. Sa twitter niya kasi ako finafollow eh. 

@daisheen: hey

Cry In A Cold City [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now