Chapter 4

8.7K 298 116
                                    

Chapter 4

Nabulunan ako sa iniinom kong kape dahil sa sinabi niya. Nakitaan ko naman siya ng pag-aalala sa mata pero sumenyas ako na ayos lang ako.

"Are you okay?" Tanong niya pa. Ang caring naman pala ng crush ko hindi ako nagkamali!

"Yes. Sorry," naiilang na sagot ko sakaniya. "And yes of course we can be friends," ngiti ko sakaniya. Ngumiti siya sa akin.

Marami pa kaming napag-usapan hanggang sa nagdecide na kaming umuwi. Kagaya ng sinabi niya, hinatid niya ako sa amin. Bahagya pa akong namangha sa sasakyan niyang black na range rover. Yayamanin.

Related sa medicine ang pinag-usapan namin nung nasa sasakyan kami. Hanggang sa makarating na rin kami sa amin kahit na ang traffic dahil rush hour.

Kumaway ako sakaniya hanggang sa umalis na siya. Papasok na ako sa bahay ng nakita ko si mama na nasa tapat ng pintuan. Nakatingin sa kotseng naghatid sa akin.

"Bagong kotse ni Nathan, Sheen?" Tanong niya. Binaba ko naman ang bag ko sa sofa tiyaka muna naupo.

"Hindi ma," kumunot ang noo ni mama tiyaka umupo sa single sofa para matingnan niya ako.

"Sino pala iyon?" Nagtatakang tanong niya. Binaba rin kasi kanina ni Jonas ang bintana para magpaalam baka nasulyapan ni mama.

"Si Jonas ma, yung kaibigan ni kuya." Sagot ko sakaniya. Napataas ang isang kilay niya dahil sa sinabi ko.

"Anong apilido?" Napabuntong hininga ako bago sumagot.

"Tan. Sakaniya po yung coat. Hinatid niya lang ako sa bahay." Pagpapaliwanag ko pa kay mama.

"Hmm. Basta matanda ka na, alam mo na ginagawa mo. Bukas ang uwi ng Papa mo," sabi ni mama tiyaka tumayo para dumeretso sa kusina.

Kasama kasi si Papa sa business trip nung boss niya. Nasa baba sila ngayon at bukas pa lang sila aakyat dito sa Baguio.

Kinabukasan, linggo. Nasa bahay lang ako nagbabasa ng mga notes. Minsan ay nanonood ng medical operation. Malapit na kasi yung prelims kaya kailangan kong magbasa para may alam ang utak ko. Para hindi rin ako magcram sa prelims.

Mabilis lumipas ang mga araw, hindi narin nagpapahatid ng pagkain si kuya dahil alam niyang prelims namin. Prelims din nila kaya minsan siguro ay nakakalimutan na niya. Todo aral ang ginawa namin nina Gail at Iverson, kailangan dahil graduating na kami at para hindi kami malaglag sa dean lister.

"Ahhh ayoko na!" Wika ni Gail sa kalagitnaan ng pagrereview namin. Nandito kami ngayon sa SB sa may SM.

"Magpahinga ka lang," sagot ni Iverson sakaniya habang busy siya sa binabasa niya.

Tatlong kape ang nandito sa lamesa namin pagkatapos ay puro mga hand outs nalang ang nakakalat. May tig-iisa rin kaming laptop. May mga requirements pa kasing kailangan ipasa.

"Ayoko na talaga!" Naiiyak na wika ni Gail. Ilang araw na rin kaming nagrereview. Lunes ngayon at bukas na ang simula ng prelims.

Gusto ko rin mag break down kagaya ni Gail pero mukhang hindi ito ang tamang oras para roon.

Bukas na ang prelims. Bawal mag break down. Bukas na ang prelims. Bawal.

"Prelims na bukas," walang emosyong wika ni Iverson.

"Eh anong magagawa ko pagod na pagod na ako!" Ngayon ay naluha na ang mga chinitang mata ni Gail.

"Tama si Iverson, pahinga ka muna. Bukas na ang prelims, bawal mag break down. Libangin mo muna sarili mo. You can surf on social media or watch netflix," suggestion ko sakaniya. Mabilis niyang pinunasan ang mga luha niya tiyaka kinuha ang cellphone niya.

Cry In A Cold City [Baguio Series #1]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz