Chapter 3

9.1K 328 154
                                    

Chapter 3

Muntik kong mabitawan ang cellphone ko pagkatapos kog mabasa iyong chat niya. May date ba kami? 

Impit akong tumili habang pinapaypayan pa ang sarili ko. 

Ang tagal na yata nung last akong humarot kaya ganito ang pakiramdam ko. Pero ganto naba magyaya ng date ngayon? 

Kilig na kilig pa ako hanggang sa naramdaman ko ang presensiya ni mama habang nakatingin sa akin. Umayos ako ng tayo tiyaka kinuha ang mga damit. Niramihan ko talaga ng downy para mabangong-mabango. 

"Ano iyan? Sinong kausap mo? Kilig na kilig ka ah," pagpuna ni mama. Napanguso ako, nagpipigil ng ngiti. 

"Wala ma, pasado lang sa quiz kanina." pagsisinungaling ko. Baka isipin pa ni mama na ang harot-harot ng anak niya. 

Ma, ako lang 'to kadate yung crush ko bukas. Charot. 

"Ayus-ayusin mo, Daisheen. Hindi ka naman namin pinagbabawalan basta alam mo ang limitasyon mo. Matanda ka na," tumango ako sa payo ni mama tiyaka kinuha ang mga nilabhan ko para matupi ko na. 

"Tan J.L. C?" Nagulat ako kay mama kaya napatingin ako kung saan siya nakatingin. Nakatingin pala siya sa coat na hawak ko "Bigatin yung apelyido niyan, anak ah." dagdag pa niya. 

"Siya yung kaibigan ni kuya, ma." pagpapaliwanag ko. 

"Konektado ba siya sa Tan dito sa Baguio?" Dahan-dahan akong tumango bilang sagot "Gusto mo?" Namilog ang mata ko sa sinabi ni mama. 

"Hindi po, ma!" Agad na deny ko. Hindi ko alam kung bakit ko dineny e pwede ko naman sabihin kay mama. 

"Mabuti naman," para siyang nakahinga ng maluwag nang sinabi niya iyon "Sobrang yaman ng mga iyan anak, hindi mo pa sila abot. Tiyaka alam mo naman ang tradisyon ng mga chinese," hindi ko alam pero parang bigla akong nalungkot sa sinabi ni mama. 

"Alam ko ho iyon, ma. Kaibigan po siya ni kuya hindi ko pa nga iyan nakakausap." Totoo, pwera kanina na nagpasorry ako. 

"Mabuti nang magkalinawagan habang maaga pa. Para habang maaga pa, maisalba mo na sa pagkakalunod puso mo." ngumiti siya sa akin tiyaka ako niyayang pumasok na sa kwarto ko. 

Napaisip ako sa sinabi ni mama. Oo naman, tama siya. Isa sila sa mainpluwensiyang pamilya dito sa Baguio. Hindi nga lang sa Baguio, baka nga buong Pilipinas pa dahil kamag-anak nila ang mga Tan na sikat. 

Matamlay kong nilagay sa isang paper bag ang coat niya. In-spray-an ko pa ng pabango ang paper bag. Kinuha ko na ang towel ko tiyaka lumabas ng kuwarto para maligo sa CR. 

Pagkatapos ay nag blower ako ng buhok para makatulog na ako. Mabuti nalang wala kaming subject sa school bukas kaya hindi masyadong required ang magbasa ng lesson. 

"Hay nako! Nakakapagod na! Tapos palapit nang palapit ang prelims!" Rant kaagad samin ni Gail nang nasa headquarter kami. Kaming tatlo lang nina Iverson ang nandito. 

"Konting tiis nalang," wika ni Iverson sakaniya. Tiningnan ko ang orasan, malapit na kaming nag off duty. Malapit narin kaming magkita ni Jonas. 

"Inom tayo mamaya? Linggo naman bukas!" Anyaya sa amin ni Gail. "Chill inuman lang sa bonfire," dagdag pa niya. 

"Pass ako," wika ko sakaniya. Hindi naman din kasi ako palainom. Nakikisama lang ako sa block lalo na kapag kasama si Gail, hindi ko siya pwedeng hayaang mag-isa. Baka anong magawa kapag lasing. 

"What? Tayo-tayo lang naman! Tayong tatlo!" Parang batang nagtatantrums si Gail pagkatapos kong mag pass. 

"Hindi rin ako nakapagpaalam kay mama." Pagdadahilan ko. Kahit na pwede naman akong magpaalam ngayon. 

Cry In A Cold City [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now